Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Pag-screen ng Pandinig para sa mga Bagong Silang na Sanggol: Bakit Mahalata Ito

Napakahalaga ng mga pag-screening ng pandinig para sa mga bagong silang na sanggol. Sa U.S., karaniwang ginagawa ang pagsusuri sa pandinig sa bawat sanggol bago sila umalis sa ospital. Bahagi ito ng pandaigdigang programa ng pag-screen ng pandinig ng bagong silang na sanggol. Layunin ng programa na malaman ang mga problema sa pandinig nang maaga hangga't maaari. Kung malaman nang maaga ang problema sa pandinig, magagamot ito o mapapamahalaan nang mas maaga. Tumutulong ang paggamot bago ang edad na 10 buwan sa pag-unlad ng wika at pagbasa.  

Bakit mahalaga ang pandinig?

Mahalaga ang pandinig dahil makakaapekto ito sa kung paano umuunlad ang iyong anak. Mahalaga ang maayos na pandinig para sa:

  • Pag-unlad ng pagsasalita at wika

  • Pagkatuto

  • Pag-unlad ng pakikipagkapwa at emosyon

Ano ang aasahan mula sa pag-screen

Karaniwang isinasagawa ang pagsusuri ng pandinig habang natutulog ang sanggol. Maikli ito at hindi masakit. Tumatagal lamang ito ng halos 10 minuto. Malamang na makuha mo ang mga resulta bago ka umalis sa ospital. Sa panahong iyon, sasabihin sa iyo kung kailangan ng sanggol mo ng isa pang pagsusuri. Hindi ibig sabihin nito ng pangangailangan ng isa pang pagsusuri na may problema sa pandinig ang iyong anak. Pero ibig sabihin nito na hindi nagbigay ng sapat na impormasyon ang unang pagsusuri. Masasabi sa iyo ng tagapangalaga ng iyong kalusugan ang marami pa tungkol dito. Siguraduhin na mayroon ang sanggol mo ng lahat ng follow-up na pagsusuri sa pandinig ayon sa itinagubilin. 

Hingin ang mga resulta kung handa ka nang lumabas at hindi pa naibigay ang mga ito. Siguraduhin na ipinaliwanag ang mga ito sa iyo bago ka umuwi.

Paano kung may mga palatandaan ng pagkawala ng pandinig ang aking sanggol?

Kung ipinapakita ng pagsusuri na may mga palatandaan ng pagkawala ng pandinig ang iyong sanggol, huwag mag-panic. Maraming sanggol ang kailangan ng follow-up na eksaminasyon. Maaaring mabigo sa unang pagsusuri ang bagong silang na sanggol na may normal na pandinig dahil sa pag-iyak o paggalaw, o mula sa isang bagay sa ear canal. Gagawin ang mga maraming pagsusuri para malaman kung talagang may pagkawala ng pandinig ang iyong anak. Kahit na may problema sa pandinig ang iyong anak, marami sa mga problemang ito ang magagamot. Makikipagtulungan sa iyo ang tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak upang bumuo ng plano para tulungan ang iyong anak.

Napakahalaga na mag-follow up sa kung ano ang ipinapayo ng tagapangalaga. Nagsisimula ang pag-unlad ng pagsasalita at wika sa unang ilang buwan ng buhay. Mahusay na malaman ang tungkol sa pagkawala ng pandinig ng iyong sanggol. Pagkatapos, maaari kang gumawa ng maraming bagay upang makatulong sa pag-unlad ng komunikasyon.

Maaari bang pumasa ang aking sanggol sa pagsusuri at magkaroon pa rin ng mga problema sa pandinig?

Posible na hindi makita sa pagsusuri ang isang problema sa pandinig. Maaaring hindi makita ang ilang problema sa pag-screen na ito. At sa ilang kaso, nagpapakita ang mga problema kinalaunan. Sa bawat pagpapatingin ng sanggol na walang sakit, magtatanong ang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa pag-uugali ng iyong anak at ang kanyang pagtugon sa tunog. Kaya, ang pinakamabuting bagay na dapat gawin ay suriin kung natutugunan ng iyong sanggol ang mahahalagang pangyayari sa pandinig, pagsasalita, at wika habang lumalaki siya. Humingi sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ng listahan ng mahahalagang pangyayari na ito. Kung mayroon kang anumang alalahanin tungkol sa pandinig o pag-uugali ng iyong sanggol, isulat ang mga ito at itanong sa tagapangalaga.

Paano ako matututo nang higit pa?

Matuto nang higit pa tungkol sa pag-screen ng pandinig mula sa National Institute on Deafness and Other Communication Disorders sa www.nidcd.nih.gov.

Mga pinagkukunan

Kasama sa iba pang pinagkukunan online na maaaring kapaki-pakinabang sa iyo ang:

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer