Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-unawa sa Preeclampsia

Isang kondisyon ang preeclampsia na maaaring mangyari sa pagbubuntis. Kasama rito ang mataas na presyon ng dugo (alta presyon), pamamaga, at mga palatandaan ng mga problema sa organ. Maaari itong magpakita nang kasing aga ng linggo 20 ng pagbubuntis o kasing huli ng pagkatapos ng panganganak. Kadalasan itong nawawala sa 12 linggo pagkatapos mong manganak. Maaari itong humantong sa seryosong mga panganib sa kalusugan para sa iyo at sa iyong sanggol. Sa panahon ng iyong pagbubuntis, babantayan ng tagapangalaga ng iyong kalusugan ang iyong presyon ng dugo.

Tagapangalaga ng kalusugan na kinukuha ang presyon ng dugo ng babaeng buntis.
Regular na susubaybayan ang iyong presyon ng dugo sa panahon ng iyong pagbubuntis para tumulong na suriin ang preeclampsia.

Mga panganib ng preeclampsia

Kung hindi magamot, maaari itong maging sanhi ng mga problema para sa iyo at sa iyong sanggol. Ang inunan ang organ na nagpapakain sa iyong sanggol. Maaari itong mapunit mula sa dingding ng matris. Maaari nitong ilagay ang sanggol sa panganib ng mga problema sa kalusugan (kakulangan ng oxygen ng sanggol). Maaari nitong ilagay ang sanggol sa panganib ng pagsilang na kulang sa buwan. Kahit nawawala ang preeclampsia sa mga araw o linggo pagkatapos magsilang, ang mga taong nagkaroon ng preeclampsia ay nasa mas mataas na panghabambuhay na panganib para sa sakit sa puso.

Maaari ding magdulot ang preeclampsia nitong mga problema sa kalusugan:

  • Pagpalya ng bato o pagkasira ng iba pang organ

  • Mga kumbulsyon

  • Stroke

Sino ang nanganganib para sa preeclampsia?

Walang tiyak na nakakaalam kung ano ang dahilan ng preeclampsia. Maaari itong mangyari sa sinumang buntis. Pero may mga bagay na nagpapataas ng iyong panganib. Maaaring kailanganin mong uminom ng pang-araw-araw na mababang dosis ng aspirin kung nasa panganib ka ng preeclampsia.

Nasa mas mataas na panganib ka para sa preeclampsia kung mayroon ka ng alinman sa mga ito:

  • Diabetes

  • Mataas na presyon ng dugo

  • Sobrang katabaan

  • Sakit sa kidney

  • Autoimmune disease gaya ng lupus

  • Kasaysayan sa pamilya ng preeclampsia

Nasa mas mataas ang panganib mo kung naaangkop ang alinman sa mga ito sa iyo:

  • Ito ang iyong unang pagbubuntis

  • Magkakaroon ka ng kambal o higit pa

  • Ikaw ay wala pang edad na 18 o mahigit sa edad na 40

  • Gumamit ka ng in vitro fertilization

  • Ikaw ay Itim

At nasa mas mataas ang panganib mo kung nagkaroon ka ng alinman sa mga ito sa nakaraang pagbubuntis:

  • Preeclampsia

  • Intrauterine growth restriction (IUGR)

  • Pagsisilang na kulang sa buwan

  • Paghihiwalay ng inunan

  • Pagkamatay ng sanggol sa sinapupunan

Mga sintomas

Ang mataas na presyon ng dugo ay isang karaniwang sintomas ng preeclampsia. Maaaring kabilang sa iba pang sintomas ang:

  • Mabilis na pagbigat ng timbang

  • Protina sa iyong ihi

  • Pananakit ng ulo

  • Pananakit ng tiyan (bahaging tiyan) sa iyong kanang gilid

  • Mga problema sa paningin gaya ng mga pagkislap o batik

  • Pamamaga (edema) sa iyong mukha o mga kamay (pero madalas din itong nangyayari malapit sa pagtatapos ng normal na pagbubuntis)

Mga pagsusuring maaaring magkaroon ka

Nanaisin ng tagapangalaga ng iyong kalusugan na suriin ang iyong presyon ng dugo. Kakailanganing gawin ito nang madalas sa iyong pagbubuntis. Kung mataas ang iyong presyon ng dugo, maaaring magkaroon ka ng mga pagsusuring ito:

  • Mga pagsusuri ng ihi para tingnan kung may protina

  • Mga pagsusuri ng dugo para kumpirmahin ang preeclampsia

  • Pagsubaybay sa sanggol sa sinapupunan para tiyakin na malusog ang iyong sanggol

Paggamot sa preeclampsia

Halos palaging nagtatapos ang preeclampsia sa lalong madaling panahon pagkatapos mong magsilang. Hanggang doon, tutulong sa iyo ang iyong tagapangalaga ng kalusugan na pamahalaan ito.

Kung banayad ang iyong mga sintomas, maaari mong kailanganin na:

  • Limitahan ang iyong gawain

  • Magpahinga sa kama

  • Huwag gumawa ng pagbubuhat ng mabigat

Kung malubha ang mga sintomas, mamamalagi ka sa ospital. Maaaring kabilang sa paggamot dito ang:

  • Mga limitasyon sa iyong gawain. Ito ay para makatulong na kontrolin ang presyon ng iyong dugo. Hindi ka dapat magbuhat ng anumang mabigat na bagay. Kakailanganin mong maglaan ng 8 oras sa isang araw ng paghiga na nakataas ang iyong mga paa.

  • Magnesium IV (intravenous) na likido. Ginagawa ito sa panahon ng pagle-labor. Ito ay para maiwasan ang mga kumbulsyon

  • Sapilitang pagle-labor o cesarean section. Kadalasang nawawala ang preeclampsia pagkatapos mong ipanganak ang sanggol.

Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mabilis na nagsisimula o matindi ang mga sintomas. Kasama rito ang pamamaga, pagtaas ng timbang, o iba pang sintomas. Mas malubha ang ilang kaso ng preeclampsia kaysa iba. Maaari ding magbago o mas lumala ang iyong mga sintomas habang lumalapit ka sa iyong petsa ng panganganak.

Kapag nagsilang ka na

Sa karamihang kaso, kusang nawawala ang preeclampsia sa lalong madaling panahon pagkatapos mong magsilang. Kadalasan ito sa pagsapit ng ika-12 linggo pagkatapos mong magsilang. Sa loob ng ilang araw pagkatapos mong magsilang, dapat bumuti ang iyong presyon ng dugo, pamamaga, at iba pang sintomas. Pero para sa ilang tao, maaaring magpatuloy ang mga problema dahil sa preeclampsia pagkatapos magsilang.

Preeclampsia pagkatapos magsilang

Bihira ang preeclampsian na nagsisimula pagkatapos magsilang. Mayroong 2 uri:

  • Preeclampsia pagkatapos magsilang. Maaari itong magsimula sa unang 48 oras pagkapanganak.

  • Huling pagsisimula ng preeclampsia. Nagsisimula ito mahigit sa 48 oras pagkatapos magsilang.

Bihira ang mga uring ito. Pero tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung ikaw ay may mga sintomas ng preeclampsia pagkatapos mong magsilang.

Kapag naaapektuhan ng mga problema sa buhay ang iyong kalusugan

Maraming bagay sa iyong pang-araw-araw na buhay ang nakaaapekto sa iyong kalusugan. Kabilang dito ang transportasyon, mga problema sa pera, pabahay, access sa pagkain, at pag-aalaga ng anak. Kung hindi ka makakakuha ng mga medikal na appointment, maaaring hindi ka makatanggap ng pangangalaga na kailangan mo. Kapag kulang ang pera, maaaring mahirap na mabayaran ang mga gamot. At maaaring maging mahirap na bumili ng masustansyang pagkain ang pagtira na malayo sa isang grocery store.

Kung mayroon kang mga alalahanin sa alinman sa mga ito o iba pang larangan, makipag-usap sa iyong team ng tagapangalaga ng kalusugan. Maaaring may alam silang mga lokal na mapagkukunan upang tulungan ka. O maaaring mayroon silang tauhan na makatutulong sa iyo.

Online Medical Reviewer: Heather M Trevino BSN RNC
Online Medical Reviewer: Rajadurai Samnishanth
Online Medical Reviewer: Tennille Dozier RN BSN RDMS
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer