Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagdaramdam ng Panganganak at Pagsilang ng sanggol: Karaka-raka pagkatapos ng Panganganak

Pagkatapos ng anumang uri ng pangangak, susubaybayan nang mabuti ng tagapangalaga ng iyong kalusugan ang iyong paggaling. Maaaring magawa mong batiin ang iyong sanggol at magsimula ng bagong buhay na magkasama. Habang ikaw ay inaasikaso, tinatanggap ng iyong sanggol ang kanyang unang pagsusuri.

Hawak ng mag-asawa ang kanilang bagong panganak na sanggol.

Pagsisimula ng inyong buhay na magkasama

Agad na nagsisimula ang pagkagiliw, o pagbubuklod, pagkatapos ng pagsilang. Isa itong nagpapatuloy na proseso na maaaring tumagal nang mga linggo o buwan. Magkaroon ng kamalayan na hindi ka maaaring agad na mahulog ang loob sa iyong sanggol. Karamihan sa mga bagong panganak na sanggol ay hindi mabibilog na sanggol katulad ng nakikita mo sa TV. Ang mga buwan na ginugol sa iyong matris at ang oras sa puwerta ay maaaring magdulot ng hitsurang kulubot at namumugtong mata ng iyong bagong panganak na sanggol. Karaniwan din ang bahagyang patilos o hindi magandang hubog na ulo. Mawawala rin ang mga ito pagkatapos ng ilang araw. Pagkatapos ng pagsilang, maaaring ilagay ang iyong sanggol sa iyong tiyan o suso. Ito ang maghuhudyat sa iyong katawan upang simulan ang paggawa ng gatas. Kung pinili mong hindi magpasuso, tuturuan ka ng tagapangalaga ng iyong kalusugan kung paano ihinto ang produksyon ng gatas Kung ikaw ay magpapasuso, maaaring makatulong sa iyo ang tagapangalaga ng iyong kalusugan o nurse na ilapit ang iyong sanggol sa iyong dibdib at simulan ang pagpapasuso. Karaniwang napakaalerto ng mga bagong panganak na sanggol pagkatapos ng pagsilang. Handa rin silang simulan ang pagsuso. Magpapasuso ka man o hindi sa iyong sanggol, malamang na maidaiti ang iyong sanggol sa iyong dibdib. Hinahayaan nito ang iyong katawan na tulungan kontrolin ang temperatura ng iyong sanggol. Maaari din nitong simulan ang proseso ng pagbuklod.

Ang iyong agarang paggaling

Pagkatapos ng panganganak, nangangatog at nanginginig ang karamihan sa kababaihan. Mabilis naman itong lilipas. Babantayan ng tagapangalaga ng iyong kalusugan ang iyong temperatura at presyon ng dugo hanggang sa maging normal ang mga ito. Sinisipsip ng mga sanitary pad ang lumalabas sa iyong uterine lining. Upang masiguro na hindi ka dinudugo nang labis, susuriin ang pad at ang katatagan ng iyong matris. Kung mayroon kang pampamanhid, babantayan ka nang mabuti ng tagapangalaga ng iyong kalusugan hanggang sa makadama ka at maigalaw mo ang mga daliri sa paa. Kung mayroon kang nararamdamang makirot, maaari ka niyang bigyan ng mga pamawi ng kirot. Kung mayroon kang pananakit sa perineal, maaaring makatulong ang pakete ng yelo.

Ang unang pagsusuri ng sanggol

Susuriin ng tagapangalaga ng kalusugan ang sanggol sa loob ng mga unang 5 minuto pagkatapos ng pagsilang, o pagkatapos mong magkaroon ng pagkakataon na pasusuhin ang iyong sanggol. Sinusuri ang tibok ng puso ng sanggol, respiration (paghinga), ang kondisyon ng kalamnan, reflexes, at kulay. Batay sa pagsususri, ibinibigay ang iskor na APGAR (activity o aktibidad, pulso, pagngiwi, hitsura, paghinga). Maaari ding paliguan, tuyuin, timbangin, at sukatin ang iyong sanggol. Maaaring ibigay ang mga pamatak sa mata upang maiwasan ang impeksiyon. Inilalagay ang ID bracelet sa paligid ng pulso at ng bukung-bukong ng sanggol.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer