Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Phototherapy para sa Paninilaw ng Balat at Mata ng Bagong Silang na Sanggol

Jaundice ang paninilaw ng balat at mga puting bahagi ng mata. Nanggagaling ito sa isang dilaw na substansya na tinatawag na bilirubin. Nabubuo ang bilirubin kapag natutunaw ang mga pulang selula ng dugo. Pinoproseso ito ng atay ng sanggol. Pagkatapos, lumalabas ito sa katawan sa pamamagitan ng ihi at dumi ng sanggol. Kung hindi gaano kumakain at dumudumi ang mga sanggol, mas mahirap para sa kanila na alisin ang bilirubin.

Ginagawa ng bilirubin na mukhang may jaundice (naninilaw) ang balat at mga puting bahagi ng mga mata. Ito ay normal pagkatapos ng pagsilang dahil mas mabilis matunaw ang mga pulang selula ng dugo ng sanggol at hindi pa gaanong mature ang kanilang atay. Sa katunayan, may jaundice ang halos kalahati ng lahat ng bagong silang na sanggol sa kanilang unang linggo ng buhay. Karaniwan itong pansamantala at hindi kailangan ng paggamot. Ngunit sa ilang kaso, isang palatandaan ang mas malalang jaundice na hindi kayang asikasuhin kaagad ng katawan ng sanggol ang bilirubin. Kung masyadong mataas ang mga antas ng bilirubin, maaaring maging mapanganib ang mga ito sa nabubuong utak at nervous system ng sanggol. Sa mga kasong ito, kailangan ng sanggol ng phototherapy. Tumutulong ang paggamot na ito na mapabilis ang pagtunaw ng bilirubin sa pamamagitan ng pagbago nita sa isang anyong maaaring mas madaling lumabas sa katawan.

Paano ito gumagana

Phototherapy lamp

Gumagamit ng isang phototherapy lamp ang isang paraan upang gamutin ang jaundice. Kadalasang ginagawa ang paraang ito sa lugar na ospital. Kadalasang inirereseta ang phototherapy sa isahan, dalawahan, o tatluhang yunit. Tinutukoy nito ang kung ilan ang ginagamit na pinagmumulan ng liwanag. Tutukuyin ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong sanggol kung kailangan ng iyong sanggol ng phototherapy at ilang yunit ang gagamitin. Ilalagay ang iyong sanggol sa ilalim ng isang espesyal na ilaw. Binabago ng ilaw na ito ang anyo ng bilirubin sa balat. Habang ginagamot, tinatakpan ang mga mata ng iyong sanggol para sa proteksyon at ginhawa. Hubad ang natitirang bahagi ng katawan, maliban sa diaper. Sa paraang ito naaabot ng liwanag ang karamihan ng balat. Madalas na babaguhin ng tauhan ang posisyon ng sanggol upang masiguradong nakalantad sa liwanag ang lahat ng balat.

Lilimitahan ng tagapangalaga kung gaano kadalas inihihinto ang paggamot habang nagpo-phototherapy. Kung hindi malalala ang antas ng bilirubin, maaaring panandaliang ihinto ang paggamot para sa pagpapakain at balat-sa-balat na pangangalaga. Malapitang susubaybayan ng team na tagapangalaga ng kalusugan ang mga antas ng bilirubin ng iyong sanggol, temperatura, at dami ng likido (hydration) sa panahon ng paggamot na phototherapy. Pakainin nang madalas ang iyong sanggol, Makatutulong ang pagpapakain nang 8 hanggang 12 beses araw-araw upang matanggal ang bilirubin.

Sanggol na natatakpan ang mga mata sa ilalim ng phototherapy lamp sa bassinette ng ospital.
Sanggol na natatakpan ang mga mata sa ilalim ng phototherapy lamp sa bassinette ng ospital.

Bili-blanket

Isa pang paraan para gamutin ang jaundice ay gumagamit ng isang fiber-optic pad o bili-blanket. Maaaring gawin ang paggamot na ito sa ospital o sa bahay. Para sa phototherapy sa bahay, bibigyan ka ng team na tagapangalaga ng kalusugan ng mga nakasulat na tagubilin kung paano gamitin ang fiber-optic pad o bili-blanket. Mag-uutos ang iyong tagapangalaga ng kalusugan ng isang referral na kalusugan sa bahay.

May isang takip ang bili-blanket. Balutin ang iyong sanggol sa isang kumot. Siguraduhing nakadikit ang may takip na may ilaw na bahagi ng pad sa balat ng sanggol. Huwag harangan ang mga labasan ng hangin ng kahon ng fiberoptic.

Kung nagpapasuso ka, ituloy ang paggawa nito habang nagpo-phototherapy sa bahay. Pinabababa ang mga antas ng bilirubin ng maaga at madalas na pagpapakain. Pakainin ang iyong sanggol nang 8 hanggang 12 beses araw-araw. Maaari mong tanggalin ang bili-blanket o pad kapag pinakakain mo ang iyong sanggol, ngunit ibalik ito sa balat ng sanggol pagkatapos.

Habang ginagamot, mahalagang panatilihing malinis ang balat ng iyong sanggol. Huwag gumamit ng mga lotion o langis sa balat ng sanggol. Madalas na palitan ang diaper ng sanggol. Tingnan ang balat sa ilalim ng pad o kumot nang halos kada 2 oras at kapag nagpapalit ng diaper. Maghanap ng anumang pagbibitak ng balat sa mga lugar na iyon.

Kakailanganin ng iyong anak ng isang follow up na appointment sa tagapangalaga para sa pagsusuri ng dugo para suriin ang mga antas ng bilirubin. Mahalagang tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung namula ang balat ng iyong sanggol, may masamang pantal dahil sa diaper, o nananatiling madilaw. Sabihin sa tagapangalaga kung tumatanggi ang iyong sanggol sa mga pagpapakain, hindi gumigising, may anumang pagbabago sa pagkilos, iniaarko ang kanyang likod o leeg, o nagsisimulang magkaroon ng isang matinis na pag-iyak.

Gaano katagal kakailanganin ang phototherapy?

Maaaring kailanganin ang phototherapy nang ilang araw hanggang sa isang linggo. Maaaring umuwi ang ilang sanggol mula sa ospital at kumuha ng phototherapy sa mga espesyal na sistema ng therapy sa bahay, tulad ng isang bili-blanket. Tutukuyin ng tagapangalaga ng kalusugan kung gaano katagal kailangan ng iyong anak ang therapy at kung maaari ba itong gawin sa bahay. Kung saan man gawin ang therapy, hihilingin sa iyo na limitahan ang dami ng oras na ginugugol ng sanggol sa ilalim ng mga ilaw. Para maibigay nito ang pinakamabubuting resultang maaari para sa paggamot.

Kung hindi sobrang mataas ang mga antas ng bilirubin, maaari mong mahawakan ang iyong sanggol para sa mga pagpapasuso at balat-sa-balat na pag-aalaga. Maaaring kumuha ang sanggol ng mga likido sa pamamagitan ng IV (intravenous) na linya sa ospital kung sobrang mataas o tumataas ang mga antas ng bilirubin. Idinudulot nitong mas madalas na umihi ang sanggol, para umalis ang bilirubin sa katawan nang mabilis hangga't maaari. Malapitang susubaybayan ng tagapangalaga ang antas ng bilirubin ng iyong sanggol sa panahon ng phototherapy na paggamot. Matutulungan sila ng mga ito na matukoy kung kailan maaaring itigil ang therapy.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer