TOLAC (Trial of Labor After Cesarean Delivery o Pagsubok ng Pagdaramdam Pagkatapos Manganak nang Cesarean)
Nagkaroon ka ng panganganak na cesarean. Ngayon, maaari kang magtaka kung maaari mong subukan ang panganganak nang normal sa susunod mong sanggol. Malamang na kaya mo. Kadalasang tagumpay ang TOLAC. Humahantong ang matagumpay na TOLAC sa normal na panganganak pagkatapos ng panganganak na cesarean (VBAC). Upang malaman ang higit pa tungkol sa TOLAC, basahin ang pahinang ito tungkol sa kalusugan. Pagkatapos ay talakayin ito sa tagapangalaga ng iyong kalusugan.
 |
Para subukan ang TOLAC, dapat na nagkaroon ka ng pahalang na hiwa sa iyong matris. |
Tama ba ang TOLAC para sa akin?
Maaaring tama ang TOLAC para sa iyo kung:
-
Isang mababang pahalang (gilid-sa-gilid) na hiwa sa matris ang ginamit para sa lahat ng iyong panganganak na cesarean. (Dapat mong malaman: Ang hiwa sa iyong balat ay maaaring hindi tugma sa hiwa sa iyong matris.)
-
Wala kang problema sa kalusugan na pipigil sa VBAC.
-
Ang sanggol ay nasa normal na posisyon na pababa ang ulo.
Paano ako makikinabang?
Kapag ikinumpara sa panganganak na cesarean, may ilang kapakinabangan ang VBAC. Ang mga ito ay:
-
Mas maikling paggaling. Sa VBAC, hindi ka magkakaroon ng hiwa sa iyong tiyan. Nangangahulugan ito na dapat kang mas mabilis na makaramdam nang pagbuti kaysa noong nakaraang panganganak mo.
-
Mas kakaunting panganib sa kalusugan. Binabawasan ng VBAC ang tsansa ng sobrang pagdurugo, impeksyon, at pagkamatay.
Ligtas ba ang TOLAC?
Para sa mga babaeng sumusubok ng VBAC, may panganib ng pagkapunit ng pilat ng cesarean (kapag naghiwalay ang hiwa). Nangyayari ang pagkapunit ng puwerta sa humigit-kumulang 1 sa 100 hanggang 200 kaso.
Maghanda para sa TOLAC
Kagaya ng anumang panganganak, magiging maayos ang panganganak na ito kung ikaw ay handa. Siguruhing ang ospital kung saan ka manganganak ay sumusuporta sa TOLAC. Siguruhin din na ang taong susuporta sa iyo ay nakahandang tulungan ka:
-
Mahigpit na makipagtulungan sa iyong pangkat ng kalusugan. Susuportahan ka nila at ang iyong kagustuhang subukan ang TOLAC. Gagawin nila ang lahat ng kanilang magagawa upang itaguyod ang ligtas, at malusog na panganganak.
-
Makipag-usap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan tungkol sa iyong mga pinili para sa anesthesia at ibang mga paraan ng pagkontrol ng kirot.
-
Pumili ng taong talagang susuporta sa iyo. Maaari ka niyang pasiglahin na tutulong sa pagpapatuloy ng pagdaramdam sa panganganak.
-
Papanariwain ang iyong mga kasanayan. Kumuha ng sesyong pag-aaral sa panganganak. Matuto ng mga paraan upang mag-relaks, kung paano huminga sa pamamagitan ng kirot, at kung paano umiri.
-
Maging handa para sa posibleng mga pagbabago sa iyong plano ng panganganak.
Alamin kung ano ang aasahan
Sa TOLAC, malamang na sabihan ka na pumunta sa ospital sa sandaling magsimula ang pagdaramdam. Pagkatapos kang ipasok sa ospital, maaari kang magkaroon ng pagsusuri ng dugo pati na rin ng isang exam. Maaaring ikabit ang isang IV (intravenous) line upang mag-supply ng mga likido o gamot. Sa buong pagdaramdam ng panganganak, ikaw at ang iyong sanggol ay maingat na babantayan para masiguro ang iyong kapakanan.
 |
To make the most of your effort, breathe and push as coached by your healthcare provider. |
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.