Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-unawa Sa Mga Bali sa Balakang

Ang balakang ay isa sa mga pinakamalaking kasukasuan na nagdadala ng bigat sa katawan. Ito ay karaniwan ding lugar ng bali pagkatapos mahulog—lalo na sa matatanda. Mas malamang pa ang mga bali sa balakang sa mga taong may osteoporosis, isang sakit na humahantong sa mahihinang buto.

Ang malusog na balakang

Ang balakang ay isang bola-at-saket na kasukasuan kung saan ang buto ng hita (femur) ay nakakabit sa pelvis. Kapag ang balakang ay malusog, maaari kang lumakad, umikot, at gumalaw nang walang pananakit. Ang ulo o bola ng femur ay umaakma sa socket sa pelvis. Ang bola at saket ay nababalot bawat isa ng makinis na cartilage. Binigbigyang-daan nito ang bola na dumausdos nang madali sa saket. Nagsu-supply ng oksihino at mga sustansiya ang mga daluyan ng dugo upang manatiling malusog ang kasukasuan ng balakang.

Harapan ng kasukasuan sa balakang.

Ang nabaling balakang

Maaaring mabali ang balakang sa maraming bahagi. Kadalasan, nangyayari ang bali sa itaas na bahagi ng femur. Sa mga bihirang kaso, maaari ka ring magkaroon ng mahigit sa isang uri ng bali sa isang pagkakataon:

  • Transcervical na bali. Isang bali sa leeg ng femur, sa ilalim lang ng bola. Ang uring ito ng bali ay makakasagabal sa daloy ng dugo patungo sa kasukasuan.

  • Intertrochanteric na bali. Isang bali sa itaas ng femur.

  • Subtrochanteric na bali. Isang bali sa itaas na shaft ng femur.

Harapang ng kasukasuan sa balakang na ipinakikita ang tatlong uri ng mga bali sa balakang.

Online Medical Reviewer: Rahul Banerjee MD
Online Medical Reviewer: Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer