Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-screen ng Colorectal Cancer

Nagsisimula ang colorectal cancer sa mga selula ng colon o malaking bituka o tumbong. Isa ito sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay dahil sa kanser sa U.S. Ngunit kapag maaga itong natuklasan at nagamot, napakaganda ang tsansa ng lubos na paggaling. Kailangan itong matuklasan habang maliit pa ito at hindi pa kumalat. Bihirang magdulot ng mga sintomas ang kanser na ito sa mga unang yugto nito. Dahil dito, mahalaga ang pagpa-screen para dito. Ibig sabihin nito na maghahanap ng mga abnormal na pagtubo bago ka magkaroon ng mga sintomas. Higit na mahalaga ang pag-screen kung mayroon kang mga dahilan ng panganib para sa kanser na ito.

Cross section ng sigmoid colon, tumbong, at puwit na ipinakikita ang kanser at polyp.

Mga dahilan ng panganib para sa colorectal cancer

Mas mataas ang iyong panganib sa pagkakaroon ng colorectal cancer kung ikaw ay:

  • Mas matanda. Pinakamalamang na magkaroon ng colorectal na kanser ang mga mas nakatatanda. Ngunit maaari itong mangyari sa anumang edad.

  • Mayroong kasaysayan ang pamilya o personal na kasaysayan ng colorectal cancer o mga polyp

  • African American

  • May lahing Eastern European Jewish (Ashkenazi)

  • Mayroong Crohn's disease o ulcerative colitis

  • Mayroong type 2 diabetes

  • Mayroong namanang genetic syndrome, tulad ng Lynch syndrome o familial adenomatous polyposis

  • Sobra ang timbang

  • Hindi aktibo ang katawan

  • Naninigarilyo

  • Madaming uminom ng alak (higit sa 2 pag-inom sa isang araw para sa kalalakihan at 1 pag-inom sa isang araw para sa kababaihan)

  • Kumakain ng maraming pula o prinosesong karne

Ang malaking bituka o colon at tumbong

Bahagi ng iyong digestive system ang malaking bituka at tumbong. Nagmumula ang pagkain sa iyong sikmura patungo sa iyong maliit na bituka. At saka ito pumupunta sa iyong malaking bituka o colon. Habang dumadaan ito sa malaking bituka, inaalis ang tubig. Nagiging mas matigas ang naiiwang dumi (stool). Itinutulak ng mga kalamnan ng iyong bituka ang dumi patungo sa sigmoid colon. Ito ang dulong bahagi ng malaking bituka. At saka tumutungo ang dumi sa tumbong. Naiimbak ito dito hanggang sa handa na itong lumabas sa iyong katawan kapag dumumi ka.

Paano nagsisimula ang colorectal cancer

Mga bukol ang polyp na nabubuo sa panloob na lining ng colon at tumbong. Benign o hindi grabe ang karamihan. Ibig sabihin nito na hindi kanser ang mga ito. Ngunit sa paglipas ng panahon, maaaring maging kanser ang ilang polyps. Tinatawag ang mga ito na malignant o malubha. Nangyayari ito kapag hindi na mapigilan ang paglaki ng mga selula sa mga polyp na ito. Kinalaunan, maaaring kumalat ang mga selulang may kanser sa ibang bahagi ng malaking bituka at tumbong. Maaaring kumalat ang kanser sa mga kalapit na organ o mga lymph node. Maaari itong kumalat sa iba pang bahagi ng katawan, tulad ng atay o mga baga. Makatutulong ang maagang pagtuklas at pag-alis ng mga polyp na maiwasan ang pagsisimula ng kanser.

Pag-screen ng colorectal cancer

Nangangahulugan ang pag-screen na paghahanap ng problema sa kalusugan bago ka magkaroon ng sintomas. Nagsisimula ang pag-screen sa colorectal cancer sa:

  • Iyong kasaysayan ng kalusugan. Magtatanong ang iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa kasaysayan ng iyong kalusugan. Tatanungin ka niya tungkol sa posibleng mga dahilan ng panganib sa kanser. Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon kang miyembro ng pamilya na nagkaroon ng colorectal cancer o mga polyp. Sabihin sa kanya ang tungkol sa anumang problema sa kalusugan na naranasan mo dati.

  • Mga pagsusuri na pag-screen. Ipinapayo ng American Cancer Society at ng U.S. Preventive Services Task Force ang pag-screen sa colorectal cancer para sa mga taong may katamtamang panganib simula sa edad na 45. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa iyong mga panganib. Itanong kung kailan mo dapat simulan ang mga screening test. Mahalaga rin na alamin sa iyong insurer ng kalusugan ang tungkol sa iyong coverage.

Mga uri ng screening test

Nasa ibaba ang mga pinakakaraniwang uri ng mga screening test para sa colorectal cancer. Nakadepende sa iyong panganib at ang pagsusuring napili mo at ng iyong tagapangalaga ng kalusugan kung gaano kadalas ka dapat ma-screen. Kung mayroong kasaysayan ng colon cancer ang iyong pamilya o mataas ang iyong panganib sa iba pang kadahilanan, maaaring kailanganin mong magpa-screen nang mas maaga o mas madalas.

Pagsusuri ng dumi

Fecal occult blood test (FOBT) o fecal immunochemical test (FIT) (bawat taon)

Tinitingnan sa mga pagsusuring ito ang dugo sa dumi na hindi mo nakikita. Tinatawag itong nakatago o nakakubling dugo. Maaaring palatandaan ng mga polyp o kanser sa malaking bituka ang nakatagong dugo. Ipinadadala ang kaunting sampol ng dumi sa isang laboratoryo kung saan ito sinusuri para sa dugo. Kadalasan, kinokolekta mo ang sampol na ito sa iyong bahay gamit ang kit na ibinigay sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Siguraduhing alam mo kung ano ang gagawin at sunding mabuti ang mga tagubilin. Halimbawa, maaaring kailanganin mong hindi kumain ng ilang pagkain at hindi uminom ng ilang gamot bago kolektahin ang dumi para sa pagsusuring ito. Kung mayroon kang di-normal na resulta mula sa iba pang pagsusuri ng pag-screen sa colorectal cancer, malamang na kailanganin mo ang colonosccopy.

Stool DNA test (kada 1 hanggang 3 taon)

Hinahanap sa pagsusuring ito ang mga selula sa iyong dumi na mayroong di-normal na DNA sa mga ito. Maaaring mga palatandaan ng kanser o polyps ang mga pagbabagong ito sa DNA. Hinahanap din sa pagsusuring ito ang mga nakatagong dugo sa dumi. Para sa pagsusuring ito, kokolekta ka ng buong dumi. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng lalagyan na inilalagay sa inidoro. Mayroong mga tagubilin ang kit sa kung paano kolektahin, ihanda, at ipadala ang iyong dumi. Dinadala ito sa isang laboratoryo para sa pagsusuri. Kung mayroon kang di-normal na resulta sa DNA ng dumi, malamang na kailanganin mo ang colonosccopy.

Mga visual exam

Colonoscopy (kada 10 taon)

Pinahihintulutan ng pagsusuring ito ang iyong tagapangalaga ng kalusugan na matagpuan at maalis ang mga polyp sa iyong malaking bituka o tumbong. Ito lamang ang screening test na nagpapahintulot sa iyong tagapangalaga ng kalusugan na makita ang kabuuan ng iyong malaking bituka at tumbong. Pinahihintulutan ng pagsusuring ito ang iyong tagapangalaga ng kalusugan na alisin ang anumang piraso ng tisyu na kailangang suriin para sa kanser.

Isa o 2 araw bago ang pagsusuri, magsasagawa ka ng bowel prep. Nililinis ng bowel prep ang iyong malaking bituka. Ginagawa ito para makita ang lining habang sinusuri. Bibigyan ka ng mga patnubay kung paano gawin ang paghahanda. Isasama dito ang likidong diyeta. At saka ka gagamit ng matapang na laxative solution o enema.

Bago ang pagsusuri, bibigyan ka ng gamot na pampaantok. Pagkataapos, marahang magpapasok ang tagapangalaga ng kalusugan ng isang mahaba, nababaluktot, at inilawang tubo (colonoscope) sa iyong tumbong. Ipinapasok ang scope sa iyong buong malaking bituka. Tinitingnan ng tagapangalaga ang mga imahe sa loob ng iyong malaking bituka sa isang video screen. Inaalis ang anumang polyp na makikita. Dinadala ang mga ito sa isang laboratoryo para sa pagsusuri. Kung hindi maaaring alisin ang polyp, kumukuha ng maliit na piraso nito para sa pagsusuri. Kung ipinakikita sa pagsusuri na maaari itong kanser, maaaring alisin ang polyp kinalaunan sa panahon ng operasyon.

