Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Posisyon sa Pagtatalik Pagkatapos ng Pagpapalit ng Kasukasuan

Nagpaopera ka para sa pagpapalit ng kasu-kasuan, at sinabi ng iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na ayos lang na makipagtalik. Marahil nag-iisip ka kung anong mga posisyon ang ligtas at komportable. Ang mga posisyong ito ay ligtas pagkatapos ng pagpapalit ng balakang o tuhod. Sikaping iwasan ang sobrang presyon sa bago mong kasu-kasuan. Isa pa, kung paano ka nag-iingat kapag gagawin mo ang posisyong ito, ganun din ang gawin mo kapag aalis ka sa posisyong ito. Kung nagpapalit ka ng balakang, laging panatilihing nasa ligtas na saklaw ng paggalaw ang iyong kasu-kasuan.

Para sa mga pagpapalit ng balakang

Pagkatapos ng pagpapalit ng balakang, tiyakin na ang tuhod sa apektadong bahagi ay:

  • Nananatiling kapantay o nasa baba ng balakang.

  • Hindi lalampas sa pusod (gitnang bahagi ng katawan)

Pagsasaayos ng gagawin

Pwedeng mas maging madali ang pagtatalik kung maaga mo itong ipaplano. Narito ang ilang payo:

  • Uminom ng hindi gaanong matapang na gamot sa kirot mga 20 hanggang 30 minuto bago makipagtalik. Makakatulong ito na mapigilan ang kaunting pangingirot. Huwag uminom ng napakatapang na gamot na magiging dahilan na hindi na mapansin ang babalang kirot

  • Maghanda ng mga unan at nakarolyong tuwalya sa malapit. Magagamit ang mga ito na pangsuporta sa katawan.

  • Magrelaks. Gawin ang ilang madadaling pagbabanat hindi lalampas sa ligtas na saklaw ng paggalaw.

  • Ang may shade na mga bahagi sa sumusunod na larawan ay nagpapakita ng bagong mga kasu-kasuan.

Magkaharap na posisyon sa pagtatalik na nagpapakita ng pigura na nakatihaya sa mga unan na may mga unan sa pagitan ng mga tuhod. Isa pang pigura ay pigura ng nakasaklang padapa.

Magkaharap

  • Pwede ang posisyong ito sa pagkatapos ng mapalitan ng balakang o tuhod. Ligtas para sa taong may bagong kasukasuan kapag nasa ilalim siya.

  • Ang kapartner na nasa ilalim na naoperahan ay magpapanatiling magkahiwalay ng mga hita at medyo pabuka. Gumamit ng mga unan para suportahan ang mga hita sa gawing labas.

  • Depende sa pagiging komportable, pwedeng maglagay ng unan sa likod ang nasa ilalim para nakahilig o nakahiga nang lapat.

  • Kung siya ay mayroong bagong kasukasuan ng balakang, maglagay ng mga unan sa pagitan ng kanilang mga tuhod. Mapipigilan nito ang mga tuhod na lumampas sa pusod, o gitnang bahagi ng katawan.

Pag-upo sa upuan

  • Pwede ang posisyong ito sa pagkatapos mapalitan ng balakang o tuhod. Ligtas na posisyon ito para sa isang taong may bagong kasukasuan.

  • Nakaupo ang isang tao sa tuwid na upuan. Ang mga paa nito ay may suporta o nakalapat sa sahig.

  • Ang kapartner niya ay nakaupo kandungan ng isa.

  • Ligtas na posisyon ang dalawang ito para sa isang taong may bagong kasukasuan.

Posisyon sa pagtatalik na nagpapakita ng pigura na nakaupo sa upuan na may unan sa pagitan ng mga tuhod. Isa pang pigura na nakasaklang paupo.

Posisyon sa pagtatalik na nagpapakita na isang tao ang nakahiga sa kama at ang isa ay nakaluhod sa unan sa tabi ng kama.

Tao na may bagong kasukasuan at kaparner na nakaluhod

  • Pwede ang pahigang posisyong ito para sa isang taong may bagong balakang o kasukasuan.

  • Ang taong may bagong kasukasuan ay nakahigang patihaya sa kama, ang puwet ay malapit sa kanto ng kama. Dalawang paa nito ay may suporta o nakalapat sa sahig.

  • Nakaluhod ang kapartner sa harap sa mga unan na nakalagay sa sahig. Nakalagay sa magkabilang panig ng katawan ng taong may bagong kasu-suan ang mga kamay ng kaparner.

Nakahigang patagilid na posisyon

  • Pwede ang posisyong ito sa isang taong may bagong palit na kasukasuan.

  • Nakahigang patagilid ang may bagong palit na kasukasuan habang nasa ilalim ito.

  • Gumamit ng mga unan para pansuporta. 

Posisyon sa pagtatalik na nagpapakita ng pigurang nakahigang patagilid na ang isang hita ay nakabaluktot at may mga unan na sumusuporta sa nakabaluktot na hita at ulo. Isa pang pigura ng nakahiga patagilid sa likuran ng unang pigura, na nakabaluktot ang isang hita.

Posisyon sa pagtatalik na nagpapakita ng pigura na nakadapa na ang itaas ng katawan at ang mga tuhod at ulo ay may suportang mga unan. Isa pang pigura na nakadapa sa ibabaw na may unan sa pagitan ng mga tuhod.

Isang tao na may bagong kasukasuan ng balakang na nakatukod ang mga siko

  • Ang posisyong ito ay para sa isang taong may bagong kasukasuan.

  • Taong may bagong balakang na nakahiga sa ibabaw ng kanyang kapartner.

  • Taong may bagong balakang na nakaunat ang kanilang mga binti at hita sa likuran niya, na may unan sa pagitan ng mga tuhod.

  • Taong may bagong balakang na sinusuportahan kanyang siko ang kanyang bigat

Para sa kapartner

Kung ang iyong kapartner ay nagpapalit ng balakang:

  • Tiyakin sa provider ng iyong kaparner na ayos lang makipagtalik.

  • Tulungan ang iyong kaparner na makapanatili sa ligtas na saklaw ng paggalaw.

  • Kontrolin ang dami at bilis ng paggalaw habang nagtatalik.

  • Huwag ilagay ang lahat ng bigat mo sa balakang ng iyong kaparner.

Online Medical Reviewer: Rahul Banerjee MD
Online Medical Reviewer: Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Date Last Reviewed: 9/1/2023
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer