Paggaling mula sa Hysterectomy
Ang paggaling ay tumatagal. Ang haba ng panahon ay depende sa iyong kalusugan at sa uri ng iyong surgery. Sa panahong iyon, malaki ang magagawa mo upang matiyak na manunumbalik ang iyong kalusugan at enerhiya.
Magugulat ka sa bilis ng udyok sa iyo upang tumayo at maglakad. Ang paglalakad ay nagpapababa ng panganib ng pamumuo ng dugo at mga problema sa paghinga.
Ano ang Maaasahan Pagkatapos ng Surgery
Sa mga unang araw pagkatapos ng surgery, narito ang maaari mong asahan:
-
Ang hiwa sa tiyan ay maaaring sarado ng stitches o staples. Ito ay nakabalot sa gauze.
-
Ang pananakit ay maiibsan ng medikasyon na inireseta ng iyong doktor.
-
Ang pag-ihi ay maaaring sa pamamagitan ng tubo (catheter). Ito ay inilalagay sa iyong pantog sa panahon ng surgery. Sa karamihang kaso, ito ay tinatanggal 1–2 araw pagkatapos ng surgery.
-
Malamang na magkaroon ng pagdurugo sa puwerta. Kakailanganin mong gumamit ng mga sanitary pad. Huwag gumamit ng mga tampon.
-
Ang pagkain ay maaaring limitado sa liquid hanggang ang iyong pagdumi ay bumalik sa normal.
-
Ang iyong baga ay dapat manatiling walang sobrang fluid. Ito ay upang maiwasan ang mga problema tulad ng pulmonya. Ipapakita sa iyo kung paano linisin ang iyong baga.
Pisikal na Pag-iingat sa Iyong Sarili
Upang tulungan ang iyong katawan na gumaling, sundin ang mga tip na ito:
-
Mag-shower sa halip na magbabad.
-
Huwag gumamit ng mga tampon o douche. Ang mga ito ay maaaring magsanhi ng impeksiyon sa puwerta.
-
Huwag makipagtalik hanggang sa imungkahi ito ng iyong doktor.
-
Upang maiwasan ang hindi pagdumi, kumain ng mga prutas, gulat, at mga whole-grain na pagkain. Uminom ng hindi bababa sa 8 baso ng fluid kada araw.
-
Dahan-dahan dagdagan ang aktibidad. Iwasan ang mga gawain o paggalaw na pupuwersa sa iyong hiwa, tulad ng pagbubuhat o pagyuko.
-
Sabihin sa iyong pamilya at mga kaibigan kung paano ka nila matutulungan.
Emosyonal na Pag-iingat sa Iyong Sarili
Ang pagkakaroon ng hysterectomy ay makakaapekto sa iyong emosyon. Ikaw ay giginhawa kung wala ka ng sintomas. Subalit pakiramdam mo ay “lubog” ka sa mga pagbabago sa iyong katawan. Maaari ka ring magkaroon ng mga mabilis na pagbabago ng mood kung natanggal ang iyong mga obaryo at hindi ka pa menopos. Upang bumuti ang pakiramdam, uminom ng medikasyon na inireseta ng iyong doktor. At tiyakin na sabihin sa iyong doktor kung ano ang iyong pakiramdam.
Online Medical Reviewer:
Freeborn, Donna, PhD, CNM, FNP
Online Medical Reviewer:
Image reviewed by StayWell art team.
Date Last Reviewed:
8/1/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.