Pangangalaga sa Perineum Pagkatapos ng Panganganak
Ang perineum ay ang bahagi ng tisyu sa pagitan ng puwerta at puwit. Pagkatapos manganak, maaaring napakasakit ang bahaging ito. Nababanat ito nang husto sa panahon ng panganganak sa puwerta. Maaaring mapunit ang tisyu sa bahagi. O maaaring mapunit ito sa panahon ng panganganak (episiotomy). Maaaring sumakit o magkaroon ng matinding pananakit ang bahagi. Maaari itong mamaga. Maaaring magkaroon ka ng pagdurugo. Maaaring maging mahirap para sa iyo na umupo o pumunta sa banyo. Maaaring tumagal ang pananakit at pamamaga sa loob ng 7 hanggang 10 araw pagkatapos manganak. Tutulungan ka ng pahinang ito para alagaan ang iyong kakulangan ng ginhawa.
Paano sabihin ito
payr-uh-NEE-uhm
Pamamahala ng pananakit

Maaari itong makatulong na maibsan ang iyong pananakit:
-
Gamot sa kirot. Maaaring makatulong ang ibuprofen o acetaminophen na mabawasan ang pananakit. Itanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung anong dosis ang ligtas kung nagpapasuso ka.
-
Malamig na pakete. Maglagay ng ice pack o malamig na pakete sa iyong perineum. Ingatan ang iyong balat gamit ang manipis na tuwalya. Panatilihing nakalagay sa bahagi ang malamig na pakete sa loob ng 10 hanggang 20 minuto sa isang pagkakataon. Maaari mong gawin ito nang ilang beses sa isang araw, kung kinakailangan.
-
Malalamig na sitz bath. Ibig sabihin nito na pag-upo sa isang mababaw na batya ng malamig na tubig sa loob ng 20 hanggang 30 minuto. Siguraduhing ganap na nakababad sa tubig ang iyong masasakit na bahagi. Maaari mong gawin ito nang ilang beses sa isang araw kung kinakailangan. Mag-sitz bath pagkatapos ng bawat pagdumi.
-
Pang-spray na gamot. Maaari kang gumamit ng spray na pamawi ng pananakit sa bahagi ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan.
Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung hindi ka makaihi dahil sa pananakit. Maaaring kailangan mo ng catheter habang gumagaling ang iyong perineum. Ipapasok sa iyong urethra ang isang manipis at nababanat na tubo (catheter). Maiipon ang iyong ihi sa isang bag.
Hanggang sa bumuti ang iyong pakiramdam:
-
Huwag gumamit ng mga tampon
-
Maghintay para makipagtalik. Maaaring tumagal ito hanggang sa 6 na linggo para maging handa. Maaaring makaramdam ka pa rin ng kaunting pananakit. Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung hindi mo kayang makipagtalik sa loob ng 3 buwan o higit pa pagkatapos manganak.
Kung nagkaroon ka ng episiotomy o punit
Ang episiotomy ay hiwa na ginagawa upang gawing mas malaki ang bukana ng puwerta. O maaaring kusang mapunit ang tisyu. Ginagawa ang mga tahi para ayusin ang balat sa perineum. Matutunaw nang kusa ang mga tahi sa loob ng ilang linggo. Hindi kailangang tanggalin ang mga ito ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Kailangan mong pababain ang panganib ng impeksiyon sa pamamagitan ng pagpapanatiling malinis ng iyong mga tahi. Upang gawin ito:
-
Punasan nang marahan mula sa harap hanggang likod pagkatapos ng iyong pagdumi.
-
Pagkatapos punasan, mag-spray ng maligamgam na tubig sa mga tahi gamit ang squirt bottle. Patuyuin.
-
Pagkatapos umihi, OK lang na huwag ito punasan. Mag-spray lang ng maligamgam na tubig at patuyuin.
-
Huwag gumamit ng sabon o anumang panlinis bukod sa tubig maliban kung ipinayo ito ng iyong tagapangalaga ng kalusugan.
-
Magpalit ng iyong sanitary pad kada 2 hanggang 4 na oras man lang.
Pag-iwas sa pagtitibi
Maaaring mas sumakit ang iyong perineum kapag nahihirapan sa iyong pagdumi. Para makatulong na maiwasan ang pagtitibi:
-
Magkaroon ng sapat na fiber sa iyong pang-araw-araw na diyeta. Kumain ng mga sariwang prutas at gulay at buong butil.
-
Uminom ng maraming likido araw-araw.
-
Gumamit ng pampalambot ng dumi o laxative kung kinakailangan. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago uminom ng gamot kung nagpapasuso ka.
Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan
Tumawag sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung mangyari ang alinman sa mga ito:
-
Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga
-
Pamumula, pamamaga, o pananakit na lumulubha
-
Pananakit na hindi natutulungan ng gamot
-
Likido na tumatagas mula sa iyong mga tahi
-
Mga tahi na napupunit
-
Nahihirapan sa pagkontrol ng iyong ihi o dumi
-
Iba pang bagong sintomas
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.