Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Ano ang Pelvic Inflammatory Disease (PID)?

Impeksiyon ng mga ari ang sakit na pamamaga ng balakang (pelvic inflammatory disease, PID). Maaari itong magdulot ng malubhang pinsala sa katawan kung hindi nalunasan. Kung minsan nagdudulot ang PID ng mga sintomas na napakasama na magpapangyaring dalhin ka sa emergency room. Ngunit sa maraming kaso, isang tahimik na impeksiyon ang PID. Maaari itong magkaroon ng iilan o walang sintomas. Nagagamot ang impeksyong ito. Nakakatulong ito na mapigilan ang pangmatagalang pagkasira.

Sino ang nagkakaroon ng PID?

Puwedeng mangyari ang PID sa nasa kahit anong edad. Pero karamihan ng kababaihan ay nagkakaroon nito sa kanilang huling bahagi ng pagiging tinedyer o maaga ng edad 20s. Marami ang hindi nakakaalam na sila ay may PID hanggang huling mga taon. Mas matagal na naimpeksiyon ang isang babae, mas mataas ang kanyang panganib ng mas maraming problema sa kalusugan. Kapag mas marami kang katalik na partner, mas mataas ang panganib. Mas malamang din na magkaroon ka ng PID kung nagkaroon ka na nito dati. 

Ano-ano ang mga sintomas?

Kapag nangyari ang mga sintomas ng PID, kapareho ito ng iba pang maraming problema sa kalusugan. Ginagawa nitong mahirap hanapin ang PID. Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • Pananakit ng balakang

  • Masakit na pakikipagtalik, o pagdurogo pagkatapos ng pagtatalik

  • Napakasakit na pag-ihi o madalas na pag-ihi

  • Lagnat, pangangaligkig, iba pang mga sintomas na tulad sa trangkaso

  • May lumalabas mula sa puwerta na may mabahong amoy

  • Pagdurugo mula sa puwerta na hindi normal 

  • Masakit na sikmura at pagsusuka

  • Pananakit sa itaas na kanan ng tiyan

Paano ako nagkaroon ng PID?

Harapang kuha ng cross section ng reproductive tract ng babae na may mga arrow na nagpapakita ng daanan sa ari, cervix, uterus, at labas ng mga fallopian tube.

Nangyayari ang PID kapag naimpeksiyon ng mga tiyak na mikrobyo ang mga ari. Kadalasang nangyayari ito dahil naimpeksyon ka ng STI (impeksyon na naililipat sa pakikipagtalik). Sa ilang kaso, nagkakaroon ng PID ang kababaihan habang gumagamit ng IUD (intrauterine device) para sa birth control. Kadalasan itong nangyayari sa unang 3 linggo pagkatapos ilagay ang IUD. Ipinapalagay na nangyayari sa ganitong paraan ang PID: 

  1. Inihahatid ang similya mula sa ari ng lalaki papasok sa ari ng babae sa panahon ng pagtatalik. Maaaring pumasok ang mga mikrobyong nagdudulot ng STI kasama ng semilya.

  2. Maaaring dumaan ang mga mikrobyo sa cervix at pumasok sa matris.

  3. Pumupunta ang mga mikrobyo mula sa matris patungo sa mga fallopian tube at mga obaryo. Sa ganitong paraan naiimpeksyon.

  4. Puwedeng lumipat ang impeksyon sa mga fallopian tube at kumalat sa iba pang bahagi ng katawan.

Makakatulong ang paggagamot

Madalas na maaaring malunasan ang PID kapag natuklasan at nagamot nang maaga. Ngunit maaaring magdulot ang PID ng malulubhang problema sa kalusugan kung hindi nagamot. Kabilang sa mga ito ang pagkasira ng mga sangkap sa pag-aanak, pananakit ng pelvic, and nahihirapang mabuntis (kawalang kakayahang mabuntis). Sa ilang pambihirang kaso, ang mga kumplikasyon ng PID ay puwedeng magsapanganib pa nga ng buhay. Iyan ang dahilan kung bakit dapat magamot ang PID sa lalong madaling panahon.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer