Paggamit ng Nebulizer (Adulto)
Binabago ng isang nebulizer ang likidong gamot at ginagawang pino at pare-parehong usok. Nilalanghap ito patungo sa loob ng mga baga. Nilalanghap mo ang usok sa pamamagitan ng isang mask o mouthpiece. Mahalagang inumin ang iyong gamot ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Upang gamitin ang iyong nebulizer, sundin ang mga hakbang na nasa ibaba.
Gamit ang isang mask

-
Hugasan ang iyong mga kamay.
-
Tingnan ang petsa ng pag-expire ng iyong gamot upang masiguradong hindi pa ito nag-expire.
-
Lagyan ang tasa ng gamot ng inireseta sa iyong dosis. Ikabit ang ibabaw ayon sa itinagubilin.
-
Ikabit ang isang dulo ng tubo sa tasa ng gamot. Ikabit ang kabilang dulo sa nebulizer.
-
Ikabit ang mask sa tasa.
-
Ilagay ang mask sa ibabaw ng iyong ilong at bibig. Siguraduhing maayos na nakakabit ito sa iyong ilong at bibig.
-
I-on ang nebulizer.
-
Huminga sa pamamagitan ng iyong bibig ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Maaari itong mangahulugan na isang normal na paghinga. O maaaring kailangan mo ng mababagal at malalalim na mga paghinga. Panatalihing nakatayo nang tuwid ang nebulizer, hanggang maubos ang lahat ng gamot. Tumatagal ito ng halos 10 hanggang 15 minuto.
-
Kapag ubos na ang gamot, hubarin ang mask at i-off ang nebulizer.
-
Kung gumagamit ng nilalanghap na corticosteroid, magmumog ng iyong bibig gamit ang tubig at idura ito. Hugasan din ang iyong mukha.
-
Hugasan muli ang iyong mga kamay kapag tapos ka na.
-
Gumamit ng mga papel na tuwalya o malinis at tuyong tuwalya.
-
Sundin ang mga tagubilin ng iyong tagapangalaga o ang mga direksyon na nakalagay sa pakete para sa paglilinis ng nebulizer at ng mask.
Kung hindi ka sigurado tungkol sa alinman sa mga hakbang na ito, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan.
Gamit ang isang mouthpiece

-
Hugasan ang iyong mga kamay.
-
Tingnan ang petsa ng pag-expire ng iyong gamot upang masiguradong hindi pa ito nag-expire.
-
Lagyan ang tasa ng gamot ng inireseta sa iyong dosis. Ikabit ang ibabaw ayon sa itinagubilin.
-
Ikabit ang isang dulo ng tubo sa tasa ng gamot. Ikabit ang kabilang dulo sa nebulizer.
-
Ikabit ang mouthpiece sa tasa.
-
Ilagay ang mouthpiece sa pagitan ng iyong ngipin. Isara ang iyong mga labi sa palibot nito upang gumawa ng isang masikip na selyo. Panatilihing nasa ilalim ng mouthpiece ang iyong dila.
-
I-on ang nebulizer.
-
Huminga sa mouthpiece ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Maaari itong mangahulugan na isang normal na paghinga. O maaaring kailangan mo ng mababagal at malalalim na mga paghinga. Panatilihing nakatayo nang tuwid ang nebulizer hanggang maubos na ang lahat ng gamot. Tumatagal ito ng halos 10 hanggang 15 minuto.
-
Kapag ubos na ang gamot, alisin ang mouthpiece sa iyong bibig at i-off ang nebulizer.
-
Kung gumagamit ng nilalanghap na corticosteroid, magmumog ng iyong bibig gamit ang tubig at idura ito.
-
Hugasan muli ang iyong mga kamay kapag tapos ka na.
-
Sundin ang mga tagubilin ng iyong tagapangalaga o ang mga direksyon na nakalagay sa pakete para sa paglilinis ng nebulizer at ng mask.
Kung hindi ka sigurado tungkol sa alinman sa mga hakbang na ito, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan.
Online Medical Reviewer:
Chris Southard RN
Online Medical Reviewer:
Rajadurai Samnishanth Researcher
Online Medical Reviewer:
Rita Sather RN
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.