Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Ang Paggamot sa Arthritis sa Paa

BIG: Kung ang iyong mga sintomas ay hindi malubha, ang mga gamot ay maaaring sapat na upang bawasan ang pananakit at pamamaga. Para sa malulubhang kaso ng arthritis, maaaring kailanganin ng operasyon upang mapabuti ang kondisyon ng kasukasuan.

Tagapangalaga ng kalusugan na sinusuri ang paa ng babae.

Ang Mga Gamot

Ang iyong doktor ay maaaring magreseta ng gamot—mga tableta o ineksyon—upang bawasan ang pananakit at pamamaga. Ang yelo, aspirin o ibuprofen ay maaaring makatulong na paginhawahin ang hindi malubhang sintomas na nangyayari matapos ang isang aktibidad.

Operasyon

Upang makatulong sa paggalaw at mabawasan ang pananakit, ang iyong doktor ay maaaring magbawas ng napinsalang buto. Kung ang arthritis ay malubha, ang kasukasuan ay maaaring pagsanibin o tanggalin.

Ang Pagbabawas ng Buto

Kung ang buto ay hindi malubhang napinsala, ang iyong doktor ay maaaring tanggalin lamang ang mga bone spurs. Ang anumang pagtubo ng buto na may kaugnayan sa bunion ay maaari ring tanggalin.

Ang Pagsasanib ng mga Kasukasuan

Kung ang pinsala ay mas malubha, maaaring pagsanibin ng iyong doktor ang kasukasuan upang maiwasan ang pagkikiskisan ng mga buto. Pagkatapos, ang mga buto ay maaaring panatilihin sa lugar ng mga staples o turnilyo upang sila ay gumaling ng maayos. Sa ilang mga pagkakataon, ang kasukasuan ay maaaring tanggalin at palitan ng isang implant.

Matapos ang Operasyon

Sa mga maagang yugto ng pagpapagaling, ang iyong paa ay malamang na nakabenda at hindi maigagalaw pansamantala. Para sa pinakamainam na resulta, mag follow-up sa iyong doktor ayon sa iskedyul. Ang mga pagbisitang ito ay nakakatulong na makasigurado na ang iyong paa ay gumagaling na maayos.

Sa Iyong Paggaling

Pagkatapos ng operasyon, ikaw ay sasabihan kung paano pangalagaan ang iyong hiwa at kung gaano kaaga ka makakapagsimulang maglakad gamit ang iyong paa. Hanggang ang paa ay makayanan na ang timbang, ikaw ay maaaring mangailangan na maglakad ng nakasaklay o tungkod.

Para sa operasyon sa malaking daliri ng paa, ang iyong talampakan ay maaaring lagyan ng splint upang malimitahan ang paggalaw ng ilang linggo. Sa kabila nito, ikaw ay dapat na makalakad ng maaga matapos ang operasyon.

Para sa operasyon sa mga kasukasuan sa likuran o gitna ng paa, ikaw ay maaaring mangailangan na magsuot ng cast o surgical na sapatos. Ang mga kasukasuang ito ay malaki, kaya ang kabuuang paggaling ay maaaring umabot ng ilang buwan. Kapag ang buto ay gumaling na, ang mga staples o turnilyo ay maaaring tanggalin.

Online Medical Reviewer: Diane Horowitz MD
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Date Last Reviewed: 10/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer