Ano Ang Endometriosis?
Ang endometriosis ay isang problema na nakakaapekto sa iyong mga reproductive organ at siklo ng pagreregla. Maaari itong magsanhi ng mga pulikat at kirot sa panahon ng iyong mga regla. O maaaring magkaroon ka ng kirot sa balakang sa buong buwan. Kung mayroon ka ng ganitong problema at hindi ito nagamot, maaari itong makaapekto sa iyong kalusugan. Ngunit sa maagang pag-diagnose at paggamot, maaari itong pamahalaan.
 |
Ang endometrium ang pinaka-lining ng matris. Kumakapal ito bawat buwan upang maghanda para sa pagbubuntis. |
|
 |
Sa endometriosis, lumalaki ang tisyu ng endometrium sa labas ng iyong matris. |
|
Pag-unawa sa endometriosis
Sa endometriosis, ang tisyu sa loob ng matris ay nagsisimulang tumubo kung saan hindi dapat. Maaari ding tumubo itong endometrial na tisyu sa mga obaryo, sa bituka, o sa mga dingding ng iyong balakang. Sa panahon ng iyong regla, ang ekstrang tisyung ito ay namamaga na may dugo. Maaari ding maglabas ang tisyu ng maliliit na patak ng dugo. Ang pamamaga at dugo ay nakakairita sa kalapit na mga tisyu. Nagiging sanhi ito ng kirot at pulikat. Maaaring maging sanhi ang iritasyong ito ng pagkabuo ng tisyu ng pilat. Maaaring pagsamahin ang mga organ tisyung ito ng pilat. Maaari din itong maging sanhi ng mga problema upang magbuntis (pagkabaog).
Karaniwang mga sintomas
Kung mayroon kang endometriosis, maaari kang magkaroon ng 1 o higit pa sa mga sintomas na ito:
-
Mga pulikat at pananakit sa pagreregla
-
Pananakit ng balakang
-
Pananakit sa pakikipagtalik
-
Masakit na pagdumi
-
Kahirapang mabuntis (pagkabaog)
Mga opsyon sa paggamot
Maaaring makatulong ang paggamot na mapahupa ang kirot. Maaari din itong makatulong na maibalik ang pertilidad. Kabilang sa mga opsyon ang medikal na terapi, pag-oopera, o pareho. Maaari ding makatulong ang gamot na mapahupa ang ilan sa iyong sintomas. Makipag-usap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan tungkol sa mga opsyon na ito.
Maaaring maging sanhi ang endometriosis ng kirot sa pakikipagtalik. Subukang tingnan kung ang pakikipagtalik sa ilang partikular na panahon ng buwan ay hindi gaanong masakit para sa iyo. Maaari ding maging sanhi ng kirot ang ilang posisyon. Alamin kung aling mga posisyon ang makakabawas ng kirot para sa iyo.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.