Pakikipag-ugnayan sa Iyong Kulang-sa-Buwan na Sanggol sa NICU
Inaalagaan ang mga kulang-sa-buwan na sanggol sa NICU (neonatal intensive care unit). Aasikasuhin ng mga tauhan ng NICU ang mga pangangailangang medikal ng iyong sanggol. Kasing importante din ang iyong presensya. Tanging ikaw lamang ang makapagbibigay sa iyong sanggol ng pagmamahal at pagkalinga ng isang magulang. Maaari mong makita ang NICU bilang nakakatakot at nakakalito sa una. Ngunit sa kabila ng mga kawad, tubo, at makina, maaari ka pa ring magsimulang bumuo ng isang panghabambuhay na pag-ugnay sa iyong sanggol. Mabuti para sa inyong dalawa ang pakiramdam ng init at koneksyon. Kadalasang may maraming pare-parehong nararamdaman ang mga magulang tungkol sa isang maysakit na sanggol, ngunit maaaring magkakaiba kung paano nila ipakita ang mga nararamdamang iyon—at OK lang iyon. Maging matiyaga sa iyong partner.
Sino ang maaaring bumisita sa NICU?
Bilang isang magulang, ikaw ang pinakamalamang na maaaring manatali kasama ang iyong sanggol sa halos kabuuan ng araw. Makipag-usap sa nars ng iyong sanggol kung kailan ka maaaring bumisita. Maaaring hindi payagan sa NICU ang mga kapatid at lolo at lola ng iyong sanggol. O maaari lamang silang magkaroon ng maiikling pagbisita. Para ito maprotektahan ang iyong sanggol mula sa impeksiyon at sa sobrang pananabik.
Paghawak at paghipo sa iyong sanggol
 |
Matutulungan ang iyong sanggol ng tahimik na pakikipag-usap o pag-awit sa kanya na maging kalmado. |
May balat na manipis at maselan ang mga sanggol na kulang sa buwan. Kaya maaaring hindi nila makayanang mabuti ang mahipo. Ngunit habang lumalaki at umuunlad ang iyong sanggol, maaaring maging kaayaaya sa iyo at sa iyong sanggol ang paghawak. Depende sa edad mula pagbubuntis (gestational age) ng iyong sanggol, maaaring imungkahi ng tauhan ng NICU ang:
-
Containment. Nangangahulugan ito na paglagay ng iyong mga kamay at braso sa magkabilang gilid ng iyong sanggol habang nakahiga ang sanggol sa higaan. Gusto ito ng mga sanggol na kulang-sa-buwan dahil sadyang katulad ito ng kung anong naramdaman nila sa matris.
-
Magaan na paghipo. Maaaring sobrang pagpapasigla ang paghimas sa iyong sanggol. Pinakamabuti ang isang panatag na paghipo.
-
Balat-sa-balat na pagkadikit (kangaroo care). Sa lalong madaling panahon na handa na ang iyong sanggol, isang mahalagang hakbang ang balat-sa-balat na pagkadikit. Ito ang iyong pagkakataon na mahawakan at mayakap ang iyong sanggol. Ayusin ang iyong damit upang mahawakan ang iyong sanggol sa iyong hubad na balat. Balutin ang iyong sanggol gamit ang damit o isang kumot upang manatiling mainit. Maaaring nakakarelaks sa iyo at sa iyong sanggol ang kangaroo care. Maaari din nitong matulungan ang iyong sanggol na gumaling nang mas mabuti o mas mabilis mula sa ilang problema sa kalusugan na mayroon ang mga sanggol na kulang-sa-buwan.
-
Walang nutrisyon (ginhawa) na pagpapasuso. May mga tubong nasa bibig at nakadikit sa kanilang mukha ang mga sanggol sa NICU. Maaari nitong gawin silang napakasensitibo sa pagkakaroon ng anumang malapit o nasa kanilang bibig, o kahit na sa pagkain o mga inumin (oral aversion). Maaaring makatulong sa iyong sanggol ang paghawak at pagpapasuso sa kanya, kahit na walang nakukuhang gatas, upang malabanan ang oral aversion. Matutulungan din nito ang iyong sanggol na magkaroon ng kakayahang sumususo. At tutulungan ka nitong gumawa ng mas maraming gatas.
-
Iyong presensiya sa tabi ng higaan. Alam ng iyong sanggol ang iyong boses at amoy, kaya mahalaga ang pagiging nasa tabi ng higaan. Maaaring matulungan ng iyong boses ang iyong sanggol na maging kalmado upang lumaki siya at bumuti. Kapag mas mabuti na ang pakiramdam ng iyong sanggol, ipapakita sa iyo ng iyong nars kung paaano mo maaaring ilagay ang iyong mga kamay sa iyong sanggol upang tulungan ang iyong sanggol na makaramdam ng kaligtasan. Habang bumubuti ang pakiramdam ng iyong sanggol, ipaaalam sa iyo ng nars kung kailan ka maaaring tumulong sa pag-aalaga ng iyong sanggol.
Paggawa ng isang nakagiginhawang paligid
Maaaring maging napakasensitibo sa paghipo, ingay, maliwanag na ilaw, at iba pang mga anyo ng pagpapasigla ang mga sanggol na kulang-sa-buwan. Upang mapanatiling komportable ang iyong sanggol hangga't maari:
-
Hayaang matulog ang iyong sanggol kapag kailangan niya.
-
Panatilihing pinakakaunti ang ingay at maliliwanag na ilaw.
-
Subukang huwag makatama ng mga bagay sa incubator, magsalita sa malakas na boses, o magsara nang malakas ng mga pinto.
-
Kung mukhang napakaliwanag ng mga ilaw, hingin sa nars kung maaari kang maglagay ng isang kumot sa ibabaw ng incubator.
Iba pang paraan na maaari kang makatulong
-
Gawing personal ang kapaligiran ng iyong sanggol. Ngunit una, magtanong sa nars tungkol sa kung ano ang maaari at hindi maaaring payagan at kung ano ang ligtas para sa iyong sanggol.
-
Kapag gising ang iyong sanggol, magsalita o kumanta sa tahimik na boses.
-
Tumulong sa pangangalaga sa iyong sanggol ayon sa ipinayo ng nars ng iyong sanggol. Maaaring kasama rito ang pagpapalit ng lampin, pagpapasuso sa dibdib o sa bote, o pagkuha ng temperatura ng iyong sanggol. Kung sobrang maysakit ang iyong sanggol, maaaring kailanganin ng tauhan ng NICU na gawin ang mas marami sa mga gawaing ito. Ngunit laging may isang bagay na maaari mong gawin.
-
Makipagtulungan sa tauhan ng NICU na bumuo ng isang plano ng pangangalaga para sa iyong sanggol.
-
Ibahagi ang iyong nararamdaman sa kung ano ang lagay ng iyong sanggol sa tauhan ng NICU. Habang nakikilala mo ang iyong sanggol, maaari mong mapansin ang mga banayad na pagbabago na walang sinuman ang nakapapansin.
-
Alagaan din ang iyong sarili. Kung masama ang iyong pakiramdam, mahalagang sabihin mo sa tauhan ng NICU. Huwag bumisita kung pakiramdam nilang maaaring makakuha ng sipon o iba pang impeksiyon ang iyong sanggol mula sa iyo. Kasing hirap man nito, mahalagang manatiling malusog hangga't maaari ang iyong sanggol. Magtanong sa tauhan ng NICU o sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa iba pang paraan upang maprotektahang ang iyong sanggol, tulad ng pagsiguradong natanggap mo ang Tdap na bakuna at ang pana-panahong bakuna laban sa trangkaso.
Paano ipinahahayag ng mga sanggol na kulang-sa-buwan ang kanilang mga sarili
Mas kaunti ang paggalaw at paggawa ng ingay ng mga sanggol na kulang-sa-buwan kaysa mga sanggol na husto-sa-buwan. Mas banayad ang mga ekspresyon ng kanilang mukha. Hanapin ang mga palatandaang ito at subukang alamin kung paano ipinapakita ngn iyong sanggol ang iba't ibang emosyon.
Mga palatandaan ng pagiging kontento o kasiyahan:
Mga palatandaan ng stress:
-
Mga panginginig, pagkibot
-
Matigas na pag-unat ng mga braso o binti
-
Pagtaas ng isang kamay na nakabuka ang mga daliri na parang simbolo ng hinto
-
Pag-arko ng likod
-
Paghingal, pagiging maselan, o pag-iyak
-
Kakulangan ng pagtugon (nanghihina)
-
Mga pagbabago sa kulay
-
Pagduduwal
-
Mga pagsinok
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.