Bato sa Kidney na may Pananakit
Ang matinding pananakit na pamumulikat sa magkabilang panig ng iyong ibabang likod at pagduduwal o pagsusuka ay dahil sa isang maliit na batong namuo sa kidney. Bumababa na ito sa makitid na tubo (ureter) patungo sa iyong pantog. Kapag nakarating ang bato sa iyong pantog, madalas na mababawasan na ang pananakit. Ngunit maaari itong bumalik hangga't patuloy na lumalabas ang bato mula sa pantog at sa urethra. Maaaring sumama ang bato sa daloy ng iyong ihi sa 1 piraso. Maaaring ang laki ay 1/16 na pulgada hanggang 1/4 na pulgada (1 mm hanggang 6 mm). O maaaring maghiwa-hiwalay ang bato na parang mga piraso ng buhangin na maaaring hindi mo mapansin.

Kapag nagkaroon ka ng bato sa kidney, maaaring nasa panganib ka ng pagkakaroon ng isa pa sa hinaharap. Mayroong 4 na uri ng mga bato sa kidney. Walumpung porsyento ay ang mga batong calcium—karamihan ay calcium oxalate ngunit mayroon ang ilan ng calcium phosphate. Kabilang sa iba pang 3 uri ang mga bato na uric acid, mga bato na struvite (mula sa naunang impeksiyon) at, bihira, mga bato na cystine.
Lumalabas nang kusa ang karamihang bato. Ngunit maaaring tumagal ito nang ilang oras hanggang sa ilang araw. Kung minsan, napakalaki ng bato para lumabas nang kusa. Kung ganoon, kakailanganing gumamit ng iba pang paraan ang tagapangalaga ng kalusugan para alisin ang bato. Kabilang sa mga pamamaraang ito ang:
-
Shock Wave Lithotripsy. Gumagamit ang noninvasive na pamamaraang ito ng mataas na enerhiya ng mga sound wave upang paghiwa-hiwalayin ang bato at hayaan itong madaling lumabas.
-
Ureteroscopy. Sa pamamaraang ito, nagpapasok ng tool sa urethra at pantog at patungo sa ureter para alisin ang bato. Isinasagawa ang pamamaraang ito sa ilalim ng anesthesia.
-
Operasyon. Maaaring kailangan mo ng operasyon para alisin ang bato.
Pangangalaga sa tahanan
Ang mga sumusunod ay mga pangkalahatang patnubay sa pangangalaga:
-
Uminom ng maraming likido. Ibig sabihin nito na hindi bababa sa 12, 8 onsang baso ng likido—karamihang tubig—sa isang araw.
-
Sa bawat pag-ihi mo (umihi), gawin ito sa isang garapon. Isalin ang ihi mula sa garapon sa pamamagitan ng salaan at sa banyo. Patuloy na gawin ito hanggang 24 na oras pagkatapos tumigil ang iyong sakit. Pagkatapos, kung mayroong bato sa kidney, dapat itong lumabas mula sa iyong pantog. Natutunaw ang ilang bato sa mga butil na parang buhangin at masasala sa salaan. Kung ganoon, hindi ka na makakakita ng bato.
-
Itabi ang anumang bato na makikita mo sa salaan at dalhin ito sa iyong tagapangalaga ng kalusugan para sa isang detalyadong pagsusuri. Maaaring posibleng pigilin na mabuo ang ilang uri ng mga bato. Dahil dito, mahalagang alamin kung anong uri ng bato ang mayroon ka.
-
Subukang maging aktibo hangga't maaari. Tumutulong ito na mailabas ang bato. Huwag manatili sa kama maliban kung pinipigilan ka ng iyong pananakit na bumangon. Maaari kang makapansin ng kulay pula, rosas, o kayumanggi sa iyong ihi. Normal ito habang lumalabas ang bato sa kidney.
-
Kung nagkaroon ka ng pananakit, maaari kang uminom ng ibuprofen o naproxen para sa sakit, maliban kung may ibang gamot na inireseta. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago gamitin ang mga gamot na ito kung mayroon kang pangmatagalang sakit sa atay o kidney. O kung nagkaroon ka na ng ulser sa sikmura o pagdurugo sa pantunaw.
Pag-iwas sa mga bato
Bawat taon para sa susunod na 5 hanggang 7 taon, ikaw ay nasa panganib na may mabuong isang bagong bato. Ang iyong panganib ay nasa 50% na tsansa sa panahong ito. Mas mataas ang panganib kung mayroon kang kasaysayan ng pamilya ng mga bato sa kidney o may ilang pangmatagalang sakit tulad ng mataas na preyson ng dugo, labis na katabaan, o diabetes. Maaaring mapababa ang iyong panganib para sa isa pang bato ng paggawa ng mga pagbabago sa iyong pamumuhay at diyeta.
Gawa sa calcium ang karamihan sa mga bato sa kidney. Ang sumusunod na payo ay para makaiwas sa isa pang bato na calcium. Kung hindi mo alam ang uri ng bato na mayroon ka, sundin ang payong ito hangga't makita ang sanhi ng iyong bato.
Mga bagay na maaaring makatulong:
-
Ang pinakamahalagang bagay na maaari mong gawin ay ang pag-inom ng maraming likido sa bawat araw. Tingnan ang pangangalaga sa tahanan sa itaas.
-
Kumain ng mga pagkain na naglalaman ng phytates. Kabilang sa mga ito ang trigo, bigas, rye, barley, at beans. Ang phytates ay ang mga substansya na maaaring magpababa ng iyong panganib para sa pagkabuo ng anumang uri ng bato.
-
Kumain ng mas maraming prutas at gulay. Piliin ang mga pagkaing mayaman sa potassium.
-
Kumain ng mga pagkaing mayaman sa natural citrate, tulad ng prutas at mga katas ng prutas na may kaunting asukal, tulad ng katas ng lemon. Maaaring makaprotekta ang citrate laban sa mga bato sa kidney dahil pinipigilan nito na maging bato ang mga kristal
-
Maaari kang ilagay sa panganib para sa mga bato na calcium sa kidney ng pagkakaroon ng kaunting calcium sa iyong diyeta. Kumain ng normal na dami ng calcium sa iyong diyeta at makipag-usap sa iyong tagapangalaga sa kalusugan kung umiinom ka ng mga suplementong calcium. Maaaring magpataas ng iyong panganib ang pagbawas sa iyong pagkain ng calcium. Ipinakikita ng bagong pananaliksik na ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa calcium at mayaman sa oxalate nang magkasama ay nagpapababa ng iyong panganib para sa mga bato sa pamamagitan ng pagbubuklod sa mga mineral sa sikmura at mga bituka bago makarating ang mga ito sa mga kidney.
-
Limitahan ang paggamit ng asin hanggang sa 2 gramo (1 kutsarita) kada araw. Patataasin ng mataas na sodium sa iyong diyeta ang dami ng calcium na dinadala sa iyong ihi. Maaari nitong palakihin ang tsansa mong magkaroon ng isa pang bato. Gumamit ng limitadong dami kapag nagluluto, at huwag magdagdag ng asin sa hapag-kainan. Kadalasang maraming asin ang mga naproseso at de-latang pagkain.
-
Maraming oxalate ang mga pagkaing spinach, rhubarb, mani, kasoy, almonds, grapefruit, at katas ng grapefruit. Dapat mong limitahin kung gaano karami ng mga ito ang iyong kinakain o kainin ang mga ito kasama ng mga pagkaing mayaman sa calcium. Kabilang sa mga ito ang mga produktong gawa sa gatas, matingkad na berde at madahong gulay, mga produktong soya, at mga pagkaing mayaman sa calcium.
-
Maaaring mapababa ang iyong panganib para sa mga bato na uric acid ng pagbawas ng dami ng karne ng hayop, shellfish, at mga pagkaing may mataas na protina sa iyong diyeta. Maraming natural na kemikal na compound na tinatawag na purines ang mga pagkaing ito. Gumagawa ng mas maraming uric acid ang iyong katawan dahil sa pagkain ng maraming pagkain na may mga purine. Inirerekomenda rin ang paglimita sa alak upang mapababa ang produksyon ng uric acid.
-
Limitahan ang dami ng asukal (sucrose) at mga soft drink na may fructose sa iyong diyeta.
-
Kung umiinom ka ng bitamina C bilang suplemento, huwag uminom nang higit sa 1,000 mg sa isang araw.
-
Bibigyan ka ng isang dietitian o ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ng impormasyon tungkol sa mga pagbabago sa iyong diyeta na makatutulong na maiwasang mabuo ang mas maraming bato sa kidney.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, o ayon sa ipinayo, kung tumagal ang pananakit nang higit sa 48 oras. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa mga pagsusuri ng ihi at dugo para malaman ang sanhi ng iyong bato. Kung nagkaroon ka ng X-ray, CT scan, o iba pang diagnostic na pagsusuri, sasabihan ka kung may anumang bagong natagpuan sa iyong resulta na makakaapekto sa iyong pangangalaga.
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung mayroon kang:
Kailan hihingi ng medikal na pangangalaga
Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mangyari ang alinman sa mga ito:
-
Pananakit na hindi nakokontrol ng ibinigay na gamot
-
Paulit-ulit na pagsusuka o hindi mapababa ang iniinom na mga likido
-
Lagnat na 100.4ºF (38ºC) o mas mataas, o ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga
-
Pag-ihi ng buong pula o kayumangging ihi (hindi makaaninag sa pamamagitan nito) o ihi na may maraming namuong dugo
-
Mabahong amoy o malabong ihi
-
Hindi makaihi sa loob ng 8 oras at tumataas na presyon sa pantog