Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Anesthesia: General Anesthesia (Pangkalahatang Pampamanhid)

Oras na ng operasyon mo. Habang inuopera ka, bibigyan ka ng gamot na tinatawag na anesthesia o pampamanhid. Pananatilihin ka nitong komportable at hindi makaramdam ng kirot. Gagamit ang iyong provider ng general anesthesia .

Mga provider ng pangangalagang pangkalusugan sa loob ng silid ng operasyon na inihahanda ang lalaki para operahan.
Patuloy na ikaw ay nanood sa panahon ng iyong pamamaraan ng kawalan ng pakiramdam provider.

Ano ang general anesthesia?

Ilalagay ka ng general anesthesia sa mahimbing na tulog na kalagayan. Papasok ito sa iyong mga ugat (IV anesthetics), papasok sa mga baga (gas anesthetics), o alinman dito. Wala kang mararamdamang anuman sa panahon ng procedure. Hindi mo ito maaalala. Tuloy-tuloy kang susubaybayan ng provider ng anesthesia habang ginagawa ang procedure. Susuriin nila ang tibok at ritmo ng iyong puso, presyon ng dugo, paghinga, at oxygen sa dugo.

  • IV anesthetics. Ibinibigay ang IV anesthetics sa pamamagitan ng IV (intravenous) line sa iyong braso. Madalas na ito muna ang ibinibigay. Ginagawa ito para tulog ka na bago simulan ang gas anesthetic. Pinahuhupa ng ilang IV anesthetics ang kirot. Ang iba ay para maging relaks ka. Magpapasya ang iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan kung alin sa mga ito ang pinakamabuti para sa iyong kaso.

  • Gas anesthetics. Ang gas anesthetics ay nilalanghap papasok sa mga baga. Madalas na ginagamit ito para panatilihin kang tulog. Pwedeng ibigay ito sa pamamagitan ng face mask. O pwedeng ibigay ito sa pamamagitan ng tubo na inilalagay sa iyong voice box (larynx) o tubong hingahan (trachea).

    • Face mask. Mas malamang na maglagay ang iyong provider ng pangangalagang pangkalsugan ng face mask sa ibabaw ng iyong ilong at bibig habang gising ka pa. Lalanghapin mo ang oxygen sa pamamagitan ng mask habang sinisimulan ang iyong IV anesthetic. Maaaring idagdag ang gas anesthetic sa pamamagitan ng mask.

    • Tubo sa lalamunan o trachea. Ipapasok ang tubo sa iyong lalamunan kapag tulog ka na.

Mga gamit sa anesthesia at mga gamot

Malamang na ikaw ay may:

  • IV anesthetics. Ilalagay ang mga ito sa IV line papasok sa iyong mga ugat.

  • Gas anesthetics. Lalanghapin mo ang mga anesthetic na ito papasok sa iyong mga baga. Pagkatapos ay dadaan ito sa iyong mga ugat.

  • Pulse oximeter. Isa itong maliit na clip na nakakabit sa dulo ng iyong daliri. Susukatin nito ang antas ng oxygen sa iyong dugo.

  • Electrocardiography leads (electrodes).  Ang mga ito ay maliit at dumidikit na mga pad na inilalagay sa iyong dibidib. Irerekord ng mga ito ang tibok at ritmo ng iyong puso.

  • Blood pressure cuff. Binabasa nito ang presyon ng iyong dugo.

Mga panganib at posibleng komplikasyon

May ilang panganib ang general anesthesia. Kabilang sa mga ito ang:

  • Problema sa paghinga

  • Masamang pakiramdam sa tiyan (pagduduwal) at pagsusuka

  • Pananakit ng lalamunan o pamamaos (kadalasan nang pansamantala)

  • Reaksyong allergy sa gamot na pampamanhid

  • Hindi regular na tibok ng puso (bihira)

  • Cardiac arrest (bihira)

Kaligtasan sa anesthesia

  • Sundin ang anumang tagubiling ibinigay sa iyo na hindi pagkain o pag-inom bago ang iyong procedure.

  • Sabihin sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan kung anong mga gamot ang iniinom mo. Kasama dito ang mga gamot na inireseta at nabibili nang walang reseta. Kasama dito ang mga bitamina, halamang gamot, at iba pang suplemento. Tatanungin ka kung kailan mo huling ininom ang mga ito.

  • Magpahatid pauwi ng bahay sa isang adultong kapamilya o kaibigan pagkatapos ng procedure.

  • Sa unang 24 oras pagkatapos ng iyong operasyon:

    • Huwag magmamaneho o gagamit ng heavy equipment.

    • Huwag gagawa ng mahahalagang pagpapasya o pipirma ng legal na mga dokumento. Kung kinakailangan na gawin ang mahahalagang pagpapasya o pagpirma ng legal na mga dokumento sa unang 24 na oras pagkatapos ng operasyon, kumuha ng isang mapagkakatiwalaang kapamilya o asawa na gagawa nito para sa iyo.

    • Huwag uminom ng alak.

    • Magkaroon ng isang responsableng adulto na manatiling kasama mo. Pwede nilang bantayan kung may mga problema at tutulong sa iyo na manatiling ligtas.

Online Medical Reviewer: Jimmy Moe MD
Online Medical Reviewer: Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer: Tara Novick BSN MSN
Date Last Reviewed: 10/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer