Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Cellulitis

Ang cellulitis ay isang impeksiyon ng malalalim na suson ng balat. Ang bitak sa balat, gaya ng hiwa o galos, ay maaaring magpapasok ng bakterya sa ilalim ng balat.

Nagdudulot ang cellulitis sa apektadong balat na maging mapula, namamaga, mainit, at masakit. May border ang mga namumulang bahagi na makikita mo. Maaaring magtagas ng likido (nana) ang bukas na sugat. Maaaring mayroon kang lagnat, ginaw, at pananakit.

Ginagamot ang cellulitis ng mga antibayotiko na iniinom sa loob ng 7 hanggang 10 araw. Maaaring linisin ang bukas na sugat at takpan ng malamig na basang gasa. Dapat gumaling ang mga sintomas 1 hanggang 2 araw pagkatapos simulan ang paggamot. Siguraduhing inumin ang lahat ng antibayotiko para sa buong bilang ng araw hanggang maubos ang mga ito. Patuloy na inumin ang gamot kahit nawala na ang iyong mga sintomas.

Kung hindi nagamot, maaaring mapunta sa daloy ng dugo at mga kulani ang cellulitis. Pagkatapos, maaaring kumalat sa buong katawan ang impeksiyon. Nagdudulot ito ng malubhang sakit.

Pangangalaga sa tahanan

Sundin ang mga payo na ito:

  • Limitahan ang paggamit ng bahagi ng iyong katawan na may cellulitis. 

  • Kung nasa iyong binti ang impeksiyon, panatilihing nakataas ang iyong binti habang nakaupo. Tumutulong ito na mabawasan ang pamamaga.

  • Inumin ang lahat ng gamot na antibayotiko nang eksakto ayon sa itinagubilin hanggang maubos ito. Huwag palampasin ang anumang dosis, lalo na sa unang 7 araw. Tapusin ang pag-inom ng lahat ng gamot kahit gumaling na ang iyong mga sintomas.

  • Panatilihing malinis at tuyo ang apektadong bahagi.

  • Hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon at malinis na dumadaloy na tubig bago at pagkatapos hipuin ang iyong balat. Dapat ding maghugas ng kanyang mga kamay ang sinumang humahawak sa iyong balat. Huwag makipaghiraman ng mga tuwalya.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, o ayon sa ipinayo. Kung hindi mawala ang iyong impeksiyon matapos ubusin ang unag antibayotiko, magrereseta ang iyong tagapangalaga ng kalusugan ng iba.

Kailan hihingi ng medikal na payo

Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mangyari ang alinman sa mga ito:

  • Mapupulang bahagi na kumakalat

  • Pamamaga o pananakit na mas lumulubha

  • Tumatagas na likido mula sa balat (nana)

  • Mataas na lagnat na 100.4º F (38.0º C) o mas mataas pagkatapos ng 2 araw sa antibayotiko

Online Medical Reviewer: L Renee Watson MSN RN
Online Medical Reviewer: Michael Lehrer MD
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Date Last Reviewed: 1/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer