Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Kaligtasan ng Pasahero ng Sasakyan: Mga Safety Seat sa Sasakyan

Kada taon, libo-libong bata ang napipinsala o namamatay sa mga aksidente sa sasakyan. Maaaring makatulong ang mga safety seat sa sasakyan na mapanatiling ligtas at tiwasay sa iyong sasakyan ang iyong sanggol o paslit. Ngunit kailangang gamitin ang mga ito nang wasto. Ang limang mahahalagang bagay na magagawa mo para mapanatiling ligtas ang iyong anak ay:

  • Gumamit ng upuan sa sasakyan tuwing sasakay ang iyong anak sa sasakyan. Walang pagbubukod.

  • Iharap patalikod ang iyong anak hangga't pinahihintulutan ng upuan sa sasakyan.

  • Gamiting ang iyong upuan sa sasakyan ayon sa mga tagubilin ng tagagawa. Tingnan din ang iyong manwal ng may-ari ng sasakyan. Panatilihing handang magamit ang parehong manwal para sanggunian. Isang magandang lugar ang glove box ng iyong sasakyan para paglagyan ng mga ito.

  • Palaging gamitin ang mga upuan sa sasakyan sa upuan sa likod ng iyong sasakyan.

  • Magpalit ng booster seat kapag kinalakhan ng iyong anak ang mga upuan sa sasakyan. Dapat magpalit sa isang belt-positioning booster seat ang mga batang mas matangkad o mas mabigat kaysa limitasyon para sa isang paharap na upuan sa sasakyan, ayon sa American Academy of Pediatrics. Mahalagang tingnan ang iyong manwal ng may-ari ng upuan sa sasakyan para sa limitasyon ng upuan sa taas at timbang.

Mga posisyon ng upuan sa sasakyan

Alinman sa patalikod o paharap ang mga upuan sa sasakyan. Bilang patakaran, dapat humarap sa likod ng sasakyan ang mga bata hangga't maaari. Ito ang pinakaligtas na posisyon para sa isang bata sa isang aksidente. Depende sa edad, laki, at timbang kung gaano katagal dapat humarap sa likod ang isang bata. Ang sumusunod ay karagdagang impormasyon sa mga posisyon ng upuan sa sasakyan:

Patalikod

  • Dapat paupuin ang mga sanggol at paslit sa safety seat ng sasakyan na patalikod hangga’t maaari. Ibig sabihin, hanggang sa maabot nila ang pinakamataas na timbang at taas na pinapayagan sa kanilang upuan.  Tingnan ang mga tagubilin para sa iyong safety seat.

  • Mayroong 2 uri ng mga upuang patalikod: pansanggol lamang at napapalitan. Dapat patalikod lamang ang mga upuang pansanggol lamang. Maaaring gamitin nang patalikod ang convertible seat at pagkatapos ay gawing paharap. Mayroong mga limit sa taas at timbang ang karamihan sa mga convertible safety seat na nagpapahintulot sa iyong mga anak para sumakay nang nakaharap sa likuran para sa 2 taon o higit pa.

  • Kapag ginamit sa mga sanggol, dapat na ihiga ang mga upuang ito ayon sa mga tagubilin ng tagagawa. Iniiwasan nitong sumalampak paharap ang ulo ng iyong sanggol.

  • Dapat pumasok ang harness sa mga butas para sa upuan sa sasakyang nasa balikat ng bata o sa ibaba nito. Palaging sundin ang mga tagubilin ng tagagawa ng upuan sa sasakyan para sa wastong pagkakalagay ng harness.

Sanggol na ligtas na nakaupo sa carseat na patalikod sa likod na upuan ng kotse.

Paharap

  • Maaarang gamitin ang mga upuang ito para sa mga batang nakalakhan ang limitasyon sa taas o timbang para sa mga upuang patalikod na itinakda ng tagagawa ng upuan sa sasakyan.

  • Maraming uri ng mga upuan ang maaaring gamitin paharap. Kabilang dito ang mga built-in na upuan, mga pinagsamang paharap/booster seat, at mga travel vest. Palaging tingnan ang manwal ng may-ari ng upuan sa sasakyan para sa wastong pagkakalagay.

  • Dapat pumasok ang harness sa mga butas para sa upuan sa sasakyang nasa balikat ng bata o itaas nito. Palaging sundin ang mga tagubilin ng tagagawa ng upuan sa sasakyan para sa wastong pagkakalagay ng harness.

Paslit na ligtas na nakaupo sa carseat na paharap sa likod na upuan ng kotse.

Ligtas na paggamit ng upuan sa sasakyan

  • Bilhin ang wastong upuan sa sasakyan para sa iyong anak:

    • Dapat mong malaman na ang pinakamahusay na upuan para sa iyong anak ay ang angkop sa timbang at taa ng iyong anak. Dapat din itong magkasya sa iyong sasakyan. Huwag tumingin sa presyo lamang.

    • Subukan ang upuan. Ilagay dito ang iyong anak at ayusin ang mga harness at buckle. Tingnan na tugma ito sa iyong anak at sa iyong sasakyan.

    • Alinmang upuan sa sasakyan ang bilhin mo, suriin na ito ang magagamit mo palagi nang wasto.

  • Ikabit nang wasto ang upuan sa sasakyan:

  • Tingnan na ligtas na naka-secure ang bata sa upuan sa sasakyan:

    • Tingnan ang mga tagubilin sa upuan sa sasakyan upang masigurong ginagamit mo nang wasto ang kagamitan.

    • Tingnan na mahigpit at nakalapat ang mga harness sa dibdib ng bata.

    • Panatalihin ang retainer clip sa lebel ng kilikili.

  • Palaging ikabit ang upuan sa sasakyan sa upuan sa likod ng sasakyan. Dapat na laging umupo sa upuan sa likod sa isang booster seat ang mga batang wala pang 13 taong gulang hanggang sapat na ang laki nila upang magkasya sa isang seat belt. Kapag sapat na ang laki ang iyong anak upang hindi sumakay sa booster seat, dapat pa rin silang sumakay sa upuan sa likod. Mas ligtas ito kung sakaling maaksidente.

  • Huwag gumamit ng upuan sa sasakyan matapos nitong maabot ang petsa ng pag-expire. Kadalasan ito kapag halos 6 na taon na ang upuan. Tingnan ang manwal ng upuan sa sasakyan para sa impormasyon.

  • I-upgrade ang upuan ng iyong anak habang lumalaki siya. Subaybayan ang taas at timbang ng bata na kinuha sa mga pagbisita sa tagapangalaga ng kalusugan para alam mo kung kinalakhan na ng iyong anak ang kanyang upuan sa sasakyan.

  • Kapag nakalakhan ng iyong anak ang upuan sa sasakyan, magpalit sa booster seat.

Mga sanggunian at tip para sa pagpapanatiling ligtas ang mga bata sa mga koste

Narito ang ilang mungkahing pangkaligtasan: 

  • Gumamit ng mga upuan sa sasakyan at mga seat belt sa tuwing maglalakbay—kahit ito ay malapit lang.

  • Gawing halimbawa ang mabuting pag-uugali. Kung gumamit ka ng seat belt, mas malamang na gagawin din ito ng anak mo.

  • Alamin kung naiintindihan iyon ng iyong mga anak maliban kung naka-seat belt ang lahat, hindi aabante ang sasakyan. Walang pagbubukod.

  • Sa mga buwan ng taglamig, makakaapekto ang makapal na damit kung paano kakasya ang mga strap ng upuan sa sasakyan.

  • Huwag kailanman gumamit ng upuan sa sasakyan na nasangkot sa isang malubhang aksidente. Maaaring OK na gamitin ang isang upuang nasangkot sa isang maliit na aksidente. Upang malaman ang higit pa, bisitahin ang www.nhtsa.gov.

  • Huwag gumamit ng isang gamit nang upuan sa sasakyan kung hindi mo alam ang kasaysayan nito.

  • Huwag kailanman gumamit ng pampakapal o iba pang produktong hindi kasama sa iyong upuan sa sasakyan.

  • Huwag kailanman gumamit ng isang upuan sa sasakyang na-recall. Para sa impormasyon sa mga recall, tawagan ang gumawa o ang Hotline ng Kaligtasan sa Sasakyan nang libre sa 888-327-4236. Sagutan din ang form ng pagrerehistro kapag bumili ka ng iyong upuan sa sasakyan. Masisiguro nitong nasabihan ka tungkol sa anumang recall sa upuang iyon.

  • Alamin ang tungkol sa mga batas pangkaligtasan ng batang pasahero sa iyong estado sa Safety Kids Worldwide.

Ang sistemang LATCH

Nangangahulugan ang LATCH na Lower Anchors and Tethers for Children. Pinahihintulutan ng sistemang ito na ma-secure ang upuan sa sasakyan nang hindi gumagamit ng seat belt. Gumagamit ang LATCH ng 2 o higit pang set ng maliliit na bar (mga angkla) na nasa upuan sa likod ng sasakyan. Maaari din itong gumamit ng isang attachment para sa itaas na tali. Mayroong LATCH ang karamihang kotseng ginawa simula Setyembre 2002. Dapat na parehong idinisenyo ang iyong sasakyan at iyong upuan sa sasakyan para gamitin ang sistema. Upang malaman kung mayroon kang LATCH, tingnan ang iyong manwal ng may-ari ng sasakyan at mga tagubilin sa upuan sa sasakyan. Huwag kailanman gumamit ng LATCH kasama ang isang seat belt. Gamitin ang isa o ang isa pa.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer