Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-unawa sa Acute Rhinosinusitis

Nangyayari ang acute rhinosinusitis kapag naiirita at namamaga ang pinakadingding sa loob ng ilong at ang mga sinus. Tinatawag din itong sinusitis, o impeksyon sa sinus.

Ang mga sinus ay mga espasyong puno ng hangin sa bungo sa may mukha. Tumutulong ang mga ito na salain ang mga pollutant, mikroorganismo, alikabok, at iba pang nagdudulot ng iritasyon. May 4 na pares ng sinus cavity ang matatanda. Pinananatili itong mamasa-masa at malinis ng lining ng mucosa. Ang mga bagay na gaya ng pollen, usok, at mga singaw ng kemikal ay puwedeng magpairita ng mucosa. Pagkatapos puwede itong mamaga. Bilang tugon sa iritasyon, gagawa ang mucosa ng higit pang musus at iba pang mga likido. Tinatakpan ng maliliit at parang buhok na cilia ang mucosa. Tumutulong ang cilia sa pagdadala ng mucus sa bukana ng sinus. Puwedeng pahintuin ng masyadong maraming mucus ang paggana ng cilia. Nahaharangan nito ang bukana ng sinus. Pagkatapo ang naiipong likido sa mga sinus ay magdudulot ng pananakit at presyon.

Maaaring ma-trap ang bakterya sa likidong ito na humahantong sa impeksiyon.

Harap na larawan ng mga sinus na ipinapakita ang mapula at namamagang lining at mucus.

Ano ang nakapagdudulot ng rhinosinusitis?

Maaaring magresulta ang rhinosinusitis mula sa mga impeksiyon ng virus, bakterya, o fungus. Ang virus ang pinakakaraniwang dahilan. Mas malamang na magkaroon ka ng impeksiyon pagkatapos mong magkaroon ng sipon o trangkaso. Sa ilang kaso, puwedeng sanhi ng bakterya ang impeksyon sa sinus. Bagama't bihira, maaari ding sanhi ang mga impeksiyon ng fungus, lalo na sa mga taong may mahihinang immune system.

Nasa mas mataas na panganib kang magkaimpeksyon sa sinus kung ikaw ay:

  • Mas matanda

  • May mga istruktural na problema sa iyong mga sinus gaya ng

    • Mga polyp sa ilong na mga pagtubo sa lining ng ilong o mga sinus,

    • Isang deviated septum- kapag ang buto at kartilago na naghihiwalay sa 2 daanan ng ilong ay baluktot,

    • Isang nasal bone spur, o pagtubo

    • Ang pagkitid ng mga bukana ng sinus

  • Naninigarilyo o nalantad sa usok ng sigarilyo ng iba

  • Nalantad sa mga pagbabago sa pressure, gaya ng mula sa pagbiyahe sa himpapawid nang madalas o pagsisid sa malalim na dagat

  • May hika o mga pana-panahong allergy

  • Mayroong mahinang immune system o gumagamit ng mga gamot na pinipigilan ang sintomas ng iyong immune

  • May sakit sa ngipin

  • Regular na nakalantad sa polusyon sa hangin

Mga sintomas ng acute rhinosinusitis

Kadalasang tumatagal ang sintomas ng acute rhinosinusitis ng 7 hanggang 10 araw. Kung may impeksyon ka ng bakterya, mas malamang na magtagal ito. Posible ring bumuti ito pero pagkatapos ay mamamaga. Maaaring mayroon kang:

  • Tumutulong sipon o baradong ilong

  • Pananakit sa mukha o presyon sa ilalim ng mga mata at sa palibot ng ilong

  • Pananakit ng ulo

  • Tumutulong likido sa lalamunan (postnasal drip)

  • Baradong ilong

  • Tumatagas sa ilong na malapot at may kulay (kadalasang berde), sa halip na malinaw

  • Ubo

  • Mga problema sa iyong pang-amoy

  • Pananakit ng tainga o mga problema sa pandinig

  • Lagnat

  • Pananakit ng ngipin

  • Pagkahapo

  • Mabahong hininga

Pag-diagnose ng acute rhinosinusitis

Tatanungin ka ng iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa mga sintomas mo at nakaraang kalusugan. Titingnan niya ang iyong mga tainga, ilong, lalamunan, at mga sinus. Kadalasang hindi kailangan ang mga pagsusuri sa imahe, tulad ng X-rays.

Puwedeng mahirap itong malaman kung ang impeksyon sa sinus ay sanhi ng virus o bacterium. Posibleng kumuha ng sampol ng mucus ang iyong tagapangalaga ng kalusugan mula sa iyong ilong para suriin kung may bakterya.

Paglunas ng acute rhinosinusitis

Karamihan ng mga impeksyon sa sinus ay gumagalind sa loob ng 10 araw. Lalabanan ng iyong katawan ang virus.

Tungkulin ng mga Antibayotiko:

  • Kadalasang nagagamot ang mga sakit dulot ng virus pagkatapos ng 3 hanggang 5 araw at hindi nangangailangan ng mga antibayotiko.

  • Ang paggamit ng mga antibayotiko upang gamutin ang mga impeksiyong dulot ng virus ay maaaring humantong sa mga hindi kinakailangang masasamang epekto mula sa banayad na pantal hanggang sa malubhang reaksiyong allergy, mga impeksiyong lumalaban sa antibayotiko, at impeksiyon dulot ng C. diff (pagtatae, pinsala sa colon at maging kamatayan).

  • Gayunpaman, para sa ilang impeksiyon sa sinus, maaaring magrekomenda ang iyong tagapangalaga ng kalusugan ang "maingat na paghihintay" o "naantalang pagrereseta ng antibayotiko." Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa pinakamahuhusay na paggamot para sa iyong sakit.

Sa halip maaaring mayroon kang impeksiyon dulot ng bakterya.

  • Nagpapatuloy ang iyong mga sintomas nang higit sa 10 araw

  • Pagkatapos ng unang panahon ng pagbuti, lumalala ang iyong mga sintomas

  • Mayroon kang mataas na lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas na may pagtagas ng likido mula sa ilong at pananakit ng mukha

Kapag ganito, bibigyan ka iyong tagapangalaga ng kalusugan ng mga antibayotiko. Inumin ang gamot na ito hanggang sa maubos ito, kahit pa mabuti na ang iyong pakiramdam.

Para matulungang humupa ang iyong mga sintomas, ang iyong tagapangalaga ng kalusugan ay posibleng magpayo ng:

  • Mga over-the-counter na pampahupa ng pananakit. Ang mga gamot tulad ng acetaminophen o ibuprofen ay puwedeng magpahupa ng pananakit ng sinus. Pinabababa din ng mga ito ang lagnat. Maingat na basahin at sundin ang mga tagubilin sa mga label ng produktong gamot na walang reseta bago inumin ang mga ito. Huwag inumin ang ganitong mga uri ng gamot kung mayroon kang sakit sa bato o atay maliban kung itinagubilin ng iyong doktor.

  • Paghuhugas ng loob ng ilong. Ang paghuhugas ng loob ng iyong ilong gamit ang maalat na tubig ay makapagpapahupa ng pananakit at presyon. Puwede nitong matanggal ang mucouss at mga bagay na nakakapagpairita ng iyong mga sinus. Puwedeng ipakita sa iyo ng tagapangalaga ng kalusugan kung paano ito gagawin.

  • Pang-isprey ng steriod sa loob ng ilong. Puwedeng paliitin ng inireresetang gamot na ito ang pamamaga sa loob ng iyong mga sinus. Maaaring makatulong ang mga intranasal steroid sa pamamagitan ng pagbawas ng pamamaga, na makakatulong na mapawi ang bara.

  • Iba pang mga gamot. Puwede ring makapagbigay ng pansamantalang ginhawa ang mga decongestan, antihistamine, at iba pang pang-isprey sa loob ng ilong. Puwedeng makatulong ang mga ito sa baradong ilong. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago inumin ang mga gamot na ito, lalo na ang mga antihistamine. Karaniwang ginagamit lamang ang mga ito kapag may na-diagnose na allergy.

Pag-iwas sa ng acute rhinosinusitis

Puwede kang makatulong na maiwasan ang impeksyon sa sinus gamit ang mga hakbang na ito:

  • Hugasang mabuti at madalas ang iyong mga kamay.

  • Tingnan ang iyong lokal na index ng kalidad ng hangin kung malagay ka sa panganib dahil sa kalidad ng hangin. Tutulungan ka ng index na limitahan kung gaano karaming polusyon sa hangin ang nasa paligid mo .

  • Lumayo sa mga taong may sipon o impeksyon sa itaas na bahaging palahingahan.

  • Huwag manigarilyo. Lumayo sa usok ng sigarilyo ng iba.

  • Gumamit ng pampahalumigmig para palamigin ang hangin sa bahay at siguraduhing panatilihing malinis ito.

  • Tiyaking up-to-date ka sa iyong mga bakuna, tulad ng bakuna para sa trangkaso, bakuna sa COVID, at bakunang pneumococcal.

Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag agad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga ito:

  • Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa itinagubilin ng tagapangalaga ng iyong kalusugan

  • Pananakit na mas lumulubha

  • Mga sintomas na hindi gumagaling o lumulubha. Mayroon kang matinding pananakit ng ulo na hindi gumagaling kapag gumamit ka ng gamot sa pananakit.

  • May lumitaw na mga bagong sintomas tulad ng:

    • Pananakit o pamamaga sa paligid ng iyong mga mata, nahihirapang igalaw ang iyong mga mata, matinding pananakit kapag ginawa mo, mga pagbabago sa paningin

Tumawag sa 911

Tumawag sa 911 o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung mayroon kang:

  • Pananakit ng leeg o paninigas ng leeg na may mataas na lagnat

  • Pagkatuliro, pagkalito, labis na panghihina, iba pang pagbabago sa pag-iisip, o pakiramdam mong mawawalan ka ng malay.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer