Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Ano Ang Barrett Esophagus?

Balangkas ng babae na ipinakikita ang bibig, lalaugan, at sikmura. Ipinakikita ng mga arrow ang asido sa sikmura na dumadaloy pataas lalaugan na nakakairita sa likod ng lalamunan.

Mayroon kang Barrett esophagus. Nangangahulugan ito na nagkaroon ng mga pagbabago sa dingding ng esophagus na malapit sa sikmura. Maaaring naidulot ang mga pagbabago ng pagbalik sa esophagus ng asido mula sa sikmura (acid reflux) na nangyayari dahil sa GERD (gastroesophageal reflux disease). Ang nagbagong lining ay hindi nakakakanser. Ngunit maaari nitong palakihin ang tsansa mong magkaroon ng kanser sa ibang pagkakataon. 

Kapag mayroon kang GERD

Ang esophagus ay ang tubo na nagdadala ng pagkain at likido mula sa bibig patungo sa sikmura. Ang iyong lower esophageal sphincter (LES) ay iisang daanang balbula sa itaas ng sikmura. Pinipigilan nitong dumaloy pabalik ang pagkain at asido sa sikmura. Kung humina ang LES, dadaloy pabalik (reflux) ang pagkain at asido sa sikmura patungo sa iyong esophagus. Kung nangyayari ito nang madalas, ang kondisyon ay tinatawag na GERD.

Mga pagbabago sa lining

Napapanatiling ligtas ang sikmura mula sa sarili nitong asido ng isang espesyal na lining. Hindi dapat madikit ang esophagus sa asido ng sikmura. Ngunit ang kaunting pagbalik ng asido ay normal at nangyayari sa maraming tao. Dahil sa GERD, madalas na dumadaloy pabalik ang asido sa esophagus. Sinisira nito ang esophagus. Bilang tugon sa pagkasira, nabubuo ang bagong tissue na hindi normal. Ito ang Barrett esophagus. Maaaring patuloy na magbago ang bagong tisyu. Ito ang dahilan kung bakit mas malamang na maging kanser ito sa hinaharap.

Pagpigil sa karagdagang pinsala

Maaaring magmungkahi ang tagapangalaga ng iyong kalusugan ng mga regular na pagsusuri upang masubaybayan ang mga pagbabago sa esophagus. Kadalasang kabilang dito ang endoscopy, kapag ang isang may ilaw na scope ay inilagay sa bibig patungo sa esophagus. Maaaring kumuha ng mga sampol ng tisyu (mga biopsy) sa mga abnormal na bahagi. Kadalasang ikaw ay papakalmahin gamit ang isang IV (intrevenous) na gamot para sa iyong kaginhawahan. Maaari ding magmungkahi ng mga paraan ang tagapangalaga ng iyong kalusugan upang makontrol mo ang GERD. Kabilang dito ang mga pagbabago sa pamumuhay gaya ng pagtigil sa paninigarilyo at pananatili sa isang malusog na timbang. Maaari ding imungkahi ang gamot o maging ang operasyon. Maaari itong makatulong na maiwasan ang paglala ng iyong Barrett esophagus. Kung lumala ito, kadalasang mas marami pang paggamot ang isinasagawa sa panahon ng endoscopy.

Mga sintomas ng GERD

Kabilang sa mga sintomas ang:

  • Pangangasim ng sikmura

  • Pagbalik sa iyong bibig ng likidong maasim ang lasa

  • Madalas na pagdighay o pagsuka

  • Mga sintomas na lumalala pagkatapos mong kumain, yumuko, o humiga

  • Paulit-ulit na pag-ubo upang linisin ang iyong lalamunan

  • Pamamaos

  • Hirap sa paglunok

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer