Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-unawa sa Diverticulosis at Diverticulitis

Ang colon (malaking bituka) ay ang dulong bahagi ng digestive tract. Sinisipsip nito ang tubig mula sa dumi at binabago ito mula likido hanggang mabuo. Sa ilang tao, ang maliliit na pouch na tinatawag na diverticula ay maaaring mabuo sa dingding ng bituka. Tinatawag itong diverticulosis. Lubhang karaniwan ito habang mas tumatanda ang mga tao. Maaaring mamaga at maimpeksiyon ang mga pouch. Kung mangyari ito, magiging mas malubhang problema ito na tinatawag na diverticulitis. Maaaring napakasakit ang mga problemang ito. Ngunit maaaring pamahalaan ang mga ito ng paggamot.

Harapang kuha ng colon na may mga pouch ng diverticula sa ibabang bahagi.
Karaniwang nagkakaroon ng mga supot o diverticula sa ibabang bahagi ng colon na tinatawag na sigmoid.
Cross section ng sigmoid colon na ipinakikita ang diverticulitis.
Nangyayari ang diverticulitis kapag naimpeksyon o namaga ang mga supot.

Pangangasiwa ng iyong kondisyon

Maaaring magreseta ang iyong tagapangalaga ng kalusugan ng mga pagbabago sa diyeta o ng mga gamot. Maaaring kailanganin mo ng operasyon kung malubha ang iyong problema.

Makatutulong ang ilang gamot na palambutin at paramihin ang dumi, na nagpapadali sa pagdumi. Available sa anyong tableta, pulbos, at wafer, kabilang sa mga halimbawa ng mga gamot na ito ang:

  • Psyllium

  • Methylcellulose

  • Polycarbophil

Kung mayroon kang diverticulosis

Sundin itong payo sa paggamot:

  • Gumawa ng mga pagbabago sa iyong diyeta. Kadalasang ito lang ang kailangan para makontrol ang mga sintomas. Ang mga pangunahing pagbabago ay pagdaragdag ng fiber (bahagi ng pagkaing hindi natutunaw) at pag-inom ng mas maraming tubig. Sinisipsip ng fiber ang tubig habang naglalakbay ito sa iyong colon. Tinutulungan nitong manatiling malambot ang iyong dumi at gumalaw nang maayos. Tumutulong ang tubig sa prosesong ito.

  • Kung kinakailangan, maaari kang sabihan na uminom ng mga over-the-counter na pampalambot ng dumi.

  • Para maibsan ang pananakit, uminom ng mga gamot na antispasmodic ayon sa inireseta.

  • Bantayan ang mga pagbabago sa iyong mga pagdumi. Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung napapansin mo ang anumang pagbabago.

  • Magsimula sa programa ng ehersisyo. Magtanong sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung paano magsisimula.

  • Magkaroon ng maraming pahinga at tulog. 

Kung mayroon kang diverticulitis

Nakasalalay ang paggamot sa kung gaano kalubha ang iyong mga sintomas. Kabilang sa mga ito ang:

  • Para sa mga katamtamang sintomas. Maaari kang tagubilinang gawin ang likidong diyeta sa maikling panahon. Maaaring ireseta ang gamot na antibayotiko. Kung nalulunasan ng dalawang hakbang na ito ang iyong mga sintomas, maaari kang resetahan ng diyeta na maraming fiber. Kung mayroon ka pa ring mga sintomas, tatalakayin sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ang mas maraming pagpipiliang paggamot.

  • Para sa mga malubhang sintomas. Maaaring kailanganin mong magpaospital. Doon, mabibigyan ka ng IV (intravenous) na mga antibayotiko at likido. Tatagubilinan kang gawin ang diyeta na kaunti ang fiber o likidong diyeta. Maaaring kailanganin mo ang operasyon kung hindi maibsan ang malulubhang sintomas ng medikal na paggamot, o kung pumutok (sumabog) na ang diverticula.

Mahahalagang paraan para sa kalusugan ng colon

Tumulong na panatilihing malusog ang iyong colon gamit ang mga tip na ito sa pamumuhay:

  • Kumain ng wastong pagkain. Isama ang maraming prutas, gulay, at buong butil na maraming fiber.

  • Uminom ng maraming likido gaya ng tubig at juice.

  • Panatilihin ang malusog na pamumuhay. Mag-ehersisyo, pamahalaan ang iyong stress, at magkaroon ng sapat na pahinga at tulog.

Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Rajadurai Samnishanth
Online Medical Reviewer: Raymond Turley Jr PA-C
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer