Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

COVID-19: Pangangalaga sa Iyong Sarili o sa Iba

Kung ikaw o ang isang miyembro ng sambahayan ay nasuring positibo sa COVID-19 o may mga sintomas gaya ng lagnat, ubo, pagkapagod, pagkawala ng panlasa o pang-amoy, sundin ang mga patnubay na ito para maiwasan ang pagkalat ng virus at makontrol ang mga sintomas. Naaangkop din ang mga ito kahit nabakunahan ka na.

Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o humanap kaagad ng pangangalaga kung mayroon kang COVID-19 at mas malamang na magkasakit. May mga paggamot na magagamit para pababain ang iyong panganib na magkaron ng malubhang sakit o maospital. Huwag iantala ang pagtawag sa iyong tagapangalaga o paghanap ng pangangalaga. Dapat simulan ang mga paggamot sa loob ng 5 hanggang 7 araw matapos kang magkaroon ng mga sintomas.

Kung ikaw ay may mga sintomas o na-diagnose na may COVID-19

Kung mayroon kang mga sintomas ng COVID-19 o nagpositibo ka sa test (kahit walang mga sintomas):

  • Manatili sa bahay at lumayo sa ibang tao (kabilang ang mga taong kasama mo na walang sakit) kung mayroon kang mga sintomas ng respiratory virus na hindi mas maipaliwanag nang mabuti ng isa pang sanhi. Maaari kang bumaik sa iyong normal na gawain kapag, sa loob ng hindi bababa sa 24 na oras, parehong too ang sumusunod:

    • Bumubuti ang iyong mga sintomas sa pangkalahatan, at

    • Nagkaroon ka ng lagnat at hindi umiinom ng gamot na pampababa ng lagnat.

  • Kapag nakabalik ka sa iyong normal na mga gawain, dagdagan ang pag-iingat sa loob ng susunod na 5 araw, tulad ng:

    • Pagbutihin ang daloy ng hangin sa bahay. Halimbawa, buksan ang mga bintana para pahusayin ang daloy ng hangin, palitan ang mga filter sa iyong yunit ng air condition, at i-"on" ang iyong thermostat sa halip na "auto" para pahusayin ang daloy ng hangin at pagsala nito. Para sa karagdagang tip, tingnan ang website ng CDC.

    • Huwag ipahiram ang mga personal na bagay gaya ng mga gamit sa pagkain o pag-inom at mga linen o pagkain.

    • Magsuot ng de-kalidad at lapat na lapat na mask kung dapat kang maging nasa paligid ng iba sa bahay o sa pampublikong lugar.

    • Kung nagkaroon ka ng lagnat o nagsimulang lumala matapos kang bumalik sa normal na mga gawain, manatili sa bahay at lumayo muli sa ibang tao at ulitin ang proseso. Sa loob ng hindi bababa sa 24 na oras, manatili sa bahay hanggang mas gumaling ang iyong mga sintomas at hindi ka nagkaroon ng lagnat at hindi umiinom ng mga gamot na pampababa ng lagnat. Dagdagan ang pag-iingat sa loob ng 5 araw pa.

  • Kung kailangan mong umubo o bumahin, gumamit ng tisyu. Pagkatapos ay itapon ang tisyu sa basurahan. Kung wala kang mga tisyu, umubo o bumahin sa liko ng iyong siko.

  • Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay.

Pangangalaga ng sarili sa tahanan 

Proteksyon

Mapoprotektahan mo ang sarili mo at ang iba sa pagkakaroon ng COVID-19 o sa pagiging malubha ang sakit kung magkaroon ka nito:

  • Magpabakuna. Inirerekomenda ng CDC ang ini-update noong 2023–2024 na mga bakuna laban sa COVID-19 para mapababa ang matinding sakit kung makakakuha ka ng virus. Walang bakunang 100% epektibo sa paghadlang sa anumang pagkakasakit, ngunit gumaganang mabuti at ligtas ang mga bakuna sa COVID-19. Ipinapayo ng mga grupo ng dalubhasa, kabilang ang ACOG at CDC, na magpabakuna ang mga buntis o nagpapasuso. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa kung aling bakuna laban sa COVID-19 ang pinakamahusay para sa iyo at sa iyong pamilya.

  • Gawin ang maayos na paghuhugas ng kamay.

  • Alamin sa iyong lugar kung ano ang antas ng transmisyon sa komunidad at kung ano ang gagawin kung nalantad ka. Manatili sa bahay kung naghinala ka o may nakumpirmang COVID-19.

  • Lumayo mula sa sinumang tao na may sakit o nagpositibo sa COVID-19 hangga't maaari.

  • Magkaroon ng pagsusuri kung kinakailangan.

  • Magsuot ng mask na mataas ang kalidad at maayos ang pagkakalapat ayon sa ipinayo.

  • Ayusin ang daloy ng hangin sa loob ng bahay o gusali at gawin ang mga panloob na aktibidad sa labas.

Paggamot

Gumagaling ang karamihan ng taong may COVID-19 na may pansuportang pangangalaga. Kasama rito ang:

  • Pagpapahinga. Tumutulong ito sa iyong katawan na labanan ang sakit.

  • Pananatiling sapat ang tubig (hydrated). Ang pag-inom ng mga likido ay ang pinakamabuting paraan sa pagpigil ng pagkawala ng sapat na tubig. Subukang uminom ng 6 hanggang 8 baso ng likido araw-araw, o ayon sa ipinapayo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Magtanong din sa iyong tagapangalaga hinggil sa kung anong mga likido ang pinakamahusay para sa iyo. Huwag uminom ng mga likido na nagtataglay ng caffeine o alkohol.

  • Pag-inom ng gamot sa pananakit na nabibili nang over-the-counter (OTC). Ginagamit ang mga ito para makatulong na maibsan ang kirot at mapababa ang lagnat. Sundin ang mga tagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan para sa kung anong gamot na OTC ang gagamitin.

Kung ginamot ka dahil sa pinaghihinalaan o kumpirmadong COVID-19, sundin ang lahat ng tagubilin ng iyong team ng tagapangalaga ng kalusugan. Maaari ka ring humingi ng mga tagubilin sa mga pagbabago ng iyong posisyon upang makatulong sa iyong paghinga, tulad ng posisyon na nakadapa sa kama (prone positioning). Kung ginamot ka sa isang ospital at pinalabas na, maaaring pauwiin ka sa bahay na may pulse oximeter. Ito ay isang maliit na elektronikong device na iniipit mo sa dulo ng iyong daliri. Sinusukat nito ang dami ng oksiheno sa iyong katawan. Sundin ang mga tagubilin ng pangkat na nangangalaga sa iyong kalusugan sa paggamit nito, paano sila makikipag-ugnayan sa iyo, at ipaalam sa iyo kung kailan sila tatawagan.

Pag-aalaga sa bahay ng taong maysakit 

  • Sundin ang lahat ng tagubilin mula sa tauhan ng tagapangalaga ng kalusugan.

  • Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay.

  • Magsuot ng mask kapag nag-aalaga ng isang taong may COVID-19 at sa loob ng 10 araw kapag kasama ang ibang tao sa iyong bahay o kapag nasa labas ka.

  • Siguraduhing nakasuot ng mask ang taong may sakit. Kung hindi siya makapagsuot ng mask, limitahan ang iyong oras sa parehong silid kasama ang tao at magsuot ng mask sa paligid niya.

  • Subaybayan ang mga sintomas ng taong may sakit.

  • Bantayan ang iyong sarili para sa mga sintomas at magpasuri ng COVID-19 ayon sa ipinayo ng CDC . Magpasuri kahit na mabuti na ang iyong pakiramdam.

  • Linisin nang madalas ang mga ibabaw sa bahay gamit ang pangdisimpekta. Kabilang dito ang mga telepono, pasamano ng kusina, hawakan ng pinto ng refrigerator, mga bahagi ng banyo, at iba pa.

  • Huwag hayaan ang sinuman na humiram ng mga gamit sa bahay sa taong may sakit. Kabilang dito ang mga gamit sa pagkain at pag-inom, mga tuwalya, kubrekama, o kumot.

  • Linising mabuti ang mga tela at labada.

  • Magsuot ng mataas na kalidad na mask sa paligid ng ibang tao ayon sa ipinayo.

Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o humanap kaagad ng pangangalaga kung mayroon kang COVID-19 at mas malamang na magkasakit. May mga paggamot na magagamit para pababain ang iyong panganib na magkaron ng malubhang sakit o maospital. Huwag iantala ang pagtawag sa iyong tagapangalaga o paghanap ng pangangalaga. Dapat simulan ang mga paggamot sa loob ng 5 hanggang 7 araw matapos kang magkaroon ng mga sintomas.

Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung ang isang taong may sakit ay mayroon ng alinman sa mga ito:

  • Hirap sa paghinga

  • Pananakit o presyon sa dibdib

Kung ang isang taong may sakit ay mayroon ng alinman sa mga ito, tumawag sa 911:

  • Hirap sa paghinga na lumalala

  • Pananakit o presyon sa dibdib na lumalala

  • Nagkukulay asul ang mga labi o mukha

  • Mabilis o hindi regular na tibok ng puso

  • Pagkatuliro o hirap magising

  • Pagkahimatay o pagkawala ng ulirat

  • Pag-ubo ng dugo

Petsa nang huling binago: 3/7/2024

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer