Ehersisyo: Bakit Mahalaga ang Lakas ng Katawan
Nagdudulot ng maraming benepisyo ang panghabambuhay na lakas ng katawan. Magagawa ng lakas ng katawan na:
-
Bawasan ang iyong panganib sa mga problema sa kalusugan, tulad ng sakit sa puso, mataas na presyon ng dugo, diabetes, at ilang uri ng kanser
-
Kontrolin ang iyong timbang
-
Tulungan kang matulog nang mas mahimbing
-
Iwasan o pagaanin ang stress at depresyon
-
Palakasin ang iyong enerhiya
Kailangan mong ipagpatuloy ang pag-eehersisyo upang mapanatiili ang mga benepisyong ito. Pangunahing layunin mo ang gawing panghabambuhay na pangako ang kalakasan ng katawan. Narito ang ilang payo:
-
Bumuo ng isang planong pangkalakasan ng katawan na maaari mong panindigan.
-
Pumili ng mga aktibidad na gusto mo.
-
Magdahan-dahan, lalo na kapag nagsisimula pa lamang.
-
Mag-ehersisyo nang 30 minutong aktibo sa karamihang araw.
Katamtaman at matinding pisikal na gawain

Sikaping abutin ang kabuuang 150 minuto o higit pa sa loob ng isang linggo ng katamtamang tindi ng aerobic na pisikal na gawain. O subukan sa loob ng 75 minuto o higit pa ang matinding aerobic na gawain sa isang linggo. O gumawa ng katumbas na pinagsama ang dalawang nabanggit.
-
Katamtamang tindi na aktibidad. Ibig sabihin nito na tumitibok nang mabilis ang iyong puso. At maaari kang magsalita habang nag-eehersisyo ka. Ang mga halimbawa ay ang pagsasayaw, paghahalaman, at paglalakad nang mabilis.
-
Matinding aktibidad. Ibig sabihin nito na tumitibok nang mabilis ang iyong puso. At mahirap magsalita ng mga buong pangungusap habang nag-eehersisyo ka. Maaaring kasama sa mga halimbawa ang pagtakbo, mga lap ng paglangoy, pag-akyat sa burol.
Subukang ikalat ang iyong aktibidad sa buong linggo. At, 2 araw sa isang linggo, gawin ang mga aktibidad sa pagpapalakas ng kalamnan. Gawin ito nang katamtaman o mas matindi.
Ilang benepisyo ng malakas na katawan
Ang mga taong malakas ang katawan:
-
Ay mas alerto at produktibo
-
May mas maraming enerhiya, parehong pisikal at mental
-
Mas mahusay na kinokontrol ang stress
-
Mas mahimbing matulog
-
Mayroong mas mahusay na pangkalahatang kalusugan
-
Ay hindi gaanong malamang na mapinsala
Suriin muna ang iyong kalusugan
Magandang ideya na makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago magsimula ng bagong programa ng ehersisyo. Mahalaga ito lalo na kung oo ang sagot mo sa alinman sa mga tanong na nasa ibaba:
-
Mayroon ka bang di-gumagaling na problema sa kalusugan? Ang mga halimbawa ay ang sakit sa puso, diabetes, at osteoarthritis.
-
Nagkaroon ka na ba ng mga pananakit ng dibdib?
-
Nakaramdam ka na ba ng pagkawala ng malay o nagkaroon ng mga sandaling nahihilo?
-
Nasabi na ba ng isang tagapangalaga na napakataas ng presyon ng iyong dugo?
-
Mayroon ka bang pananakit ng alinmang kasukasuan?
-
Umiinom ka ba ng anumang inireresetang gamot?
Mababawasan ba ang aking timbang?
Marami sa atin ang gustong magbawas o magdagdag ng ilang pound. Makakatulong ang pagiging mas aktibo sa bawat araw at ang pagpapalaki ng kalamnan. Narito kung paano:
-
Nasusunog ang mga calorie sa isang gawain. Nasusunog mo ang halos dalawang beses na dami ng calories sa paglakad lang nang mabagal kaysa sa nagagawa mo sa iyong pag-upo.
-
Mas maraming calories ang sinusunog ng kalamnan kaysa taba. Kung mas maraming kalamnan ang napalalaki mo, mas maraming calories ang nasusunog mo.
-
Gagamit ka ng mas maraming calories kahit na hindi ka aktibo kung magdaragdag ka ng mas maraming kalamnan.
-
Tumutulong sa iyo ang mga gawain na mapanatili ang mas maraming kalamnan habang tumatanda ka. Nangangahulugan ang mas maraming kalamnan na mas madaling kontrolin ang iyong timbang.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.