Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Checkup ng Sanggol na Walang Sakit: 9 na Buwan

Sa check-up sa ika-9 na buwan, susuriin ng tagapangalaga ng kalusugan ang iyong sanggol at kukumustahin ang mga kaganapan sa bahay. Inilalarawan ng pahinang ito ang ilang maaari mong asahan.

Pag-unlad at mga tagumpay

Magtatanong ang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa iyong sanggol. At oobserbahan niya ang sanggol upang magkaroon ng ideya tungkol sa pag-unlad ng sanggol. Sa pagbisitang ito, malamang na ginagawa ng iyong sanggol ang ilan sa mga sumusunod:

  • Pag-unawa sa "hindi"

  • Paggamit ng mga daliri sa pagturo sa mga bagay

  • Gumagawa ng iba't-ibang tunog tulad ng "dadada" o "mamama"

  • Pag-upo nang walang suporta

  • Tumatayo, kumakapit

  • Pinapakain ang sarili

  • Inililipat ang mga bagay mula sa isang kamay papunta sa kabilang kamay

  • Naghahanap ng laruan sa paligid pagkatapos itong ilaglag

  • Gumagapang

  • Kumakaway at ipinapalakpak ang kanyang mga kamay

  • Nagsisimulang mag-ikot sa paligid habang humahawak sa sopa o iba pang kagamitan sa bahay (kilala bilang "cruising")

  • Naiinis kapag nahihiwalay sa magulang, o nababalisa sa paligid ng mga hindi kakilala.

Mga payo sa pagpapakain

Sanggol na nakaupo sa high chair na may tasang inuman, inaabot ang mga pagkaing kukutin.
Sa pagsapit ng 9 na buwang gulang, karamihan sa mga pagkain ng inyong sanggol ay binubuo ng mga "pagkaing kukutin."

Sa 9 na buwan, maaaring kabilang ang"finger foods" sa pagpapakain sa iyong sanggol, pati na rin ang rice cereal at malalambot na pagkain (tingnan sa ibaba). Maaaring mabagal ang paglaki at maaaring magsimulang magmukhang mas payat at balingkinitan ang sanggol. Ito ay normal. Hindi ito nangangahulugan na hindi nagkakaroon ng sapat na pagkain ang sanggol. Upang matulungan ang iyong sanggol na kumain nang mabuti:

  • Huwag puwersahin ang iyong sanggol na kumain kapag busog siya. Habang pinapakain, masasabi mong busog na ang iyong sanggol kung mas mabagal siyang kumain o inilalayo ang kutsara.

  • Dapat kumain ang iyong sanggol ng matitigas na pagkain nang 3 beses bawat araw at sumuso ng gatas ng ina o pormula nang 4 hanggang 5 beses kada araw. Habang kumakain ng mas maraming matitigas na pagkain ang iyong sanggol, mas kaunti na lang ang kakailanganin niyang gatas ng ina o formula. Sa pagsapit ng 12 buwang gulang, karamihan sa nutrisyon ng iyong sanggol ay magmumula sa matitigas na pagkain.

  • Simulang bigyan ng tubig sa isang sippy cup. Isa itong tasa ng sanggol na may mga hawakan at takip. Hindi pa papalitan ng isang tasa ang bote, ngunit ito ang magandang edad upang simulan ang paggamit nito.

  • Huwag munang bigyan ang iyong sanggol ng gatas ng baka upang inumin. OK ang iba pang pagkaing gawa sa gatas, tulad ng yogurt at keso. Ito ay dapat na mga buong-taba na produkto (hindi mababang taba o walang taba)

  • Magkaroon ng kamalayan na hindi dapat ipakain sa mga sanggol na mas bata sa 12 buwang gulang ang mga pagkain tulad ng honey. Dati, pinapayuhan ang mga magulang na huwag magbigay ng mga pagkain na karaniwang nagsisimula ng reaksiyon sa allergy sa mga sanggol. Ngunit iniisip ngayon ng mga eksperto na ang pagsisimula ng mga pagkaing ito nang mas maaga ay maaaring aktuwal na makatulong na mapababa ang panganib ng pagkakaroon ng allergy. Makipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan kung may mga tanong ka. 

  • Tanungin ang tagapangalaga ng kalusugan kung kailangan ng iyong sanggol ng mga suplementong fluoride.

Mga payong pangkalusugan

  • Kung makapansin ka ng mga biglaang pagbabago sa dumi o ihi ng iyong sanggol, sabihin sa tagapangalaga ng kalusugan. Tandaan na magbabago ang dumi, depende sa kung ano ang iyong ipinakain sa iyong sanggol.

  • Itanong sa tagapangalaga ng kalusugan kung kailan dapat ang unang pagbisita ng iyong sanggol sa dentista. Inirerekomenda ng mga dentista ng bata na dapat mangyari ang unang pagbisita sa dentista pagkatapos ng unang pagtubo ng ngipin sa ibabaw ng mga gilagid. Maaaring hindi pa kailangan ng iyong anak ang pangangalaga ng ngipin, ngunit ang maagang pagbisita sa dentista ay magtatakda ng yugto ng pangmatagalang kalusugan ng ngipin.

Mga payo sa pagtulog

Sa 9 na buwang gulang, gising ang iyong sanggol sa halos buong araw. Malamang na iidlip siya nang isa o dalawang beses sa isang araw, na may kabuuang 1 hanggang 3 oras sa bawat araw. Dapat matulog ang sanggol nang halos 8 hanggang 10 oras sa gabi. Kung natutulog ang iyong sanggol ng humigit-kumulang kaysa dito ngunit mukhang malusog, hindi ito isang alalahanin. Upang tulungang matulog ng iyong anak:

  • Sanayin ang bata sa paggawa ng parehong mga bagay bawat gabi bago matulog. Nakatutulong sa iyong sanggol ang pagkakaroon ng rutina sa pagtulog kapag oras na para matulog. Halimbawa, maaaring ang iyong rutina ay paliligo, na sinusundan ng pagpapakain, kasunod ng pagpapatulog. Pumili ng oras ng pagtulog at subukang panindigan ito bawat gabi.

  • Huwag maglagay ng tasa o bote sa kuna kasama ng iyong anak.

  • Dapat mong malaman na kahit ang mga mahusay matulog ay maaring magsimulang mahirapang matulog sa edad na ito. OK na ihiga ang sanggol nang gising at hayaan siyang umiyak hanggang makatulog sa kuna. Itanong sa tagapangalaga ng kalusugan kung gaano katagal dapat hayaang umiiyak ang iyong sanggol.

Mga payong pangkaligtasan

Habang nagiging mas malikot ang iyong sanggol, mahalagang bantayan siyang mabuti. Laging alamin kung ano ang ginagawa ng iyong sanggol. Maaaring mangyari ang aksidente sa isang iglap. Upang mapanatiling ligtas ang iyong sanggol: 

  • Kung hindi mo pa nagagawa, gawing ligtas ang bata sa bahay. Kung hinihila ng iyong sanggol ang mga kagamitan sa bahay o gumagabay (nakapag-iikot sa pamamagitan ng pagkapit sa mga bagay), siguraduhing nakatali ang malalaking kagamitan gaya ng mga aparador at TV. Kung hindi, maaaring matumba ang mga ito sa iyong sanggol. Ilipat ang anumang gamit na maaaring makasakit sa bata sa lugar na hindi niya maaabot. Alamin ang mga gamit na maaaring hilahin ng sanggol tulad ng mga mantel o kurdon. Suriin ang kaligtasan ng anumang lugar kung saan namamalagi ang iyong sanggol.

  • Huwag hayaan ang iyong sanggol na makahawak ng anumang maliit na bagay na maaaring makasamid sa kanya. Kabilang dito ang mga laruan, matitigas na pagkain, at mga bagay sa sahig na maaaring makita ng sanggol habang gumagapang. Bilang tuntunin, maaaring makasamid sa sanggol ang isang bagay na napakaliit na kasya sa loob ng toilet paper tube.

  • Huwag iwanan ang sanggol sa mataas na ibabaw, tulad ng mesa, kama, o sopa. Maaaring mahulog at masaktan ang iyong sanggol. Mas malamang din ito sa sandaling maalam na ang sangol kung paano gumulong o gumapang.

  • Sa kotse, dapat nakaharap patalikod ang sanggol sa upuan sa kotse. Dapat paupuin ang mga sanggol at paslit sa car safety seat na nakaharap sa likuran hangga't maaari. Ibig sabihin nito, hanggang sa maabot nila ang pinakamataas na timbang at taas na pinapayagan sa kanilang upuan.  Tingnan ang mga tagubilin para sa iyong safety seat. Mayroong mga limit sa taas at timbang ang karamihan sa mga convertible safety seat na nagpapahintulot sa iyong mga anak para sumakay nang nakaharap sa likuran para sa 2 taon o higit pa.

  • Itago itong numero ng telepono ng Poison Control sa isang lugar na mabilis makita, tulad ng refrigerator: 800-222-1222. 

Mga bakuna

Batay sa mga rekomendasyon mula sa CDC, maaaring makakuha ng mga sumusunod na bakuna ang iyong sanggol sa pagbisitang ito:

  • Hepatitis B

  • Polio

  • Trangkaso (flu)

Gumawa ng pagkain mula sa mga kukutin

Malamang na kumakain ang iyong 9 na buwang gulang ng matitigas na pagkain sa loob ng ilang buwan. Kung hindi mo pa nagagawa, ngayon ang panahon upang magsimulang maghain ng mga kukutin. Ito ang mga pagkaing maaaring pulutin ng sanggol at kainin nang hindi mo tinutulungan. (Dapat lagi kang mag-asikaso!) Halos anumang pagkain ay maaaring gawing kutkutin, basta't pinuputol ito sa maliliit na piraso. Narito ang ilang payo:

  • Subukan ang mga piraso ng malambot at sariwang mga prutas at gulay tulad ng saging, peach, o avocado.

  • Bigyan ang sanggol ng isang dakot ng hindi matamis na cereal o ilang piraso ng lutong pasta.

  • Hiwain ang keso o malambot na tinapay sa maliliit na cube. Maaaring mahirap nguyain o lunukin ang malalaking piraso at maging sanhi na mabulunan ang sanggol.

  • Magluto ng malulutong na gulay, tulad ng mga karot, upang palambutin ang mga ito.

  • Huwag bigyan ang iyong sanggol ng anumang pagkain na maaaring maging sanhi na mabulunan siya. Karaniwan ito sa mga pagkaing halos kasukat at kahugis ng lalamunan ng bata. Kabilang sa mga ito ang mga bahagi ng hot dog at longanisa, matitigas na kendi, mani, hilaw na gulay, at buong ubas. Itanong sa tagapangalaga ng kalusugan ang tungkol sa iba pang mga pagkaing iiwasan.

  • Gumawa ng isang regular na lugar para kumain ang sanggol kasama ng iba pang kapamilya, sa kanyang mataas na upuan. Maaari itong isang sulok ng kusina o isang espasyo sa hapag kainan. Magbigay ng mga pira-piraso ng parehong pagkain na kinakain ng mga kapamilya (kung naaangkop).

  • Kung may mga tanong ka tungkol sa mga uri ng pagkain na ihahain o kung paano dapat ang mga malilit na piraso, makipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer