Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Diabetic Retinopathy: Pagsusuri sa Iyong mga Mata

Nangyayari ang diabetic retinopathy kapag napinsala ng diabetes ang mga daluyan ng dugo sa likod ng mata. Puwede itong humantong sa pagkabulag. Maaaring hindi ito magdulot ng anumang sintomas sa simula. Upang malaman ito nang maaga, magpasuri ng mata kahit isang beses sa isang taon. Sa pagsusuri, aalamin ng tagapangalaga ng mata ang kasaysayan ng iyong kalusugan, at eeksaminin ang iyong mga mata, at susuriin ang iyong paningin.

Mas mataas ang panganib ng mga buntis at mga taong may type 1 o type 2 na diabetes na magkaroon ng retinopathy. Dapat magpasuri ng mata ang mga taong may diabetes bago magbuntis o sa unang trimester. Depende kung gaano kalubha ang retinopathy, dapat masuri ang mga ito kada trimester. At masuri din sa loob ng 1 taon matapos isilang ang sanggol. Walang panganib na magkaroon ng retinopathy sa panahon na nagka-diabetes ang mga babae habang nagbubuntis (gestational diabetes).

Ang iyong kasaysayan ng kalusugan

Maaaring itanong ng iyong tagapangalaga ng mata ang tungkol sa anumang problema sa iyong paningin. Kasama rito ang:

  • Malabong paningin o pagkaduling

  • Hirap makakita sa gabi

  • May kumikislap o lumulutang

Maaari nilang itanong ang tungkol sa:

  • Uri at kasaysayan ng iyong diabetes

  • Mga paggamot tulad ng insulin

  • Kung nagkaroon ka ng pagbabago sa iyong pagkontrol ng asukal sa dugo kamakailan lamang

  • Paano mo sinusuri ang lebel ng iyong asukal sa dugo

  • Kung nagkaroon ng diabetes ang sinumang miyembro ng pamilya

  • Kung nagkaroon ng diabetic retinopathy ang sinumang miyembro ng pamilya

  • Anumang sakit ang nagkaroon ka, kabilang ang mataas na presyon ng dugo o sleep apnea

  • Anumang operasyon o pamamaraan na nagkaroon ka

  • Ano-anong gamot (parehong inirereseta at over the counter), herbal, bitamina, o supplement ang iniinom mo

Ang eksaminasyon ng iyong mata

Ang nangangalaga ng kalusugan ay nag-eeksamin sa mata ng isang lalaki na gamit ang slit lamp.

Gumagamit ng tsart para sa mata at iba pang kagamitan ang iyong tagapangalaga ng mata upang suriin ang iyong paningin. Pagkatapos, sinusuri niya ang iyong mga mata para sa anumang sakit. Bibigyan ka ng pampatak sa mata para palakihin (dilate) ang iyong mga pupil o balintataw. Maaari kang sumailalim sa 1 o higit pa sa mga pagsusuring ito:

  • Tonometry.  Sinusukat nito ang presyon ng likido sa mata.

  • Slit lamp exam.  Tinitingnan sa pagsusuring ito ang istruktura ng iyong mata.

  • Ultrasound. Lumilikha ito ng larawan ng mata gamit ang sound waves. Maaari itong gamitin kung may makitang dugo sa malinaw na gel na pumupuno sa mata (vitreous).

  • Ocular coherence tomography (OCT). Lumilikha ang pagsusuring ito ng larawan ng retina gamit ang light waves. Ipinakikita nito kung may tumatagas na likido sa ilang bahagi ng mata. Nasusukat din nito kung gaano kakapal ang retina.

Fluorescein angiography

Maaaring isagawa ang pagsusuring ito para suriin ang panloob na lining ng mata (retina). Sinusuri din nito ang maliliit na daluyan ng dugo (capillaries) na nagdadala ng dugo sa retina. Sa panahon ng pagsusuri:

  • Bibigyan ka ng pampatak na magpapalaki sa iyong pupil.

  • Pagkatapos, may ituturok na tina sa dugo sa pamamagitan ng iyong braso o kamay. Dadaloy ang tina sa mga maliliit na ugat (capillaries) sa mata.

  • Kukuhanan ng litrato ng tagapangalaga ang retina. Mas madali makita sa mga litrato ang maliliit na ugat dahil sa tina. Tumutulong ito sa tagapangalaga upang malaman kung mayroon at kung nasaan ang problema.

Maaari kang makaramdam ng pagduduwal sa maikling panahon ng pagsusuri. Maaaring manilaw ang iyong balat, mga mata, at ihi sa loob ng ilang oras pagkatapos ng pagsusuri. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga upang malaman ang higit pa sa pagsusuring ito. 

Online Medical Reviewer: Jessica Gotwals BSN MPH
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Online Medical Reviewer: Robert Hurd MD
Date Last Reviewed: 12/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer