Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-iwas sa Impeksiyon sa Surgical Site

Ang isang panganib ng pakakaroon ng surgery ay ang impeksiyon sa surgical site (anumang hiwa na ginagawa ng surgeon sa balat upang gawin ang operasyon). Ang impeksiyon sa surgical site ay may saklaw mula sa minor hanggang sa malubha o maging ang nakamamatay. Mababasa sa talaang ito ang ukol sa mga impeksiyon sa surgical site, ano ang ginagawa ng mga ospital upang maiwasan ang mga ito, at paano ginagamot kung mangyari ang mga ito. Mababasa din kung ano ang iyong magagawa upang maiwasan ang mga impeksiyong ito.

Malapitang kuha ng mga kamay na naghuhugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig sa lababo.
Binabawasan ng paghuhugas ng kamay ang panganib ng impeksyon.

Ano ang Nagiging Sanhi ng Impeksiyon sa Surgical Site?

Ang mikrobiyo ay nasa lahat ng dako. Ang mga ito ay nasa iyong balat, sa hangin, at sa mga bagay na iyong hinahawakan. Maraming mikrobiyo ang mabuti. Ang iba ay nakasasama. Ang impeksiyon sa surgical site ay nagaganap kapag ang masamang mikrobiyo ay pumasok sa iyong katawan sa pamamagitan ng hiwa sa iyong balat. Ang ibang impeksiyon ay sanhi ng mikrobiyo na nasa hangin o sa mga bagay. Subalit karamihan ay sanhi ng mikrobiyo na nasa sarili mong katawan.

Ano ang Mga Dahilan ng Panganib ng Impeksiyon sa Surgical Site?

Ang sinuman ay maaaring magkaroon ng impeksiyon sa surgical site. Ang iyong panganib ay mas malaki kung ikaw:

  • Matandang adult na.

  • May mahinang immune system o iba pang malubhang problemang pangkalusugan tulad ng dyabetes.

  • Naninigarilyo.

  • Nagkaroon ng ilang uri ng operasyon, tulad ng surgery sa tiyan.

  • Ay malnourish (hindi sapat ang kinakain na malusog na pagkain).

  • Sobra ang timbang.

  • May sugat na nakabukas sa halip na tahiin.

Ano ang mga Sintomas ng Impeksiyon sa Surgical Site?

  • Ang impeksiyon ay karaniwang nagsisimula ng may karagdagang pamumula, pananakit, at pamamaga sa paligid ng hiwa. Pagkatapos, may mapapansin kang berdeng-dilaw na discharge mula sa hiwa. Maaaring magkaroon ka ng lagnat at lubos na sumama ang iyong pakiramdam.

  • Ang mga sintomas ay maaaring lumabas ng anumang oras mula sa oras o linggo pagkatapos ng surgery. Ang implant gaya ng artipisyal na tuhod o balakang ay maaaring maapektuhan sa loob ng isa o higit pang taon pagkatapos ng operasyon.

Paano Ginagamot ang Impeksiyon sa Surgical Site?

  • Karamihan sa mga impeksiyon ay nagagamot ng antibiotic. Ang uri ng medikasyon na iyong matatanggap ay depende sa mikrobiyo na nagsasanhi ng impeksiyon.

  • Ang apektadong sugat sa balat ay maaaring buksan muli at linisan.

  • Kung ang impeksiyon ay maganap sa dako kung saan nakalagay na implant, ang implant ay maaaring tanggalin.

  • Kung ikaw ay impeksiyon sa mas malalim na bahagi ng iyong katawan, maaaring kailanganin mo ng isa pang operasyon upang gamutin ito.

Pag-iwas sa Impeksiyon sa Surgical Site: Ano ang Ginagawa ng Mga Ospital

Maraming ospital ang gumagawa ng mga hakbang na ito upang maiwasan ang impeksiyon sa surgical site:

  • Paghuhugas ng kamay: Bago ang operasyon, ang iyong surgeon at lahat ng staff ng operating room ay kukuskusin ang kanilang mga kamay at braso ng antiseptic soap.

  • Lilinisan ang balat: Ang dako kung saan gagawin ang paghiwa ay maingat na lilinisan ng antiseptikong solusyon.

  • Sterile na damit at kurtina: Ang mga miyembro ng iyong surgical team ay magsusuot ng medikal an uniporme (scrub suits), mahabang manggas na surgical gown, mask, sombrero, takip ng sapatos, at sterile na guwantes. Ang iyong katawan ay lubos na natatakpan ng sterile na kurtina (isang malaking sterile na kumot) maliban sa dako kung saan gagawin ang paghiwa.

  • Lilinisan ang hangin: Ang mga operating room ay may espesyal na pansala ng hangin (air filter) at positibong presyon na daloy ng hangin upang maiwasan ang pagpasok ng hindi nasalang hangin.

  • Maingat na paggamit ng antibiotic: Ang antibiotic ay ibinibigay nang hindi lalagpas sa 60 minuto bago gawin ang paghiwa at ihihinto ito agad pagkatapos ng surgery. Ito ay makakatulong sa pagpatay ng mikrobiyo subalit iniiwasan ang mga problema na maaaring maganap kapag mas matagal ang paggamit ng antibiotic.

  • Kontroladong antas ng blood sugar: Pagkatapos ng surgery, ang antas ng blood sugar ng pasyente ay uusisain mabuti upang matiyak na mananatili ito sa normal na saklaw. Ang mataas na blood sugar ay pumipigil sa paggaling ng sugat.

  • Kontroladong temperatura ng katawan: Ang mababa-kaysa-normal na temperatura sa panahon o pagkatapos ng surgery ay pumipigil sa oksiheno na maabot ang sugat na siyang nagpapahirap sa katawan upang labanan ang impeksiyon. Maaaring painit ng ospital ang mga IV fluid, dagdagan ang temperatura sa operating room, at magbigay ng kumot na may mainit-init na hangin.

  • Tamang pagtanggal ng buhok: Anumang buhok na kailangan tanggalin ay pinuputol, hindi inaahit ng labaha. Ito ay upang maiwasan ang pagpasok ng mikrobiyo sa mga maliliit na pingas at hiwa.

  • Pangangalaga sa sugat: Pagkatapos ng surgery, ang saradong sugat ay natatakpan ng sterile na dressing ng isa o dalawang araw. Ang mga bukas na sugat ay tatapalan ng sterile gauze at tatakpan ng sterile dressing.

Pag-iwas sa Impeksiyon sa Surgical Site: Ano ang Magagawa ng mga Pasyente

  • Magtanong. Alamin kung ano ang ginagawa ng ospital upang maiwasan ang impeksiyon.

  • Kung iniutos ng iyong doktor, mag-shower o maligo gamit ang antiseptic soap sa gabi bago ang araw ng iyong operasyon. Sundin ang mga tagubilin sa iyo. Ikaw ay maaaring pagamitin ng antibiotic na panlinis na hindi mo babanlawan.

  • Kung ikaw ay naninigarilyo, itigil o bawasan ito. Magtanong sa iyong doktor ng mga paraan upang huminto.

  • Uminom lamang ng antibiotic kung ito ay sinabi ng healthcare provider. Ang paggamit ng antibiotic kung hindi ito kailangan ay maaaring maglikha ng mikrobiyo na mas mahirap patayin. Gayundin, tapusin ang lahat ng iyong medikasyon, kahit pa bumuti ang iyong pakiramdam.

  • Tiyakin na ang mga healthcare workers ay naghugas ng kanilang mga kamay gamit ang sabon at tubig o ng alcohol-based na panlinis ng kamay bago at pagkatapos mangalaga sa iyo. Huwag matakot na ipaalala ito sa kanila.

  • Pagkatapos ng surgery, kumain ng malusog na pagkain.

  • Kapag ikaw ay umuwi na, pangalagaan ang iyong hiwa ayon sa inutos ng iyong doktor o nars.

Tawagan ang Iyong Doktor Kung Ikaw ay Mayroon ng Alinman sa mga Sumusunod:

  • Karagdagang sakit, pananakit, o panlalambot sa surgical site

  • Ang pulang guhit, dagdag na pamumula, o pagpintog malapit sa hiwa

  • Naninilaw o mabahong discharge mula sa hiwa

  • Ang mga tahi ay nawawala bago gumaling ang sugat

  • Lagnat na 101° F o higit pa

  • Pakiramdam ng pagkapagod na hindi nawawala

Online Medical Reviewer: Cynthia Godsey
Online Medical Reviewer: Jonas DeMuro MD
Online Medical Reviewer: Wanda Taylor RN PhD
Date Last Reviewed: 6/1/2019
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer