Diyeta: Diabetes
Mahalagang kagamitan ang pagkain na magagamit mo upang kontrolin ang diabetes at manatiling malusog. Matutulungan ka ng pagkain ng balanseng pagkain sa mga tamang dami upang makontrol ang lebel ng iyong glucose sa dugo at maiwasan ang mga reaksyon ng mababang asukal sa dugo. Tutulong din ito sa iyo na mabawasan ang mga panganib sa kalusugan dulot ng diabetes. Walang partikular na diyeta na tama para sa lahat ng may diabetes at maaari kang kumain ng iba't ibang pagkain. Ngunit mayroong karaniwang patnubay na dapat sundin. Gagawa ang isang rehistradong dietitian (RD) ng pasadyang pamamaraan ng diyeta na tama para sa iyo. Tutulungan ka rin nilang magplano ng masusustansyang pagkain at meryenda. Kung mayroon kang anumang tanong, tumawag sa iyong dietitian para sa payo.
Mga alituntunin para sa tagumpay
Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago simulan ang diyeta para sa diabetes o programa sa pagbabawas ng timbang. Kung hindi ka pa nakikipag-usap sa isang dietition, humingi sa iyong tagapangalaga ng referral. Makatutulong sa iyo ang mga sumusunod na alituntunin upang magtagumpay:
-
Suriin ang lebel ng iyong asukal sa dugo ayon sa ibinilin ng iyong tagapangalaga. Inumin ang anumang gamot ayon sa inireseta ng iyong tagapangalaga.
-
Pag-aralang basahin ang mga etiketa ng pagkain at piliin ang tamang dami ng bahagi.
-
Limitahan ang mga carbohydrate sa bawat pagkain upang makatulong na makontrol ang iyong diabetes. Nagiging glucose sa dugo ang mga carbohydrate na kinakain mo. Hindi ito nangangahulugan na hindi ka kakain ng mga carbohydrate. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa kung gaano karaming gramo ng carbohydrate ang inirerekomenda para sa iyo sa bawat pagkain. Kumain ng 3 pagkain sa isang araw, sa mga parehong oras. Huwag lumaktaw sa pagkain. Kung nagugutom ka sa pagitan ng mga pagkain, kumain ng kaunti at mababa ang carbohydrate na meryenda.
-
Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung umiinom ka ng alkohol. Maaaring mayroong hindi mahuhulaang mga epekto ang alkohol sa glucose sa dugo. Mataas din ito sa walang lamang calories at maaaring itaas ang isang uri ng taba sa dugo na tinatawag na triglycerides. Uminom ng tubig o mga inuming pangdiyeta na walang calorie sa halip.
-
Kumain ng kaunting taba upang matulungan kang mapababa ang iyong panganib ng pagkakaroon ng sakit sa puso. Gumamit ng mga produktong gawa sa gatas na wala o kakaunti ang taba at mga karneng walang taba. Iwasan ang mga pritong pagkain. Gumamit ng mga langis na panluto na unsaturated, gaya ng olive, canola, o peanut oil.
-
Huwag kumain ng mga pagkaing may dagdag na asin. Nagdudulot ang asin ng mataas na presyon ng dugo, na maaaring maging sanhi ng sakit sa puso. Mayroon nang panganib para sa mataas na presyon ng dugo at sakit sa puso ang mga taong may diabetes.
-
Manatiling malusog ang timbang. Kung kailangan mong magbawas ng timbang, bawasan ang mga dami ng iyong bahagi. Pero huwag kailanman lumaktaw sa mga pagkain. Mahalagang bahagi ng anumang programa sa pamamahala ng timbang ang ehersisyo. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga tungkol sa programang pag-eehersisyo na tama para sa iyo.
-
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pinakamahusay na plano ng diyeta para sa iyo, makipag-usap sa isang RD. Para humanap ng isang RD sa iyong lugar, makipag-ugnayan sa:
Online Medical Reviewer:
Callie Tayrien RN MSN
Online Medical Reviewer:
Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer:
Robert Hurd MD
Date Last Reviewed:
1/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.