Ano ang Kanser sa Endometrium?
Karaniwang nagsisimula ang kanser kapag nagbabago ang mga normal na selula sa katawan (mutate). Nagsisimulang lumaki (pagreplika) ang mga ito nang hindi nakokontrol. Maaaring mabuo ang mga selula ng kanser bilang mga kumpol ng tisyu. Tinatawag ang mga ito na mga bukol o tumor. Tinatawag na kanser sa endometrium ang kanser na nagsisimula sa pinakadingding ng loob ng matris.

Pag-unawa sa matris at endometrium
Bahagi ang matris ng sistema ng pag-aanak ng babae. Ito ang organ na humahawak sa sanggol sa panahong ng pagbubuntis. Ang endometrium ay ang panloob na pinakadingding ng loob ng matris. Bawat buwan, mula sa pagdadalaga hanggang sa menopause, lumalaki at kumakapal ang lining. Ito ay upang maghanda para sa pagbubuntis. Tumutulong ang makapal na pinakadingding na ito upang mapalusog ang lumalaking sanggol. Kung hindi magbuntis ang isang babae, malalaglag ang lining ng matris. Ito ang kanyang regla. Nagsisimula ang kanser sa endometrium sa mga selula ng lining na ito.
Kapag nabuo ang kanser sa endrometrium
Ang endometrium ang pinakakaraniwang lugar sa matris para pagsimulan ng kanser. Ito ang pinakakaraniwang uri ng kanser sa reproductive system ng kababaihan. Tulad ng karamihang kanser, maaaring kumalat ang endometrial na kanser. Maaari itong kumalat sa loob ng matris. Maaari din itong kumalat sa mga katabing organ at iba pang bahagi ng katawan. Tinatawag itong metastasis kapag kumalat ang kanser sa labas ng matris. Habang mas kumakalat ang kanser, mas mahirap itong gamutin.
Ang mga pinakakaraniwang sintomas ng endometrial na kanser ay ang hindi normal na pagdurugo ng puwerta. O pagdurugo sa puwerta pagkatapos ng menopause. Walang cycle ang hindi normal na pagdurugo ng puwerta tulad ng regla. Tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon kang hindi inaasahang pagdurugo ng puwerta. Ang pinakamainam, nakikita ang endometrial na kanser kapag maliit pa ito at hindi pa kumalat (metastasized). Ito ay kung kailan mas pinakamadaling gamutin ang kanser. Ito rin ay pinakamadaling magamot.
Mga pagpipiliang paggamot para sa kanser sa matris
Pag-uusapan ninyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ang tungkol sa iyong mga pagpipiliang paggamot. Maaaring kabilang sa mga ito ang:
-
Operasyon upang alisin ang matris (hysterectomy). Kung minsan, inaalis din ang mga fallopian tube, obaryo, o kalapit na mga lymph node.
-
Radiation therapy. Gumagamit ang paggamot na ito ng mga naka-focus na beam ng mataas na enerhiya upang patayin ang mga selula ng kanser.
-
Chemotherapy. Gumagamit ang paggamot na ito ng matatapang na gamot upang patayin ang selula ng kanser.
-
Hormone therapy. Nakakaapekto ang paggamot na ito sa mga antas ng hormone. Maaari itong makatulong na mapabagal ang paglaki ng mga selula ng kanser. Maaari itong gamitin sa ilang kaso upang iwasan ang hysterectomy. Pinapayagan nito ang pagbubuntis sa hinaharap.
-
Na-target na therapy. Gumagamit ang paggamot na ito ng mga gamot na tina-target ang mga abnormal na pagbabago sa mga selula ng kanser.
-
Immunotherapy. Gumagamit ang paggamot na ito ng mga gamot na tumutulong sa sariling immune system ng iyong katawan na mas mahusay na labanan ang kanser.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.