A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Tagubilin sa Paglabas sa Ospital: Pangangalaga sa Iyong Hiwa sa Tiyan

Uuwi ka na may mga tahi, surgical staples, espesyal na strips ng tape, o surgical skin glue. Ginamit ang isa sa mga item na ito para isara ang iyong hiwa (tistis), tumulong sa paghinto ng pagdurugo, at pabilisin ang paggaling. Habang nasa bahay, umiwas sa anumang bagay na maaaring maglagay ng presyon sa iyong hiwa kabilang ang pagbuhat, pagtulak, o paghila ng mabibigat na timbang. Itanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung anong mga aktibidad ang kailangan mong iwasan. Sundin ang mga payo sa pahinang ito para makatulong na maghilom ang iyong hiwa. 

Pangangalaga sa tahanan

  • Linisin ang iyong lugar ng trabaho:

    • Ilagay ang mga alagang hayop sa ibang kuwarto.

    • Gumamit ng sabon at tubig para linisin ang ibabaw kung saan ka magtatrabaho.

    • Maglatag ng malinis na tela o tuwalyang papel sa ibabaw.

    • Lumayo mula sa malinis na ibabaw kung kailangan mong umubo o bumahin.

  • Tipunin ang iyong mga supply at ilagay ang mga ito sa malinis na lugar ng trabaho:

    • Nakabalot na pantapal para sa iyong sugat

    • Mga solusyon na pang-irigasyon (kung ginagamit ang mga ito)

    • Gunting (nilinis gamit ang sabon at tubig)

    • Medical tape

    • Naitatapong guwantes (2 pares)

    • Malinis na plastik na basurahang bag (buksan ito bago mo hugasan ang iyong mga kamay)

  • Hugasan ang iyong mga kamay:

    • Gumamit ng likidong sabon.

    • Pabulain nang mabuti at kuskusin sa loob ng 1 hanggang 2 minuto.

    • Tiyaking kuskusin ang pagitan ng iyong mga daliri at sa ilalim ng iyong mga kuko.

    • Banlawan gamit ang maligamgam na tubig, habang nakaturo ang iyong mga daliri pababa.

    • Gumamit ng malinis na tuwalyang papel para tuyuin ang iyong mga kamay. I-off ang gripo.

  • Ihanda ang iyong mga gamit na pantapal:

    • Talupan ang mga gilid ng pakete ng pantapal o pambenda. Ibuhos ang anumang solusyon na pang-irigasyon sa mga tasa ng solusyon. Huwag hawakan ang loob ng mga tasa.

    • Putulin ang bawat piraso ng tape 4 na pulgadang mas mahaba kaysa pantapal.

  • Alisin ang lumang tapal:

    • Magsuot ng naitatapong guwantes.

    • Luwagan ang tape sa tapal sa pamamagitan ng marahang paghila patungo sa hiwa. Alisin ang tapal nang paisa-isa bawat patong. Ilagay kaagad ito sa bag na plastik.

    • Alisin ang iyong mga guwantes ilagay ang mga ito sa bag na plastik. Hugasan ang iyong mga kamay.

    • Maglagay ng bagong pares ng guwantes.

  • Linisin at tapalan ang hiwa:

    • Linisin ang hiwa at maglagay ng bagong pantapal ayon sa iniutos.

    • Huwag tanggalin ang espesyal na strip ng tape kahit nagsisimula nang lumuwag ang mga ito. 

    • Ilagay ang lahat ng gamit nang mga supply sa bag na plastik. Huling alisin ang iyong mga guwantes at ilagay ang mga ito sa bag na plastik. Isara ang bag at ilagay ito sa basurahan.

    • Siguraduhing muling hugasang mabuti ang iyong mga kamay.

Pangangalaga para sa mga partikular na pagsasara

Sundin ang mga tagubiling ito maliban kung iba ang sasabihin sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan:

  • Mga tahi o staple. Kapag hindi mo na kailangang panatilihing tuyo ang mga ito, linisin ang sugat kada araw. Gamitin ang mga tagubiling nakalista sa itaas. Una, tanggalin ang benda gamit ang malilinis na kamay. Pagkatapos, maingat na hugasan ang bahagi gamit ang sabon at maligamgam na tubig. Gumamit ng basang bulak para matuklap at tanggalin ang anumang dugo o langib na namuo. Gumamit lamang ng antibiotic ointment kung sinabing gawin ito ng iyong tagapangalaga. Pagtapos lagyan ng bagong benda.

  • Glue para sa balat. Huwag maglagay ng likido, ointment, o cream sa iyong sugat habang mayroong glue. Huwag gumawa ng anumang aktibidad na nagdudulot ng matinding pamamawis. Protektahan ang sugat mula sa sikat ng araw. Huwag kamutin, kukuskusin, o susungkitin ang glue. Huwag maglagay ng tape sa ibabaw ng glue. Dapat matanggal ang glue sa loob ng 5 hanggang 10 araw.

  • Surgical tape. Panatilihing tuyo ang bahagi. Kung mabasa ito, punasan ang lugar nang matuyo gamit ang isang malinis na tuwalya. Kadalasang nalalaglag ang surgical tape sa loob ng 7 hanggang 10 araw. Kung hindi ito matanggal matapos ang 10 araw, tawagan ang iyong tagapangalaga ng kalusugan bago mo tanggalin ito. Kung sinabihan kang tanggalin ang tape, maglagay ng mineral na langis o petroleum jelly sa isang bola ng bulak. Marahang kuskusin ang tape hanggang matanggal ito.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow-up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan. Itanong kung gaano katagal dapat panatilihin sa lugar ang mahahabang tahi o staple. Bumalik para sa pagtatanggal ng tahi o staple gaya ng iniutos.  Kung ginamit ang mga pansarang tape, ikaw mismo ang magtanggal ng mga ito kapag ipinayo ng iyong tagapangalaga kapag hindi natanggal nang kusa ang mga ito. Kung ginamit ang glue para sa balat, kusang mapupudpod ang glue.

Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag agad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga sumusunod:

  • Maraming pananakit, pagdurugo, pamumula, pamamaga, o mabahong discharge sa paligid ng lugar ng hiwa

  • Lagnat na  100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga

  • Giniginaw na nangangaligkig

  • Pagsusuka o pananakit ng tiyan na hindi nawawala

  • Pamamanhid, nilalamig, o pangingilig sa palibot ng hiwa, o mga pagbabago sa kulay ng balat. (Karaniwan ang pamamanhid sa palibot ng hiwa. Maaari itong tumagal ng ilang oras pagkatapos ng operasyon. Itanong sa iyong tagapangalaga kung dapat mong asahan ito.)

  • Pagbukas ng mga tahi o sugat

  • Naghihiwalay o natatanggal ang mga tahi o staple o nalalaglag ang surgical tape nang wala pang 7 araw, o ayon sa iniutos ng iyong tagapangalaga

Online Medical Reviewer: Heather M Trevino BSN RNC
Online Medical Reviewer: Melinda Murray Ratini DO
Online Medical Reviewer: Shaziya Allarakha MD
Date Last Reviewed: 8/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer