Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagkaya sa Iyong Diagnosis na Pangmatagalang Kondisyon ng Kalusugan

Kung mayroon kang pangmatagalang kondisyon ng kalusugan, mayroon kang problema na maaaring hindi mawala sa paglipas ng panahon. Ilan lamang sa mga pangmatagalang kondisyon na umiiral ang sakit sa puso, hika, arthritis, at diabetes. Bagaman walang lunas ang iyong kondisyon, maaari kang aktibong makibahagi sa pamamahala ng iyong kalusugan.

Pagkaya sa iyong diagnosis

Kung bago mo pa lang nalaman ang tungkol sa iyong kondisyon ng kalusugan, maaari kang magalit, manlumo, o matakot. O maaaring lumuwag ang iyong pakiramdam malaman lamang kung ano ang mali. Kahit matagal-tagal mo nang nalaman ang tungkol sa iyong problema sa kalusugan, maaaring maging mahirap mag-adjust dito. Ngunit makatutulong sa iyo na makaya ang pagkaalam tungkol sa iyong kondisyon. Humanap ng tumpak at pinakabagong mga libro sa iyong lokal na aklatan o online. Humiling sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ng mga mapagkukunan sa online na magbibigay ng pinakatumpak at pinakabagong impormasyon. O makipag-ugnayan sa isang mapagkakatiwalaang grupo na tumutuon sa iyong partikular na problema.

Lalaki at babaeng nakaupo sa tabi ng mesa na nakatingin sa elektronikong tablet.

Pagtanggap sa mga pagbabago

Mahirap para sa karamihang tao ang pagbabago. Ngunit sa ngayon, maaaring humaharap ka sa maraming pagbabago. Maaaring magbago kung ano ang iyong kinakain o ang paraan ng pagtatrabaho mo. Maaaring magbagu-bago ang iyong mga saloobin at maging ang iyong mga sintomas sa araw-araw. Hindi ito madali. Ngunit makatutulong ang pag-aaral na tanggapin ang mga pagbabago na maramdaman mong mas may kontrol ka.

Pag-isipan ang paghingi ng suporta sa iyong pamilya at mga pinagkakatiwalaang kaibigan. Tandaan na maaaring wala silang gaanong nalalaman tungkol sa iyong kondisyon. Maaaring kailangan nila ng impormasyon upang maunawaan ang iyong pinagdadaanan. Mas nauunawaan nila, mas masusuportahan ka nila.

Pagkontrol

Mas magiging madali ang mabuhay sa iyong kondisyon kapag pakiramdam mo na may kontrol ka. Talakayin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ang mga opsyon sa paggamot. Kung mas marami kang alam, mas magiging aktibo ka sa iyong pangangalaga.

Nakatutulong ang mga sumusunod na pamamaraan sa pagkaya sa ilang tao na may malubhang pangmatagalang karamdaman:

  • Isulat ang lahat ng iyong tanong at dalhin ang mga ito sa iyong tagapangalaga ng kalusugan upang talakayin. Isaalang-alang din ang pagsasama ng isang mapagkakatiwalaang kaibigan o miyembro ng pamilya sa mga appointment.

  • Itanong sa iyong tagapangalaga kung anong mga partikular na hakbang ang maaari mong gawin upang mapabuti ang iyong kalusugan.

  • Subukang pamahalaan ang mga bahagi ng iyong buhay na maaari mong makontrol. Halimbawa, piliing kumain ng masusustansiyang pagkain, mag-ehersisyo hangga't kaya, inumin ang mga gamot ayon sa inireseta, at bawasan ang panahon sa mga taong hindi sumusuporta.

Pagpapatuloy

Maaari mong isipin kung magagawa mo pa ang mga bagay na palagi mong ginagawa. Depende iyon sa iyong edad, sa kondisyong mayroon ka, at sa iyong mga layunin. Upang masulit ang bawat araw, subukang bumuo ng ugnayang mapagmalasakit, maging aktibo, limitahan ang pagbigat, iwasan ang paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak, at kumain nang tama. Pag-isipan ang pagkuha ng pagpapayo kung nahihirapan kang makayanan ang diagnosis at tumitindi ang nararamdamang kalungkutan at kabiguan. Maaari itong maging mahirap kung minsan. Ngunit gawin din ang lahat ng iyong makakaya upang manatiling masiyahin.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer