Pagkakaroon ng Operasyon sa Thyroid
May operasyon ka upang alisin ang bahagi o lahat ng iyong thyroid. Ang thyroid ay isang glandula sa harap ng leeg. Nasa ibaba lang ito ng voice box (larynx). Pangunahing trabaho ng glandula na gumawa ng thyroid hormone. Tumutulong ito na kontrolin ang metabolismo ng katawan. Maaaring gawin ang operasyon sa thyroid upang gamutin ang lumaking thyroid (goiter). O maaari itong gawin upang alisin ang bukol (nodule). Maaari din itong gawin upang gamutin ang sobrang aktibong glandula (hyperthyroid). O maaari itong gawin kaagad upang gamutin ang isang glandula na maaaring may mga selula ng kanser.
Paghahanda para sa operasyon
-
Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ang lahat ng gamot na iyong iniinom. Kasama rito ang mga gamot na inireseta at nabibili nang walang reseta. Kasama nito ang aspirin at iba pang pampalabnaw ng dugo. Kabilang din dito ang mga bitamina, halamang gamot, at iba pang suplemento. Maaaring kailanganin mong ihinto ang pag-inom ng ilang gamot.
-
Sundin ang lahat ng tagubiling ibinigay sa iyo para sa hindi pagkain o pag-inom bago ang operasyon.
-
Isulat ang mga tanong na mayroon ka tungkol sa operasyon. Tumutulong ito upang siguraduhin na maaasikaso ng tagapangalaga ang lahat ng iyong alalahanin bago ka sumang-ayon sa pamamaraan. Itanong sa siruhano kung gaano karami na ang kanyang karanasan sa paggawa ng mga operasyon sa thyroid.
Sa panahon ng operasyon
-
Ilalagay ang ng linya ng IV (intravenous) sa iyong braso o kamay. Tatanggap ka ng mga likido at gamot sa pamamagitan ng IV sa panahon ng operasyon.
-
Bibigyan ka ng pangkalahatang anesthesia upang panatilihin kang tulog at walang nararamdamang pananakit sa panahon ng operasyon.
-
Gagawin ang isang hiwa (incision) sa iyong leeg, sa lupi ng iyong balat.
-
Maaaring alisin (lobectomy) ang kalahati ng thyroid gland. O maaaring alisin ang karamihan ng glandula (subtotal thyroidectomy). Sa ilang kaso, inaalis ang lahat ng glandula (total thyroidectomy). Maaaring hindi malaman ng siruhano kung gaano karami ang aalisin hanggang gawin ang operasyon.
-
Pagkatapos, isinasara ang hiwa gamit ang mga surgical strip, clip, o tahi (mga suture). Maaaring iwanan ang isang manipis na tubo (drain) sa hiwa. Tumutulong ito na alisin ang likido na maaaring maipon.
 |
Ginagawa ang hiwa sa ibaba ng iyong leeg. |
Pagkatapos ng operasyon
-
Maaaring abutin ng ilang oras para mawala ang anesthesia. Di-nagtatagal pagkatapos ng operasyon, tatayo ka na at maglalakad sa paligid. Babantayan ka para sa pagdurugo.
-
Maaari kang gumugol ng oras sa pananatili sa ospital o sa sentro ng operasyon pagkatapos ng operasyon.
-
Kadalasan, maaari kang kumain at uminom sa gabi pagkatapos ng operasyon. Maaaring mayroon ka pa ring masakit na tiyan (pagduduwal) dahil sa anesthesia.
-
Bibigyan ka ng gamot para tumulong na kontrolin ang pananakit, kung kinakailangan.
-
Susuriin ka upang siguraduhin na gumagana ang iyong mga parathyroid gland. Maaaring huminto ang mga ito sa paggana nang maikling oras dahil sa stress ng operasyon. Kung mangyari ito, maaari kang bigyan ng mga tableta ng calcium at bitamina D sa loob ng ilang araw.
-
Maaaring magkaroon ka ng pamamaga ng lalamunan at paos na boses sa loob ng 1 linggo o higit pa pagkatapos ng operasyon.
-
Maaaring kailanganin mong uminom ng thyroid pill sa buong buhay mo kung hindi na makagawa ng thyroid hormone ang iyong thyroid gland.
Mga panganib at posibleng komplikasyon
Kasama sa mga panganib at posibleng komplikasyon ng operasyong ito ang:
-
Pagdurugo
-
Impeksiyon
-
Pinsala sa mga nerbiyo sa iyong voice box. Maaari itong humantong sa paos na boses. Madalas na gumagaling ang pagkapaos na ito sa paglipas ng panahon. Ngunit sa mga bihirang kaso, maaaring magtagal ito.
-
Pinsala sa mga parathyroid gland o supply ng dugo sa mga ito. Maaari nitong gawin na hindi aktibo ang mga ito (hypoparathyroidism). Kinokontrol ng mga glandulang ito ang dami ng calcium sa iyong dugo. Madalas na gumagaling ang hypoparathyroidism sa paglipas ng panahon. Ngunit maaaring kailanganin mong uminom araw-araw ng mga tabletang calcium nang matagal, o panghabambuhay. Maaaring kailanganin mo ring uminom ng mga suplementong bitamina D.
Online Medical Reviewer:
Chris Southard RN
Online Medical Reviewer:
Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer:
Melinda Murray Ratini DO
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.