Well Visit, Edad na 18 hanggang 65: Mga Tagubilin sa Pangangalaga

Well Visit, Ages 18 to 65: Care Instructions

Makakatulong sa iyo ang mga well visit na manatiling malusog. Nasuri ng iyong doktor ang iyong pangkalahatang kalusugan at maaaring may mga iminungkahi siyang paraan para mapangalagaan nang mabuti ang iyong sarili. Maaaring may mga inirekomenda ring pagsusuri ang iyong doktor. Makatutulong kang mapigilan ang pagkakasakit sa pamamagitan ng pagkain ng masustansyang pagkain, sapat na tulog, mga pagpapabakuna, regular na pag-eehersisyo, at iba pang hakbang.

../images/9d1db3232b34bde364f129c203d7afc0.jpg

Gawin ang mga pagsusuri na napagpasyahan ninyo ng iyong doktor. Depende sa iyong edad at mga panganib, maaaring kasama sa mga halimbawa ang pag-screen para sa diabetis; hapatitis C; HIV; at kanser sa cervix, suso, baga, at bituka. Nakatutulong ang screening sa pagtukoy ng mga sakit bago pa magkaroon ng anumang sintomas.

../images/d6ff5157471dc55346d41ae9fd022906.jpg

Kumain ng masusustansyang pagkain. Piliin ang mga prutas, gulay, buong butil, walang tabang protina, at mga pagkaing gawa sa gatas na kakaunti ang taba. Limitahan ang saturated fat at bawasan ang asin.

../images/bdc2b05a72443ec6ef457bea0f26f323.jpg

Limitahan ang pag-inom ng alak. Hindi dapat sumobra sa 2 pagtagay sa isang araw ang mga kalalakihan. Hindi dapat sumobra sa 1 pagtagay ang mga kababaihan. Para sa ilang tao, pinakamainam ang hindi pag-inom ng alak.

../images/6431c6e5533d043d22ef216a58e304c8.jpg

Mag-ehersisyo. Magkaroon ng hindi bababa sa 30 minuto ng pag-eehersisyo sa karamihan ng mga araw ng sanlinggo. Maaaring makabubuti ang paglalakad.

../images/6090eeb98272857b8d19c610b8e3af28.jpg

Abutin at manatili sa iyong tamang timbang. Pabababain nito ang iyong panganib para sa maraming problema sa kalusugan.

../images/1dc9025d0b951f0b863fd885975456e1.jpg

Pangalagaan ang kalusugan ng iyong pag-isip. Subukang maging konektado sa mga kaibigan, kapamilya, at komunidad, at humanap ng mga paraan para pamahalaan ang stress.

../images/8acb377ff5ae293f39645e5727872551.jpg

Kung nakakaramdam ka ng depresyon o nawawalan ng pag-asa, makipag-usap sa isang tao. Makatutulong ang isang tagapayo. Kung wala kang tagapayo, makipag-usap sa iyong doktor.

../images/f345c39e6719fac95d2d73b9f9b8779c.jpg

Makipag-usap sa iyong doctor kung sa palagay mo ay maaaring may problema ka sa pag-inom ng alak o paggamit ng droga. Kabilang sa mga ito ang mga iniresetang gamot at ipinagbabawal na droga.

../images/9ee249ed7a301f1c23968c5e129c607e.jpg

Iwasan ang tabako at nikotina: Huwag manigarilyo, mag-vape, o ngumuya. Kung kailangan mo ng tulong sa pagtigil, makipag-usap sa iyong doktor.

../images/abb83e19a8d775c3978dad12fc08ebb7.jpg

Magsanay ng mas ligtas na pakikipagtalik. Makatutulong sa pag-iwas sa mga STI ang pagpapasuri, paggamit ng mga condom o mga dental dam, at paglimita sa mga katalik.

../images/604b8f30a0f7536b5e7382e0954b73fd.jpg

Gumamit ng pamigil sa pagbubuntis kung mahalaga sa iyong maiwasan ang pagbubuntis. Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga mapagpipilian mo at kung ano ang maaaring pinakaangkop para sa iyo.

../images/fc644a86b3b947c0de5091f8265b479c.jpg

Iwasan ang mga problema kung saan magagawa mo. Protektahan ang iyong balat mula sa sobrang pagkalantad sa araw, maghugas ng iyong mga kamay, magsipilyo dalawang beses sa isang araw, at magsuot ng isang seat belt sa kotse.

Pangkasalukuyan mula noong: Agosto 6, 2023

Bersyon ng Nilalaman: 14.0

Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong paggamit ng impormasyong ito.

© 2006-2025 Healthwise, Incorporated.