Pag-angkop sa Pagbubuntis: Ikatlong Tatlong Buwan
Bagama't karaniwan habang nagbubuntis, maaaring mukhang mas malala ang ilang kawalang-ginhawa sa mga huling linggo. Makatutulong ang mga simpleng pagbabago sa pamumuhay. Ingatan ang iyong sarili. At hilingin sa iyong partner na tumulong sa maliliit na gawain.
Paglimita sa mga problema sa binti
Mga paraan upang labanan ang mga problema sa binti:
-
Magsuot ng pansuportang hose buong araw.
-
Huwag magsuot ng masikip na sapatos o damit na sumusikip, tulad ng masikip na pantalon at mga medyas na may mga nababanat na ibabaw.
-
Madalas na umupo nang nakataas ang mga paa at binti.
Pangangalaga sa iyong mga suso
Kasama sa mga payo na susundin ang:
-
Hugasan ng karaniwang tubig. Huwag gumamit ng matatapang na sabon o rubbing alcohol. Maaaring maging sanhi ang mga ito ng pagkatuyo.
-
Magsuot ng bra sa pagpapasuso para sa dagdag na suporta. Maaari din nitong itago ang anumang pagtagas mula sa iyong mga utong.
Pagkontrol sa almoranas
Kasama sa mga paraan upang maiwasan ang almoranas ang:
-
Kumain ng mga pagkaing maraming fiber. Mag-ehersisyo din at uminom ng sapat na likido. Babawasan nito ang pagtitibi at almoranas.
-
Matulog at umidlip sa iyong gilid. Nililimitahan nito ang presyon sa mga ugat ng iyong tumbong.
-
Subukang huwag tumayo o umupo nang matagal.
Pagkontrol sa pananakit ng likod
Habang nagbabago ang iyong katawan sa panahon ng pagbubuntis, dapat gumana ang iyong likod sa mga bagong paraan. Maraming sanhi ang pananakit ng likod. Maaaring mapuwersa ang iyong likod at ang mga sumusuportang kalamnan nito ng mga pisikal na pagbabago sa iyong katawan. Dumarami rin ang mga hormone habang nagbubuntis. Maaari itong makaapekto sa kung paano magkakasamang gumagana ang iyong mga kalamnan at kasukasuan. Maaaring humantong ang lahat ng mga pagbabagong ito sa pananakit.
Maaaring maramdaman ang pananakit sa itaas o ibabang bahagi ng likod. Karaniwan din ang pananakit sa balakang. May sciatica ang ilang buntis. Pananakit ito na sanhi ng presyon sa sciatic nerve na dumadaloy sa likod ng binti. Maaaring makatulong ang yelo o init. Maaaring ipayo ng iyong tagapangalaga ang massage therapy o isang chiropractor. Matulog sa iyong kaliwang gilid na may unan sa pagitan ng iyong mga tuhod. Gumamit ng isang brace o pansuportang device. Humingi sa iyong tagapangalaga ng mga partikular na payo at ehersisyo upang makatulong na makontrol ang pananakit ng iyong likod.
Mga payo upang tulungan kang mamahinga
Matutulungan ka ng maayos na pahinga at tulog na gumaan ang pakiramdam. Narito ang ilang ideya:
-
Hilingin sa iyong partner na masahihin ang iyong mga balikat, leeg, o likod.
-
Limitahan ang mga gawaing ginagawa mo kada araw.
-
Humiga sa hapon o pagkatapos ng trabaho nang ilang minuto.
-
Maligo sa maligamgam na tubig bago ka matulog.
-
Uminom ng maligamgam na gatas o mga tsaang walang caffeine.
-
Huwag uminom ng kape, itim na tsaa, at cola.
Pagpigil sa heartburn
-
Huwag kumain ng maaanghang, malalangis, pinrito, o acidic na pagkain.
-
Mas madalas na kumain na kakaunti ang dami. Kumain nang dahan-dahan.
|
|
Pamamahala sa mga pagbabago ng damdamin
Kasama sa mga paraan upang pamahalaan ang mga pagbabago ng damdamin ang:
-
Dapat mong malaman na karaniwan ang mga pagbabago ng damdamin.
-
Madalas na mag-ehersisyo, ngunit magkaroon ng maraming pahinga.
-
Harapin ang anumang alalahanin at limitahan ang stress. Maaaring makatulong ang pakikipag-usap sa iyong partner, ibang mga kababaihan, o sa iyong tagapangalaga ng kalusugan.

Pagharap sa madalas pag-ihi
Kasama sa mga payo sa pagharap sa pangangailangan na umihi nang madalas ang:
-
Uminom ng maraming tubig buong araw. Ngunit kung uminom ka nang marami sa gabi, maaaring kailanganin mong mas madalas na bumangon sa gabi.
-
Limitahan ang kape, itim na tsaa, at cola.
Paano nakaaapekto ang mga pang-araw-araw na problema sa iyong kalusugan
Maraming bagay sa iyong pang-araw-araw na buhay ang nakaaapekto sa iyong kalusugan. Kabilang dito ang transportasyon, mga problema sa pera, pabahay, access sa pagkain, at pag-aalaga ng anak. Kung hindi ka makakakuha ng mga medical na appointment, maaaring hindi ka makatanggap ng pangangalaga na kailangan mo. Kapag kulang ang pera, maaaring mahirap na mabayaran ang mga gamot. At maaaring maging mahirap na bumili ng masustansyang pagkain ang pagtira na malayo sa isang grocery store.
Kung mayroon kang mga alalahanin sa alinman sa mga ito o iba pang larangan, makipag-usap sa iyong team ng tagapangalaga ng kalusugan. Maaaring may alam silang mga lokal na mapagkukunan upang tulungan ka. O maaaring mayroon silang tauhan na makatutulong sa iyo.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.