Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagharap sa Stress sa Pamamagitan ng Malusog na Pamumuhay

Ang pagharap sa stress ay mas mabilis kung aalagaan mo ang iyong sarili. Magkaroon ng oras para sa pamamahinga at libangan. Kumain ng malulusog na pagkain. Lumakad paminsan-minsan. At huwag kalimutang parangalan ang sarili. Ang kaunting pagiging walang ginagawa ay malaki ang magagawa.

Magkaroon ng sapat na pahinga

Kapag hindi sapat ang iyong tulog, magiging masyado kang pagod upang kayanin ang stress. At, ang stress ay makakapigil upang makatulog ka nang mahimbing o pananatilihin ka nitong gising. Kung mangyari ito sa iyo, subukang magbasa o makinig sa nakagiginhawang musika bago ka matulog.

Malapitang tanaw ng babaing natutulog sa higaan.

Magkaroon ng oras para sa sarili

Sa panahon ngayon, kalimitan na mas marami ang dapat gawin sa loob ng napakaikling panahon. Maaaring mahirap magkaroon ng oras para sa sarili. Subalit subukang gamitin ang ilang minuto kada araw na gawin ang nais mo. Ito ay makakabuti sa kalidad ng iyong buhay at sa iyong mental na pananaw. At, mas magiging makabuluhan ka sa pangangasiwa ng pang-araw-araw mong gampanin. At mas magiging mabuti ang iyong kasipan sa pagkaya sa stress.

Kumain nang tama

Mabilis harapin ang stress sa pagkain ng chichirya o pag-inom ng kape. Ito ay maaaring magbigay ng mabilis na kalakasan subalit maaaring umubos ng iyong enerhiya mamaya. Upang panatilihing matatag ang antas ng iyong enerhiya, manatiling hydrated at kumain ng masusustansyang pagkain at meryenda sa tahanan at sa trabaho. Subukan na huwag malaktawan ang pagkain. Panatilihin ang diyetang mababa sa taba na mayaman sa mga buong butil at sariwang prutas at gulay.

Palusugin ang iyong espiritu

Kapag nakakapagod ang buhay, mabilis mong makalimutan kung ano ang iyong mga pinahahalagahan at layunin. Upang maiwasan itong mangyari, alamin kung ano ang pinakamahalaga sa iyong buhay. Itanong sa sarili, "Ano ang pinakahahanap-hanapin ko kung magsimula ako ng panibagong-buhay sa ibang lugar? Ang aking trabaho? Aking pamilya o mga kaibigan? Bagay na gustung-gusto kong gawin?" Pagkatapos ay ituon ang pag-akap sa mga pinahahalagahan mo at kung ano ang nais mong matupad sa iyong buhay.

Manatili sa pagkilos

Ang ehersisyo ay tumutulong na maalis ang negatibong enerhiya ng stress. Ang paggawa ng aktibong bagay na nais mo ay makakatulong na maalis ka sa mga sitwasyong nakaka-stress. Subukang lumakad, mag-jog, mag-skate, lumangoy, sumayaw, kumuha ng fitness class, o maglaro ng team sport sa karamihang araw. O, sanayin ang yoga o tai chi, na makakatulong upang makapagpahinga ka. Makatutulong na mabawasan ang stress maging ang pagsisimula ng 10 aktibong minuto kada araw.

Maaaring nakalista sa ibaba ang ilang bagay na nais mong gawin. Kung hindi mo pa nagawa, subukan ang ilan sa mga ito. Pagkatapos ay dagdagan mo ito.

  • Lumabas at manood ng sine.

  • Maglaan ng oras sa kalikasan. Maglakad sa isang parke o gubat.

  • Makipagtanghalian kasama ng isang kaibigan.

  • Matuto ng isang bagong kasanaya, sport, o laro.

  • Magplano ng isang masayang paglalakbay.

  • Pumasok sa klase upang matutunan ang bagay na dati mo nang gustong matutunan.

  • Subukan ang isang bagong libangan.

Online Medical Reviewer: L Renee Watson MSN RN
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Paul Ballas MD
Date Last Reviewed: 2/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer