Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Vulvodynia

Ang pananakit sa vulva ng babae ay tinatawag na vulvodynia. Ang vulva ay ang bahagi ng panlabas na bahagi ng mga organo ng kasarian ng babae. Kabilang dito ang malaki at maliit na tiklop ng balat o mga labi (labia), ang klitoris, at ang bukana ng kanal ng kapanganakan (vagina) at urethra (kung saan lumalabas ang ihi). Ang ilang mga kababaihan ay nakakaramdam ng pananaakit sa isang partikular na lugar. Maaaring makaramdam ng pananakit sa iba’t-ibang bahagi o sa buong lugar.

Labas na larawan ng ari ng babae.

Ano ang nagiging sanhi ng vulvodynia?

Ang eksaktong dahilan ng vulvodynia ay hindi alam. Ang isang bilang ng mga kadahilanan ay maaaring kasangkot. Maaaring kabilang dito ang:

  • Mga ugat sa lugar napinsala o naiirita sa loob ng mahabang panahon.

  • Mga impeksyon sa lugar na naging sanhi ng reaksyon ng iyong immune system sa hindi pangkaraniwang paraan.

  • Yeast o bacterial na mga impeksyon na patuloy na bumabalik.

  • May mga allergy ka sa ilang mga pagkain o bagay sa kapaligiran.

  • Ang mga antas ng hormone ay masyadong mataas o masyadong mababa.

  • Ang mga kalamnan sa pelvic floor ay mahina.

Anuman ang dahilan, ang vulvodynia ay maaaring nakakabahala at nakakaapekto sa lahat ng bahagi ng iyong buhay. Kabilang dito ang iyong pisikal at emosyonal na kalusugan.

Ano ang mga sintomas ng vulvodynia?

Ang pangunahing sintomas ay pananakit sa vulva na naroroon na ng hindi bababa sa 3 buwan. Ang sakit na ito ay maaaring mula sa banayad hanggang malubha. Maaari itong nasa isang partikular na bahagi o nakakaapekto sa buong bahagi. Ang sakit ay maaaring nasusunog, nakakatusok, nangangati, o pumipintig. Ang bahagi ay maaaring sumakit o pakiramdam ng namamaga o mahapdi.

Ang pananakit ay maaaring mangyari ng biglaan o ito ay maaaring i-set off (triggered) sa pamamagitan ng isang aktibidad o kontak sa vulva. Ang ilang mga karaniwang pag-trigger ay kinabibilangan ng pakikipagtalik, paglalagay ng isang tampon, nakaupo nang mahabang oras, o nakasuot ng masikip na pantalon.

Ang pananakit ay maaaring mangyari sa lahat ng oras o maaari itong dumating at umalis. Maaari itong tumagal ng ilang araw pero biglang nawawala. Maaari itong mangyari kaagad o sa ibang pagkakataon pagkatapos ng isang trigger.

Paano ginagamot ang vulvodynia?

Kadalasan, ang unang hakbang sa paggamot sa kundisyong ito ay ang pagaanin ang mga sintomas na may mga hakbang sa kalinisan. Maaaring kabilang sa iba pang mga paggamot ang:

  • Mga gamot na inilagay mo sa bahagi (topical), inumin sa pamamagitan ng bibig (oral), o iniksyon.

  • Pagpapahinga at pamamahala ng stress upang tumulong sa malalang sakit at suportahan ang emosyonal na kalusugan.

  • Mga nerve block.

  • Pamamahala ng pananakit, tulad ng trigger point therapy at transelectrical nerve stimulation.

  • Mga ehersisyo upang gawing mas malakas ang mga kalamnan ng pelvic floor.

  • Pagpapayo upang makatulong na makayanan ang may malalang pananakit at para sa suporta tungkol sa mga epekto ng kondisyong ito sa sekswal na kalusugan.

  • Komplementaryo at mga alternatibong terapiya, tulad ng pagpapahinga, masahe, at acupuncture.

  • Operasyon (madalang).

Mga tip sa kalinisan para sa vulvodynia

Narito ang ilang mga kapaki-pakinabang na tip upang makatulong na mabawasan ang pananakit ng vulvodynia:

  • Magsuot ng maluwag na pantalon at mga palda at lahat na koton na puting damit panloob. Huwag magsuot ng damit panloob kapag natutulog.

  • Hugasan ang mga damit na panloob ng walang amoy, banayad na mga detergent. Huwag gumamit ng pampalambot ng tela.

  • Huwag gumamit ng mga produktong pambabaeng pangkalinisan, mga bubble bath, douches, o mga mabangong sabon o cream.

  • Hugasan ang iyong bahaging vulvar ng malamig hanggang maligamgam na tubig lamang. Linisin ang lugar gamit ang tubig at patuyuin ito pagkatapos umihi.

  • Gumamit ng mga cool pack sa bahagi o malamig hanggang maligamgam na sitz bath para mabawasan ang pangangati, iritasyon, o nasusunog na pakiramdam.

  • Gumamit ng water-based na pampadulas kapag nakikipagtalik.

  • Huwag umupo sa mga hot tub o lumangoy sa mga pool na mataas sa chlorine.

Tandaan:

Naiintindihan namin na ang kasarian ay spectrum. Maaari kaming gumamit ng mga terminong may kasarian upang pag-usapan ang tungkol sa anatomya at panganib sa kalusugan. Mangyaring gamitin ang impormasyong ito sa paraang pinakamahusay na gumagana para sa iyo at sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan habang pinag-uusapan mo ang iyong pangangalaga.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer