Pag-iimbak ng Pinalabas na Gatas ng Ina
Maaring mong ilabas ang iyong gatas at iimbak ito sa malilinis na lagayan. Maaar itong ipasuso sa sanggol ng iyong pamilya o tagapag-alaga. Sa ganitong paraan, makukuha ng iyong sanggol ang mga benepisyo ng iyong gatas kahit hindi mo kayang naroon sa oras ng pagpapasuso. Ang mga alituntunin sa ibaba ay batay sa mga alituntunin mula sa CDC at American Academy of Pediatrics (AAP).
Uri ng imbakan
|
Mga detalye tungkol sa imbakan
|
Mga oras ng pag-iimbak
|
Temperatura ng silid
|
-
Sa temperatura ng silid (hanggang 78°F o 26°C)
-
Tip: Panatilihing malinis, may takip, at malamig ang lalagyan.
|
Hanggang 4 na oras
|
Refrigerator
|
|
Hanggang 4 na araw
|
Freezer
|
-
Sa freezer (0°F o -17°C)
-
Tip: Iimbak ang gatas sa gawing likod ng freezer.
-
Huwag muling patigasin ang gatas pagkatapos itong tunawin. Kapag natunaw na ito, gamitin kaagad o ilagay sa refrigerator nang hindi tatagal sa 24 na oras.
|
Pinakamainam ang 6 na buwan; katanggap-tanggap ang hanggang 12 buwan kung iniimbak sa malalim na freezer sa -4°F (-20°C) o mas malamig
|
Mga alituntunin sa imbakan ng gatas
Laging gumamit ng malinis na lalagyan upang tipunin at iimbak ang gatas. Huwag kailangman ibuhos ang maligamgam na inilabas na gatas ng ina sa boteng may malamig na gatas. At siguraduhing lagyan ng label at petsa ang bawat bote o bag ng gatas. Upang ligtas na mag-imbak ng gatas, tingnan ang tsart sa itaas.

Pagpapainit ng iniimbak na gatas
Tunawin ang tumigas na gatas sa refrigerator o sa isang mangkok ng maligamgam na tubig. Mabuting idea na ipainit ang gatas mula sa refrigerator bago ito gamitin. Para sa kaligtasan ng iyong sanggol:
-
Unang gamitin ang pinakalumang gatas.
-
Magpainit ng isang lalagyan ng gatas sa pamamagitan ng paglalagay nito sa isang mangkok ng maligamgam (hindi mainit) na tubig sa loob ng ilang oras. O gumamit ng pampainit ng bote na naka-set sa mababa.
-
Dahan-dahang iikot ang gatas upang haluin ito. Pagkatapos, maglagay ng ilang patak sa iyong pulso. Dapat na malapit sa temperatura ng silid ang gatas.
-
Huwag ilagay ang gatas sa isang microwave. Maaari itong lumikha ng mga pocket ng mainit na likido na maaaring makapaso sa bibig ng iyong sanggol.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.