Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pamumuhay na may Osteoarthritis

Ang osteoarthritis ay isang pangmatagalang (hindi gumagaling) sakit. Ito ang pinakakaraniwang uri ng arthritis. Pero hindi nito dapat pigilan kang mamuhay nang aktibo. Makatutulong kang makontrol ang iyong mga sintomas. Makatutulong ang pag-eehersisyo at pagbabawas ng sobrang timbang. Makatutulong ang mga espesyal na kagamitan na mas mapadali ang buhay. Magpatingin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan para sa mga regular na checkup at pagsusuri ng dugo.

Gawing bahagi ng buhay mo ang pag-eehersisyo

Lalaki at babaeng naglalakad sa labas.

Makatutulong ang ehersisyo na mabawasan ang iyong kirot. Tiyakin na:

  • Pumili ng mga ehersisyo na pinabubuti ang paggalaw ng kasukasuan at ginagawang mas malakas ang mga kalamnan mo. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o sa isang physical therapist para sa mga ehersisyo na maaaring makatulong.

  • Subukan ang mga gawaing pag-iinat at pagbaluktot, gaya ng yoga at tai chi. Maaaring mapababa ng mga ito ang pananakit at mapabuti ang paggalaw ng kasukasuan.

  • Subukan ang sports na di-gaanong mapuwersa. Kabilang dito ang paglakad, pagbibisikleta, o pag-eehersisyo sa maligamgam na pool.

  • Dapat mag-ehersisyo ang karamihang tao nang hindi bababa sa 30 minuto kada araw sa karamihang araw ng linggo. Maaari itong paghiwa-hiwalayin sa mas maiikling yugto sa araw.

  • Huwag masyadong pilitin ang sarili mo sa simula. Unti-unting dagdagan sa paglipas ng panahon.

  • Mag-warm up sa loob ng 5 hanggang 10 minuto bago ka mag-ehersisyo.

  • Kung mas lumubha ang kirot at paninigas, huwag mag-ehersisyo nang kasing bigat o kasing haba.

Bantayan ang iyong timbang

Kung mahigit ang timbang kaysa sa nararapat, may dagdag na puwersa sa iyong mga kasukasuan na nagdadala ng timbang. Pinalulubha nito ang iyong mga sintomas. Upang mabawasan ang kirot at paninigas, gumawa ng plano upang magbawas ng timbang. Maaaring makatulong ang mga payong ito:

  • Simulan ang isang programa sa pagbabawas ng timbang. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o sa nutritionist.

  • Humingi ng suporta sa iyong mga kaibigan at kapamilya.

  • Sumali sa isang grupo na nagbabawas ng timbang.

Gumamit ng mga espesyal na kagamitan.

Maaaring maging mahirap gawin kahit ang mga simpleng gawain kapag masakit ang iyong mga kasukasuan. Mapadadali ang mga bagay-bagay ng mga espesyal na kagamitan na tinatawag na mga pantulong na device. Binabawasan ng mga ito ang puwersa at pinoprotektahan ang iyong mga kasukasuan. Magtanong sa iyong tagapangalaga kung saan makakukuha ng mga kagamitan, gaya ng:

  • Mga reacher o grabber na may mahabang handle

  • Mga pambukas ng garapon

  • Mga button threader

  • Malalaking grip para sa lapis, kagamitan sa hardin, at iba pang bagay na hinahawakan

Gumamit ng mga mobility aid at iba pang kagamitan

Madalas na gumagamit ang mga taong may arthritis at iba pang problema sa kasukasuan ng mga mobility aid upang makatulong sa paglalakad. Maaari silang gumamit ng mga tungkod o walker. Maaari silang gumamit ng mga splint o brace upang suportahan ang mga kasukasuan. Kailangang i-adjust ang mga device na ito para suportahan ang iyong mga pisikal na pangangailangan (halimbawa, ang iyong taas o uri ng pagkasira ng kasukasuan). Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o physical therapist bago bumili ng produkto. Magtanong tungkol sa mga aid na ito:

  • Isang tungkod upang mabawasan ang kirot sa tuhod o balakang at makatulong na maiwasan ang pagkadapa

  • Mga splint para sa iyong galang-galangan o iba pang kasukasuan

  • Isang brace upang suportahan ang mahinang kasukasuan ng tuhod

  • Orthotics para sa daliri ng paa at mga problema sa paa

Mga uri ng mga paggamot

Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa maraming uri ng mga paggamot na maaaring makatulong na mabawasan ang iyong kirot at mapabuti ang paggalaw ng kasukasuan. Maaaring kabilang sa mga ito ang:

  • Mga gamot na ipinapahid sa balat (topical). Kabilang dito ang lidocaine, capsaicin, at diclofenac gel.

  • Mga gamot na iniinom (oral). Kabilang dito ang acetaminophen, mga nonsteroidal anti-inflammatory drug (mga NSAID), tulad ng ibuprofen at naproxen, o mga opyo.

  • Mga gamot na direktang iniiniksyon sa mga kasukasuan. Kabilang dito ang mga corticosteroid, o hyaluronic acid sa mga kasukasuan ng tuhod.

  • Operasyon upang kumpunihin ang isang kasukasuan

  • Operasyon upang palitan ang isang kasukasuan ng isang artipisyal na kasukasuan

Maaaring makatulong ang mga pantulong na terapi. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga tungkol sa mga pagpipiliang ito:

  • Mainit at malamig na paggamot

  • Masahe

  • Acupuncture

  • Bitamina o mga suplementong halamang-gamot

  • Cognitive behavioral therapy

  • Pagninilay

Online Medical Reviewer: Dan Brennan MD
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Date Last Reviewed: 3/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer