Checkup ng Batang Walang Sakit: 3 Taon
Kahit malusog ang iyong anak, patuloy siyang dalhin para sa mga taunang checkup. Tumutulong ito na matiyak na protektado ang kalusugan ng iyong anak sa pamamagitan ng mga nakaiskedyul na bakuna. Masisiguro ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak na mabuti ang progreso ng paglaki at pag-unlad ng iyong anak. Binibigyan ka rin nito ng pagkakataon upang magtanong tungkol sa pisikal at emosyonal na paglago ng iyong anak. Isulat ang iyong mga tanong upang matalakay mo ang lahat ng iyong alalahanin sa panahon ng pagsusuri. Inilalarawan ng pahinang ito ang ilan sa maaari mong asahan sa checkup ng anak mong walang sakit.
Pag-unlad at mga tagumpay
Magtatanong ang tagapangalaga ng kalusugan at oobserbahan ang pag-uugali ng iyong anak upang makakuha ng ideya sa kanyang pag-unlad. Sa pagbisitang ito, karamihang bata ang gumagawa ng mga ito:
-
Mapapansin ang iba pang bata at sasamahan silang maglaro
-
Humihinahon sa loob ng 10 minuto pagkatapos mahiwalay sa isang magulang, tulad ng sa paghahatid sa childcare
-
Nakikipag-usap gamit ang hindi bababa sa 2 palitan ng usapan
-
Nagtatanong ng “sino,” “ano,” “saan,” o “bakit”
-
Sinasabi ang unang pangalan, kapag tinanong
-
Naglalaro ng pagkukuwanri gamit ang mga manika o laruan
-
Gumuguhit ng bilog, kapag ipinakita mo sa kanya kung paano
-
Nagsusuot ng ilang damit nang mag-isa, tulad ng maluwag na pantalon o jacket
-
Gumagamit ng tinidor
Mga payo sa pagpapakain
Huwag mag-alala kung mapili sa pagkain ang iyong anak. Ito ay normal. Di-gaanong mahalaga kung gaano karami ang kinakain ng iyong anak sa 1 kainan o sa 1 araw kumpara sa pattern sa loob ng ilang araw o linggo. Huwag puwersahin ang iyong anak na kumain. Upang matulungan ang iyong 3-taong-gulang na anak na kumain nang mabuti at magkaroon ng malulusog na gawi:
-
Bigyan ang iyong anak ng iba't ibang pagpipiliang masusustansyang pagkain sa bawat pagkain. Huwag sumuko sa pag-aalok ng mga bagong pagkain. Madalas na inaabot ng ilang pagtatangka bago magsimula ang isang bata na magustuhan ang isang bagong lasa.
-
Magtakda ng mga limitasyon sa kung anong mga pagkain ang maaaring kainin ng iyong anak. At bigyan ang iyong anak ng wastong dami ng bahagi. Sa ganitong edad, maaaring magsimulang ugaliin ng mga bata na kumain kapag hindi sila nagugutom. O maaari nilang piliin ang di-masusustansyang meryenda at matatamis kaysa mas masusustansyang pamimilian.
-
Dapat uminom ang iyong anak gatas na kaunti ang taba o walang taba o 2 pang-araw-araw na hain ng iba pang produktong gawa sa gatas na mayaman sa calcium, tulad ng yogurt o keso. Bukod sa gatas, tubig ang pinakamainam. Limitahan ang katas ng prutas. Dapat na 100% katas ng prutas ang anumang juice. Maaari mong gustuhing dagdagan ng tubig ang katas ng prutas. Huwag bigyan ng soda ang iyong anak.
-
Huwag hayaan ang iyong anak na magpalakad-lakad habang may hawak na pagkain. Isa itong panganib na makasamid. Maaari din itong humantong sa pagkain nang sobra habang tumatanda ang bata.
Mga payo sa kalinisan ng katawan
-
Paliguan ang iyong anak araw-araw, at mas madalas kung kinakailangan.
-
Kung hindi pa nasanay sa paggamit ng arinola ang iyong anak, malamang na magiging handa siya sa susunod na ilang buwan. Itanong sa tagapangalaga ng kalusugan kung paano magpapatuloy. Tingnan sa ibaba para sa mga payo.
-
Tulungan ang iyong anak na magsipilyo ng kanyang mga ngipin dalawang beses sa isang araw. Gumamit ng kasing laki ng gisantes na patak ng flouride toothpaste. Gumamit ng sipilyo na dinisenyo para sa mga bata. Turuan ang iyong anak na idura ang toothpaste pagkatapos magsipilyo sa halip na lunukin ito.
-
Dalhin ang iyong anak sa dentista nang di-kukulangin sa dalawang beses sa isang taon para sa pagpapalinis at pagpapasuri ng ngipin.
Mga payo sa pagtulog at screen-time
Maaaring umidlip pa rin ng 1 beses sa isang araw ang iyong anak o maaaring huminto na sa pag-idlip. Dapat siyang matulog nang humigit-kumulang 8 hanggang 10 oras sa gabi. Kung natutulog siya nang higit o mas kaunti kaysa rito ngunit mukhang malusog, hindi ito dapat ikabahala. Upang tulungang matulog ang iyong anak:
-
Sundin ang rutina sa oras ng pagtulog bawat gabi, tulad ng pagsisipilyo na susundan ng pagbabasa ng libro. Subukang sundin ang parehong oras sa pagtulog bawat gabi.
-
Kung mayroon kang anumang alalahanin tungkol sa gawi sa pagtulog ng iyong anak, ipaalam sa tagapangalaga ng kalusugan.
-
Limitahan ang screen time sa 1 oras bawat araw. Kasama rito ang panonood ng TV, paggamit ng computer, paggamit ng smart phone, paggamit ng tablet, at mga video game.
Mga payong pangkaligtasan
 |
Turuang maging maingat ang iyong anak sa paligid ng mga kotse. Dapat palaging humawak ang mga bata sa kamay ng nakatatanda kapag tumatawid sa kalsada. |
-
Huwag hayaan ang iyong anak na maglaro sa labas nang walang sumusubaybay. Ituro ang pag-iingat sa paligid ng mga sasakyan. Dapat na palaging nakahawak ang iyong anak sa kamay ng nakatatanda kapag tumatawid ng kalsada o nasa paradahan.
-
Protektahan ang iyong anak mula sa pagkahulog. Gumamit ng matitibay na screen sa mga bintana. Maglagay ng mga gate sa itaas ng mga hagdanan. Subaybayan ang bata sa hagdanan.
-
Kung mayroon kayong swimming pool, tingnan kung may bakod ang palibot nito. Isara at ikandado ang mga gate o pinto papunta sa pool. Turuan ang iyong anak kung paano lumangoy. Huwag kailanman iwanan ang iyong anak nang walang bantay malapit sa isang anyong tubig.
-
Magplano nang maaga. Sa edad na ito, sobrang mausisa ang mga bata. Posible silang mapalapit sa mga bagay na maaaring maging mapanganib. Maglagay ng mga kawit sa mga kabinet. Ilagay ang mga produktong tulad ng mga panlinis at gamot sa lugar na hindi kayang abutin.
-
Maging maingat sa mga bagay na maliliit na maaaring makasamid sa iyong anak. Bilang tuntunin, maaaring makasamid sa sanggol ang isang bagay na napakaliit na kasya sa loob ng toilet paper tube.
-
Turuan ang iyong anak na maging maamo at maingat sa mga aso, pusa, at iba pang hayop. Palaging bantayan ang mga bata sa paligid ng mga hayop, kahit na sa mga kilalang alaga ng pamilya. Turuan ang iyong anak na lumayo mula sa mga aso at pusa ng ibang tao.
-
Sa kotse, palaging paupuin ang iyong anak sa car seat na nasa upuan sa likod. Dapat sumakay sa likod na upuan ng kotse ang mga batang wala pang 13 taong gulang. Dapat paupuin ang mga sanggol at paslit sa car safety seat na nakaharap sa likuran hangga’t maaari. Ibig sabihin, hanggang sa maabot nila ang pinakamataas na timbang at taas na pinapayagan sa kanilang upuan. Tingnan ang mga tagubilin para sa iyong safety seat. Mayroong mga limit sa taas at timbang ang karamihan sa mga convertible safety seat na nagpapahintulot sa iyong mga anak para sumakay nang nakaharap sa likuran para sa 2 taon o higit pa.
-
Itago itong numero ng telepono ng Poison Control sa isang lugar na mabilis makita, tulad ng sa refrigerator: 800-222-1222.
-
Kung nagmamay-ari ka ng baril, itabi ito nang walang bala sa isang nakakandadong lugar. Huwag kailanman payagan ang iyong anak na maglaro ng baril.
-
Turuan ang iyong anak kung paano maging ligtas sa paligid ng mga estranghero.
Mga bakuna
Batay sa mga mungkahi mula sa CDC, maaaring makuha ng iyong anak ang sumusunod na bakuna sa pagbisitang ito:
Pagsasanay sa paggamit ng palikuran
Para sa maraming bata, nangyayari ang pagsanay sa paggamit ng palikuran sa edad na halos 3. Kung ang iyong anak ay nagsasabi sa iyo ng tungkol sa maruming diaper at humihiling na mapalitan, isa itong senyales na siya ay naghahanda. Narito ang ilang payo:
-
Huwag pilitin ang iyong anak na gumamit ng palikuran. Maaari nitong mas pahirapin ang pagsasanay.
-
Ipaliwanag sa iyong anak ang paraan ng paggamit ng banyo. Hayaan ang iyong anak na panoorin ang ibang miyembro ng pamilya na gamitin ang banyo, upang matutunan ng bata kung paano ito ginagawa.
-
Maglagay ng arinola sa banyo, katabi ng inidoro. Hikayatin ang iyong anak na masanay sa paggamit nito sa pamamagitan ng pag-upo dito nang nakadamit o nakasuot lamang ng diaper. Habang mas nagiging komportable ang bata, subukang paupuin siya sa arinola nang walang diaper.
-
Purihin ang iyong anak para sa paggamit ng arinola. Gumamit ng isang sistema ng gantimpala, tulad ng tsart na may mga sticker, upang matulungan ang iyong anak na masabik sa paggamit ng arinola.
-
Unawain na mangyayari ang mga aksidente. Kapag naaksidente ang iyong anak, huwag itong gawing malaking problema. Huwag kailanman parusahan ang bata sa pagkakaroon ng aksidente.
-
Kung mayroon kang mga alalahanin o kailangan ng higit pang payo, makipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.