Flexible sigmoidoscopy (kada 5 taon)

Malaki ang pagkakatulad ng pagsusuring ito sa colonoscopy. Ngunit isinasagawa lamang ito sa sigmoid colon at tumbong. Ang sigmoid colon ay ang dulong 2 talampakan na kumokonekta sa iyong tumbong. Ang buong malaking bituka ay humigit-kumulang sa 5 talampakan ang haba.

Isa o 2 araw bago ang pagsusuri, magsasagawa ka ng bowel prep. Nililinis ng bowel prep ang iyong malaking bituka. Ginagawa ito para makita ang lining habang sinusuri. Bibigyan ka ng mga patnubay kung paano gawin ang paghahanda. Isasama dito ang likidong diyeta. At saka ka gagamit ng matapang na laxative solution o enema.

Gising ka sa panahon ng pagsusuri. Ngunit maaaring bigyan ka ng gamot upang tulungan kang magrelaks. Nagpapasok ang tagapangalaga ng kalusugan ng isang manipis, nababaluktot at inilawang tubo (sigmoidoscope) sa iyong tumbong at ibaba ng malaking bituka. Ipinapakita ang mga imahe sa isang video screen. Maaaring alisin ang mga polyp. Dinadala ang mga ito sa isang laboratoryo para sa pagsusuri.

Isa pang mapagpipilian ang flexible sigmoidoscopy kada 10 taon, kasama ang pagsusuri ng dumi na FIT bawat taon. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalasugan para malaman ang higit pa.

Virtual colonoscopy (kada 5 taon)

Tinatawag din na CT colonography ang pagsusuring ito. Gumagamit ito ng mga serye ng X-ray. Lumilikha ang mga ito ng 3-D na imahe ng iyong malaking bituka at tumbong.

Isa o 2 araw bago ang pagsusuri, magsasagawa ka ng bowel prep. Nililinis ng bowel prep ang iyong malaking bituka. Ginagawa ito para makita ang lining habang sinusuri. Bibigyan ka ng mga patnubay kung paano gawin ang paghahanda. Isasama dito ang likidong diyeta. At saka ka gagamit ng matapang na laxative solution o enema.

Sa panahon ng pagsusuri, hihiga ka sa isang makitid na mesa na bahagi ng isang X-ray machine na tinatawag na CT scanner. Ipapasok ang isang malambot at maliit na tubo sa iyong tumbong. Pupunuin nito ng hangin ang iyong malaking bituka at tumbong. Papasok ang mesa sa CT scanner. Isasagawa ang magkakasunod na X-ray. Pagsasama-samahin ng isang computer ang mga ito upang makabuo ng isang 3-D na imahe. Dahil gumagamit ng X-ray ang pagsusuri, inilalantad ka nito sa kaunting radiation. Maaaring gawin ang pagsusuring ito nang walang pampamanhid. Kung may makitang mga polyp o anumang pagbabago, kakailanganin mo ng colonoscopy. Ginagawa ito upang makakuha ng tisyu para sa pagsusuri.

Pakikipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan

Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa kung anong mga screening test ang maaaring pinakamahusay para sa iyo. May mga kabutihan at kasamaan ang bawat pagsusuri. Ngunit alinmang pagsusuri ang nagkaroon ka, pinakamahalagang bagay ang ma-screen ka. Kung matagpuan sa pag-screen na nasa maagang yugto ang kanser, mas madali itong gamutin. At mas malamang na gumana nang mabuti ang gamutan. Maaari pa ngang maiwasan ang kanser sa mga rutinang pag-screen.

Kung mayroong kang screening test bukod sa colonoscopy at may di-normal na resulta ng pagsusuri, kakailanganin mo ng follow up na colonoscopy. Hindi ito ituturing na pag-screen na colonoscopy. Maaaring magamit ang iyong deductible at co-pay. Alamin sa iyong insurer ng kalusugan para malaman mo kung ano ang aasahan.

Itanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ang tungkol sa iyong antas ng panganib. Maaaring kailanganin mong ma-screen sa ibang iskedyul kung mas mataas ang iyong panganib sa kanser na ito. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga tungkol sa kasaysayan ng iyong kalusugan upang mapagpasyahan ang plano ng pag-screen na pinakamabuti para sa iyo.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer