Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Nabagong Antas ng Pagkawala ng Malay

Isang sukat ang level of consciousness (LOC) ng kakayahan ng isang tao na makipag-ugnayan sa ibang tao at gumawa ng reaksyon sa kung ano ang nasa paligid niya. Maaaring hindi tumugon sa paghawak o sa mga boses ang taong may nabagong antas ng kamalayan. Maaari siyang magmukhang nakatunganga o blangko. Maaaring hindi siya makipagtitigan sa iba. Maaaring nanlalambot ang taong ito at maaaring hindi gumalaw nang mahabang oras. O maaari siyang magpakita ng kaunting interes sa paggalaw. Maaari ding nalilito siya.

Maraming sanhi ng nabagong LOC. Kasama rito ang mababang asukal sa dugo, impeksiyon, mga gamot, mga pinsala sa ulo, mga kombulsyon, stroke, at pagiging lasing sa alak.

Isang medikal na emergency ang nabagong LOC. Gagawa ng mga pagsusuri ang tagapangalaga ng kalusugan para tumulong na mahanap ang sanhi nito. Maaaring kasama sa mga ito ang mga pagsusuri ng dugo at mga imaging test. Ginagamot ang tao upang maging matatag ang paghinga at tibok ng puso. Maaaring ilagay ang linya ng IV (intravenous) sa isang ugat sa braso o kamay upang ibigay ang mga gamot. Kapag nahanap na ang sanhi ng binagong LOC, ang layunin ay pagalingin ang sanhi.

Sa halos lahat ng kaso, ipapasok ang tao sa ospital para sa pagsusuring pag-diagnose at obserbasyon.

Ang ilang hindi gaano karaniwang kondisyon, tulad ng locked-in syndrome at akinetic mutism, ay parang isang coma. Ngunit ganap na gising ang tao.

Pangangalaga sa tahanan

Kapag nailabas na sa ospital ang iyong mahal sa buhay, bibigyan ka ng mga alintuntunin para sa pangangalaga sa kanya. Sa pangkalahatan:

  • Sundin ang mga tagubilin ng tagapangalaga ng kalusugan sa pagbibigay ng anumang iniresetang gamot sa iyong anak.

  • Manatili sa tabi ng iyong mahal sa buhayh o pabantayan siya sa isa pang responsableng adulto. Maingat na bantayan ang anumang pagbalik ng mga sintomas o mga pagbabago sa pag-uugali.

  • Kung may diabetes ang tao, siguraduhing ibinibigay nang nasa oras ang anumang aprubadong gamot at ayon sa inireseta.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, o sa aming tauhan ayon sa ipinayo.

Kailan hihingi ng medikal na payo

Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung lumitaw ang mga bagong sintomas.

Tumawag sa

Tumawag sa o humingi kaagad ng medikal na pangangalaga kung bumalik ang mga sintomas ng nabagong LOC.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer