Diverticulitis
May mga tao habang tumatanda sila ay nagkakaroon ng mga supot na tumutulak sa dingding ng colon. Ang mga supot na ito ay tinatawag na diverticuli. Kadalasan ay hindi sila nagiging sanhi ng mga sintomas. Kung ang mga supot ay naharang, maaari silang mamaga at maimpeksiyon. Ito ay tinatawag na diverticulitis. Nagdudulot ito ng pananakit sa iyong ibabang tiyan (puson) at lagnat. Maaari rin itong magdulot ng pagduduwal, pagsusuka, pagtatae, o paninigas ng dumi. Kung hindi ginagamot, ito ay maaaring maging isang malubhang problema sa kalusugan. Maaari itong maging sanhi ng pagkakaroon ng nana sa paligid ng supot. Maaaring harangan ng nana ang daluyan ng bituka. Ang supot ay maaaring mapunit o masira. Maaari nitong ikalat ang impeksyon sa buong tiyan. Kakailanganin mo ang emergency na medikal na paggamot kung iyon ang nangyari.

Minsan, maaaring hindi kailangan ng diverticulitis ng mga antibiyotiko. Ngunit kadalasang ginagamit ang mga antibiyotiko. Kapag ang paggamot ay sinimulan nang maaga, ang iniinom na mga antibiyotiko lamang ay maaaring sapat na upang gamutin ang diverticulitis. Ang pamamaraang ito ay sinubukan muna. Ngunit kung hindi ka gumagaling o kung lumalala ang iyong kondisyon habang umiinom ng antibiyotiko, maaaring kailanganin mo na ma-admit sa ospital. Doon, makakakuha ka ng mga antibiyotiko at likido sa pamamagitan ng isang IV (intravenous)na linya. Maaaring kailanganin mo ring ipahinga ang iyong bituka. Ibig sabihin hindi ka kakain o iinom para sa isang yugto ng panahon. Maaaring kailanganin ng operasyon ang malalang kaso.
Pangangalaga sa bahay
Ang mga patnubay na ito ay makakatulong sa iyong pangangalaga para sa iyong sarili sa bahay:
-
Sa panahon ng matinding sakit, magpahinga at sundin ang tagubilin ng tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa diyeta. Minsan ikaw ay kailangang nasa isang malinaw na likidong diyeta upang mapahinga ang iyong bituka. Kapag ang iyong mga sintomas ay mas mabuti, maaaring sabihin sa iyo na kumain ng diyeta na mababa ang fiber sa loob ng ilang panahon. Maaari kang kumain ng mga pagkain tulad ng:
-
Uminom ng mga antibiyotikong nang eksakto sa sinabi. Huwag palampasin ang anumang dosis o ihinto ang pag-inom ng gamot, kahit mabuti na ang nararamdaman mo .
-
Subaybayan ang iyong temperatura. Sabihin sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan kung mayroon kang tumataas na temperatura.
Pag-iwas sa mga atake sa hinaharap
Kapag mayroon kang isang episodyo ng diverticulitis, ikaw ay nasa panganib na magkaroon nito muli. Ngunit maaari mong mapababa ang iyong panganib sa pamamagitan ng pagkain ng diyeta ng may mataas na fiber (20 g/araw hanggang 35 g/araw ng fiber). Nililinis nito ang supot ng colon na umiral na. Maaari rin nitong pigilan ang pagbuo ng mga bago. Ang mga pagkaing mataas sa fiber ay kinabibilangan ng:
-
Mga sariwang prutas at nakakain na balat
-
Hilaw o bahagyang lutong mga gulay
-
Mga whole-grain na cereal at tinapay
-
Mga pinatuyong beans at mga peas
-
Bran
Narito ang iba pang mga hakbang na maaari mong gawin gawin upang makatulong na maiwasan ang mga pag-atake sa hinaharap:
-
Uminom ng iyong mga gamot, tulad ng mga antibiyotiko, gaya ng sinasabi ng iyong tagapagbigay ng pangangangalagang pangkalusugan.
-
Uminom ng 6 hanggang 8 na baso ng tubig araw-araw, maliban kung sasabihin na hindi.
-
Gumamit ng heating pad o mainit na bote ng tubig upang makatulong sa pag-cramping o pananakit ng tiyan.
-
Magsimula ng isang programa sa ehersisyo. Tanungin ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan kung paano magsimula. Maaari kang makinabang sa simpleng mga aktibidad, tulad ng paglalakad o paghahardin.
-
Gamutin ang pagtatae gamit ang bland na diyeta. Magsimula sa mga likido lamang. Pagkatapos ay dahan-dahang magdagdag ng fiber sa paglipas ng panahon.
-
Abangan ang mga pagbabago sa iyong pagdumi (constipation hanggang sa pagtatae). Iwasan ang constipation sa pamamagitan ng pagkain ng diyetang may mataas na fiber, maraming likido, at pag-inom ng pampalambot ng dumi kung kinakailangan.
-
Magpahinga ng marami at matulog.
-
Huwag uminom ng mga NSAID (anti-inflammatory drugs) maliban kung sinasabi sa iyo ng tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na uminom ka. Maaari nilang dagdagan ang iyong panganib para sa diverticulitis.
Follow-up na pangangalaga
Mag-check sa iyong taapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan gaya ng ipinapayo o mas maaga kung hindi ka gumagaling sa susunod na 2 araw. Maaaring magpayo ang iyong provider ng isang colonoscopy na tingnan ang colon kapag gumaling na ito.
Kailan tatawagan ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan
Tawagan kaagad ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan kung nangyari ang alinman sa mga ito:
-
Lagnat na 100.4 ° F (38 ° C) o mas mataas, o ayon sa direksyon ng iyong tagapagbigay ng pangangalagang medikal
-
Paulit-ulit na pagsusuka o pamamaga ng tiyan
-
Panghihina, pagkahilo, pagkahilo
-
Sakit sa iyong tiyan na lumalala, malubha o kumakalat sa iyong likod
-
Sakit na lumilipat sa ibabang kanan ng tiyan
-
Pagdurugo sa tumbong. Ibig sabihin nito ang mga dumi ay pula, itim, o maroon ang kulay.
-
Hindi inaasahang pagdurugo ng ari ng babae o paglabas ng nana
Online Medical Reviewer:
Heather M Trevino BSN RNC
Online Medical Reviewer:
Melinda Murray Ratini DO
Online Medical Reviewer:
Shaziya Allarakha MD
Date Last Reviewed:
12/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.