Ano ang Kanser sa Baga?
Mayroong 2 pangunahing uri ng kanser sa baga:
Hindi maliit na selula ng kanser sa baga
Karamihang tao na may kanser sa baga ay may uri na tinatawag na hindi maliit na selula ng kanser sa baga (NSCLC). May ilang iba't ibang uri ng hindi maliit na selula ng kanser sa baga. Kabilang dito ang squamous cell carcinoma, adenocarcinoma, at large cell carcinoma. Bagama't ang bawat isa sa mga pangalawang uri na ito ay nagsisimula sa naiibang uri ng selula sa baga, nakagrupong nang magkakasama ang mga ito. Lahat ng ito ay may maraming magkakaparehong opsyon ng paggamot at pagbabala (prognosis).
Maliit na selula ng kanser sa baga
Ang maliit na selula ng kanser sa baga (SCLC) ay higit na hindi gaanong karaniwan kaysa sa hindi maliit na selula ng kanser sa baga. Ang SCLC ay tinatawag kung minsan na oat cell cancer. (Ito ay dahil ang mga selula ay may hugis na tulad ng mga oat kapag tiningnan sa mikroskopyo.) Ang uring ito ng kanser sa baga ay may tendensiya na lumaki at kumalat nang mas mabilis kaysa sa hindi maliit na selula ng kanser.
 |
Maaaring kumalat ang kanser sa baga sa kabilang baga, sa atay, utak, o mga buto. |
Paano kumakalat ang kanser
Hindi palaging nananatili sa isang lugar ang mga selula ng kanser. Maaaring humiwalay ang mga selula ng kanser mula sa lugar kung saan sila unang nagsimula. Maaaring mapunta ang mga ito sa daloy ng dugo o lymph system at kumalat sa ibang bahagi ng katawan. Ang lymph system ay isang network ng mga node at daluyan na tumutulong sa iyong katawan na labanan ang sakit. Pumupunta ito sa iyong buong katawan, gaya ng ginagawa ng iyong mga daluyan ng dugo.
Kapag kumalat ang kanser, tinatawag ang proseso na metastasis. Ang kanser sa baga na kumalat (nag-metastasize) ay kadalasang pumupunta sa kabilang baga o sa atay, utak, o mga buto. Ang mga selula ng kanser sa iba pang mga bahaging ito ng katawan ay katulad ang itsura, kumikilos, at ginagamot tulad ng kanser sa baga. Hindi mga bagong kanser ang mga ito. Halimbawa, kapag kumalat ang kanser sa baga sa utak, tinatawag itong kumalat na kanser sa baga sa utak o kanser sa baga na may pagkalat sa utak. Hindi ito kanser sa utak.
Paano nakaaapekto ang mga pang-araw-araw na problema sa iyong kalusugan
Maraming bagay sa iyong pang-araw-araw na buhay ang nakaaapekto sa iyong kalusugan. Kabilang dito ang transportasyon, mga problema sa pera, pabahay, access sa pagkain, at pag-aalaga ng anak. Kung hindi ka makakakuha ng mga medical na appointment, maaaring hindi ka makatanggap ng pangangalaga na kailangan mo. Kapag kulang ang pera, maaaring mahirap na mabayaran ang mga gamot. At maaaring maging mahirap na bumili ng masustansyang pagkain ang pagtira na malayo sa isang grocery store.
Kung mayroon kang mga alalahanin sa alinman sa mga ito o iba pang larangan, makipag-usap sa iyong team ng tagapangalaga ng kalusugan. Maaaring may alam silang mga lokal na mapagkukunan upang tulungan ka. O maaaring mayroon silang tauhan na makatutulong sa iyo.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.