Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagpapasuso: Pangangalaga sa Iyong Sarili

Kapag may bago kang maliit na sanggol sa iyong buhay, madaling kalimutan ang iyong sarili. May mga bagong hinihingi sa iyong oras. May mga bago ring responsibilidad. Ngunit mahalagang pangalagaan ang iyong sarili. Matutulungan ka nito na mas alagaan ang iyong bagong sanggol.

Batang ina na naglalakad sa parke na may karwahe para sa sanggol.

Malulusog na gawi

Narito ang ilang malulusog na payo:

  • Bigyan ang iyong katawan ng masustansyang pagkain, uminom ng maraming tubig, at magkaroon ng sapat na pahinga.

  • Mag-ehersisyo kapag magagawa mo. Kung tumagas ang iyong gatas, makakatulong na magpasuso bago ang aktibidad.

  • Huwag manigarilyo. Hindi malusog para sa iyo ang paninigarilyo at maaaring maging sanhi na kaunting gatas ang magawa mo. Mapanganib din sa iyong sanggol ang usok mula sa ibang tao.

  • Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa alak, kung pipiliin mong uminom.

  • Kapag maysakit ka, sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan na nagpapasuso ka. Naaapektuhan ng ilang gamot at mga sakit ang pagpapasuso, ngunit mahalagang suriin ito.

  • Magtanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago inumin ang anumang inireresetang gamot o mga gamot, halamang-gamot o suplemento na nabibili nang walang reseta.

Kumportableng mga damit

Kabilang sa mga mungkahi para maging kumportable kapag nagpapasuso ang:

  • Paghahanap ng kumportableng nursing bra. Maraming tao ang hindi kumportable sa underwire. Nag-aalok ang ilang tindahan ng pagsusukat sa loob ng tindahan. Magtanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o nars para sa referral.

  • Kung mayroon kang tumatagas na gatas, maglagay ng breast pad sa loob ng iyong bra.

  • Pumili ng bra na labis na sumusuporta para sa ehersisyo. O maaari kang magsuot ng 2 bra nang magkasabay para mas maraming suporta.

  • Magsuot ng maluluwag na pang-itaas na damit na maaaring iangat para sa pagpapasuso. Maaari ka ring bumili ng mga damit na espesyal na ginawa para sa mga taong nagpapasuso.

Paalala tungkol sa pakikipagtalik

Pagkatapos manganak, maaaring matagalan bago bumalik ang iyong interes sa pakikipagtalik. Ibahagi ang iyong mga nararamdaman sa iyong asawa. Ipapaalam sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan kapag ligtas nang ipagpatuloy ang pakikipagtalik. Kapag handa ka na, alamin na:

  • May ilang uri ng pagkontrol sa pagbubuntis na maaaring gamitin habang nagpapasuso. Magtanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung ano ang dapat gamitin para maiwasang mabuntis habang nagpapasuso ka.

  • Maaaring maging sanhi ng pagkatuyo ng puwerta ang mga hormone ng pagpapasuso. Natutuklasan ng ilang tao na ang paggamit ng water-based na pampadulas ay ginagawang mas komportable ang pakikipagtalik.

  • Maaaring tumagas ang gatas kapag ikaw ay napupukaw. Maaaring makatulong dito ang paglalapat ng presyon sa utong o paggamit ng mga breast pad o tuwalya.

Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung:

  • Pakiramdam mo na naguguluhan ka at hindi alam kung kanino hihingi ng tulong.

  • Napakalungkot ng iyong pakiramdam o ayaw mo makasama ang iyong sanggol.

  • Pakiramdam mo na umiiyak sa lahat ng oras ang iyong anak at hindi mapatahan.

  • Hindi mo kayang mag-ehersisyo, o makipagtalik, nang hindi nahihirapan.

  • Hindi ka sigurado tungkol sa isang gamot, sakit, o gawain at mga epekto nito sa pagpapasuso.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer