Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Ano Ang Pulmonya?

Ang pulmonya ay isang malubhang impeksiyon sa baga. Maaari itong makaapekto sa 1 o parehong baga. Maraming kaso ng pulmonya ay sanhi ng bakterya o virus. Maaari ding maging sanhi ng pulmonya ang fungi, ngunit ito ay hindi karaniwan.

Maaari kang magkaroon ng pulmonya matapos magkasakit, tulad ng sipon, trangkaso, o brongkitis. Kasama sa mga pinakamataas ang panganib na magkapulmonya ang mga sanggol, bata, mas nakatatanda, naninigarilyo, at mga taong may pangmatagalang (hindi gumagaling) mga problema sa kalusugan o mga mahinang immune system.

Mga sac ng bronchiole at alveolus na may pamumuo ng mucus (uhog) at pamamaga dahil sa pulmonya.

Malulusog na baga

  • Pumapasok at lumalabas ang hangin sa baga sa pamamagitan ng mga tubong tinatawag na mga daanan ng hangin.

  • Nagsasanga ang mga tubo sa maliliit na daanan na tinatawag na mga bronchiole. Ang dulo ng mga ito ay maliliit na sac na tinatawag na alveoli.

  • Dinadala ng mga daluyan ng dugo na nakapalibot sa alveoli ang oksiheno papunta sa dugo. Kasabay nito, inaalis ng alveoli ang carbon dioxide (isang patapon na gas) mula sa dugo. Pagkatapos ay ihinihinga palabas ang carbon dioxide.

Kapag mayroon kang pulmonya

  • Nagiging sanhi ang pulmonya na mapuno ng labis na uhog o nana ang mga bronchiole at alveoli at mamamaga.

  • Maaaring ang pag-ubo ang tugon ng iyong katawan. Maaari itong makatulong na mailabas ang likido.

  • Ang likidong (plema) iyong iniuubo ay maaaring kulay berde o matingkad na dilaw.

  • Maaari kang makaramdam ng pangangapos ng hininga dahil sa sobrang mucus.

  • Maaari kang lagnatin dahil sa pamamaga at impeksiyon.

Ano-ano ang mga sintomas?

Maaaring walang babala ang pagdating ng mga sintomas ng pulmonya. Sa umpisa, maaari mong isipin na mayroon kang sipon o trangkaso. Ngunit maaaring mabilis na lumala ang mga sintomas, na nagiging pulmonya. Maaaring magkakaiba ang mga sintomas para sa pulmonya na sanhi ng bakterya at ng virus. Puwedeng katamtaman o matindi ang mga ito. Maaaring kabilang sa mga karaniwang sintomas ang:

  • Matinding ubo na may berde o dilaw na mucus na hindi gumagaling, o lumalala

  • Lagnat at ginaw

  • Pagduduwal, pagsusuka o pagtatae

  • Pagkawala ng gana

  • Kakapusan ng hininga sa mga normal na pang-araw-araw na gawain

  • Bumilis na pintig ng puso

  • Pananakit ng dibdib o hirap kapag lumalanghap o umuubo

  • Pananakit ng ulo

  • Labis na pagpapawis at nanlalagkit na balat

  • Matinding pagkapagod (pagkahapo)

Online Medical Reviewer: Andrew D Schriber MD
Online Medical Reviewer: Jessica Gotwals RN BSN MPH
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Date Last Reviewed: 12/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer