Respiratory Distress Syndrome (RDS) sa Sanggol na Kulang sa Buwan
Ang RDS ay karaniwang problema sa paghinga sa mga sanggol na kulang sa buwan. Nagpapakita ito pagkatapos ng pagsilang o sa loob ng mga unang ilang oras pagkatapos ng pagsilang. Maaaring alagaan ang iyong sanggol sa NICU (neonatal intensive care unit) o sa isa pang bahagi ng ospital.
Ano ang sanhi ng RDS?
Nangyayari ang RDS dahil hindi ganap na sapat na nabuo ang mga baga para gumawa ng substansyang tinatawag na surfactant. Kailangan ang substansyang ito para sa normal na paghinga. Kapag nilanghap ang sariwang hangin, dumaraan ito sa mga daanan ng hangin sa mga baga papunta sa maliliit na air sac (alveoli). Dumaraan ang oxygen mula sa mga air sac papasok sa daluyan ng dugo. Inihihinga palabas ang maruming hangin. Karaniwan, tumutulong ang surfactant na panatilihing bukas ang alveoli pagkatapos huminga palabas. Sa ganoong paraan, madaling malalanghap ang sariwang hangin. Pero kung kaunti o walang surfactant ang mga baga, mawawasak ang mga air sac pagkatapos ng bawat paghinga. Kailangang lubos na magsikap ng sanggol para muling buksan ang mga ito. Maaaring hindi sapat na malakas ang mga sanggol na may RDS para panatilihin ang paghinga nang walang tulong.
 |
Dumadaloy ang hangin sa mga daanan ng hangin (mga tubo sa mga baga) patungo sa alveoli (mga air sac). Karaniwan, nananatiling bukas ang alveoli pagkatapos ng bawat paghinga. Nangyayari ang RDS kapag nasira ang alveoli pagkatapos ng bawat paghinga. Ibig sabihin nito na kailangan ng sanggol na mas magsikap para makahinga. |
Paano ginagamot ang RDS?
Ang mga paggamot ay depende sa kung gaano kalubha at nagpapatuloy ang RDS. Maaaring kabilang sa mga ito ang:
-
Artipisyal na surfactant. Madalas itong ibinibigay sa pamamagitan ng endotracheal tube (ETT). Ito ay isang tubo na ipinapasok sa bibig o ilong ng sanggol patungo sa lalaugan. O maaari itong ibigay sa pamamagitan ng hindi gaanong mapanghimasok na pamamaraan, gaya ng manipis na catheter sa lalaugan o ibang ruta. Maaaring ibigay ang mas maraming dosis ng surfactant nang may pagitan na ilang oras.
-
Oxygen na walang bentilasyon. Madalas itong ibinibigay gamit ang nasal cannula (malalambot na tubo na nakakabit sa butas ng ilang ng sanggol). O maaari itong ibigay gamit ang oxygen hood (malinaw na plastik na kahon na akma sa paligid ng ulo ng sanggol). Binibigyan ng mga device na ito ang iyong sanggol ng oxygen nang hindi nagpapasok ng mga tubo sa daanan ng hangin ng sanggol.
-
CPAP (continuous positive airway pressure). Nagbibigay ang CPAP machine ng patuloy na daloy ng hangin patungo sa daanan ng hangin ng sanggol. Tumutulong ito na panatilihing hindi mawasak ang alveoli. Maaaring gamitin ang CPAP na mayroon o walang suplementong oxygen.
-
Ventilator. Pinapalitan ng makinang ito ang ilan o lahat ng gawain ng paghinga. Una, ipinapasok ang isang ETT. Pagkatapos, ikinakabit ang ventilator at ginagamit para maghatid ng hangin papunta sa mga baga para tulungan ang sanggol na makahinga. Para maiwasan ang pagkasira sa mga baga, ginagamit ng makina ang pinakakaunting pressure na gumagana para punan ng hangin ang mga baga ng sanggol. Ginagamit ang ventilator hanggang gumagawa na ng surfactant ang mga baga ng sanggol at ganap nang malakasa ang sanggol para makahingan nang walang tulong.
Ano-ano ang mga pangmatagalang epekto?
Para sa maraming sanggol, walang pangmatagalang epekto ang RDS. Kahit nasira ang alveoli, nagagawa pa rin ng sanggol na magpatubo ng bagong alveoli. Kung nangyayari ang mga komplikasyon, maaaring kasama sa mga ito ang:
-
Tuminding kalamangan ng pagkakaroon ng hika
-
Karagdagang pagiging sensitibo sa mga irritant sa baga
-
Tumaas na panganib para sa mga impeksiyon sa palahingahan
-
Pagkasira ng baga dahil sa RDS o pangmatagalang bentilasyon. Kung minsan, maaari itong humantong sa bronchopulmonary dysplasia (nagpapatuloy na mga kahirapan sa paghinga). Maari itong mangailangan ng pangmatagalang gamot, suplementong oxygen, o patuloy na suporta gamit ang makina sa paghinga (ventilator).
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.