Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Ano ang Arthritis sa Paa?

Ang degenerative arthritis ay isang kondisyon na unti-unting pumupudpod sa mga kasukasuan. Ito ang mga bahagi kung saan nagtatagpo at gumagalaw ang mga buto. Sa una, maaari mong mapansin na parang naninigas ang mga apektadong kasukasuan. Maaari din itong sumakit. Habang nasisira ang lining ng kasukasuan (cartilage), nagkikiskisan ang mga buto, na nagdudulot ng kirot at pamamaga. Sa paglipas ng panahon, nabubuo ang maliliit na piraso ng magaspang o nadurog na buto (mga bone spur), at nagiging limitado ang lawak ng paggalaw ng kasukasuan. Pero hindi dapat magdulot ng kirot ang paggalaw. Kadalasan, maaaring mapaginhawa ang kirot mula sa arthritis sa medikal na pangangalaga. Kung kinakailangan, maaaring gawin ang pag-opera.

Ang kasukasuan ng malaking daliri ng paa

Kapag naapektuhan ng arthritis ang iyong malaking daliri ng paa, sasakit ang iyong paa kapag tumutuon nito sa lupa. Kadalasang lumilitaw ang arthritis sa kasukasuan ng malaking daliri ng paa kasama ang mabutong bukol sa gilid ng kasukasuan (bunion) o isang bone spur sa ibabaw ng kasukasuan.

Mula sa tuktok na tanaw ng paa na nagpapakita ng arthritis sa kasukasuan ng malaking daliri ng paa.

Iba pang kasukasuan

Kapag naaapektuhan ng arthritis ang mga kasukasuan sa likod o gitna ng paa, makakaramdam ka ng kirot kapag nilagyan mo ng bigat ang iyong paa. Maaaring makaapekto ang arthritis sa kasukasuan kung saan nagtatagpo ang bukung-bukong at paa. Maaari din itong makaapekto sa iba pang kalapit na kasukasuan.

Online Medical Reviewer: Diane Horowitz MD
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Date Last Reviewed: 10/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer