Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pabago-bago ng Mood at Depresyon Pagkatapos ng Stroke

Pagkatapos ng stroke, ang pasiyente ay maaaring makaramdam ng bigla o grabeng emosyon. Ang kalungkutan at depresyon ay karaniwan. Ang mga pakiramdam na ito ay maaaring dahil sa pinsala sa utak. O ito ay maaaring pagtugon ng kamalayan ng tao sa mga kaganapan.

Pagkaya sa Pabago-bago ng Mood

Babaeng umiiyak

Isang karaniwang epekto ng stroke ay lability. Hindi masyadong makontrol ng mga tao ang kanilang mga emosyon sa problemang ito. Ang lability ay maaaring biglang magsanhi ng pagbabago ng mood na walang kaugnayan sa kasalukuyang kaganapan. Ang pasyente ay maaaring bilang umiyak o tumawa.

Ikaw ay Makakatulong

  • Manatiling kalmado. Tanggapin ang inasal at ituloy kung anuman ang iyong ginagawa.

  • Kung ang pasyente ay humingi ng tawad, kilalanin na ang inasal ay resulta ng stroke.

  • Huwag batikusin.

Pagharap sa Depresyon

Ang isang tao ay maaaring makaramdam ng lungkot pagkatapos ng stroke. Ito ay maaaring dahil sa pinsala sa utak. Ang mga pagbabago sa imahen ng katawan at pagluluksa sa mga nawalang kakayahan, gaya ng pagsasalita o kalayaan sa paggalaw, ay maaari ring magsanhi ng depresyon.

Ikaw ay Makakatulong

  • Itanong sa doktor kung ang medikasyon ay makakatulong na mabawasan ang depresyon. Maaaring kailanganin mong ipatingin ang tao sa isang saykayatrista o sikologo kung siya ay may matinding depresyon.

  • Panatilihing aktibo ang tao. Maglaro ng games, manood ng TV, o magkasamang makinig ng musika.

  • Anyayahan ang mga kaibigan na bumisita kung pumapayag ang tao na makita sila.

  • Huwag isantabi ang depresyon sa pamamagitan ng pagsasabi sa pasyente na "magsaya ka."

Online Medical Reviewer: Foster, Sara, RN, MPH
Online Medical Reviewer: Gandelman, Glenn, MD, MPH
Online Medical Reviewer: Image reviewed by StayWell art team.
Date Last Reviewed: 8/1/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer