Pag-iwas sa Pagkahulog: Ligtas na Paggalaw Gamit ang Tungkod o Walkder
Mga Makakatulong na Tip
-
Itanong sa iyong healthcare provider ang tungkol sa walking aid na dapat gamitin. Magtanong ukol sa walker na may nakakabit na upuan.
-
Suriin ang dulo ng iyong tungkod o walker upang matiyak na mayroon itong mga di-dumudulas na takip.
-
Dahan-dahang gumalaw mula sa isang kuwarto papunta sa iba. Huwag magmadali.
-
Umupo para magbihis.
-
Gumamit ng fanny pack o backpack upang panatilihing walang hawak ang mga kamay.
-
Humingi ng tulong para sa mga gawain na kailangan ang pag-akyat, kahit pa sa stepstool.
Paggamit ng Tungkod
 |
Kapag gumagamit ng tungkod, ilayo ito mula sa iyong mga paa para hindi ka matisod. |
Kung mayroon kang mas malakas na panig, hawakan ang tungkod sa panig na iyon.
1. Kunin ang iyong balanse.
2. Igalaw ang tungkod at iabante ang mas mahinang binti.
3. Suportan ang iyong timbang sa tungkod at sa mas mahina mong panig.
4. Humakbang gamit ang mas malakas na binti.
5. Magsimula muli mula sa hakbang 1.
Paggamit ng Walker
1. Igulong ang walker (o iangat ito, kung gumagamit nito ng walang gulong) pasulong hanggang 12 pulgada.
2. Ihakbang pasulong muna ang iyong mas mahinang binti.
3. Gamitin ang walker upang panatilihin ang iyong balanse.
4. Isulong ang kabilang paa papunta sa gitna ng walker.
5. Magsimula muli mula sa hakbang 1.
Online Medical Reviewer:
Kenny Turley PA-C
Online Medical Reviewer:
Maryann Foley RN BSN
Online Medical Reviewer:
Steven Buslovich MD
Date Last Reviewed:
6/1/2020
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.