A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Ehersisyo para sa Kalakasan ng Balikat: Paloob na Pag-ikot

Makatutulong ang ehersisyong ito na mapalakas ang balikat at maibsan ang kirot sa paglipas ng panahon. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago simulan ang ehersisyong ito. Sundin ang anumang espesyal na tagubilin mula sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o physical therapist.

  1. Para sa ehersisyong ito, maaari kang gumamit ng nababanat na goma. Itali ang mga dulo ng goma nang magkasama para gumawa ng 3-talampakang silo. Ikabit ang goma sa isang nakapirming bagay, gaya ng sa hawakan ng saradong pinto.

  2. Nakatayo sa tabi ng pinto, hawakan ang goma gamit ang iyong nakabaluktot na siko at malapit sa iyong katawan.

  3. Dahan-dahang ilipat ang iyong kamay papunta sa iyong tiyan. Siguraduhing nanatiling nakaipit ang iyong siko sa iyong tagiliran.

  4. Pigilin sa loob ng 1 segundo. Pagkatapos, dahan-dahang bumalik sa simulang posisyon.

  5. Ulitin ang paggalaw nang 8 hanggang 12 beses kada set. Gawin ang 3 set.

Babaeng gumagawa ng ehersisyong paloob na pag-ikot ng balikat.

Naninigas na balikat

Tinatawag ding adhesive capsulitis ang naninigas na balikat. Nagdudulot ito ng limitadong paggalaw sa balikat. Kung mayroon kang naninigas na balikat, maaaring magdulot ng kawalang-ginhawa ang ehersisyong ito, lalo na kapag nagsisimula ka pa lamang. Maaaring lumipas ang ilang buwan bago mo makamit ang mga resultang gusto mo. Ngunit kapag gumaling na ang iyong balikat, bihira na itong maninigas muli. Kaya sundin ang iyong programa ng pag-eehersisyo. Kung mayroon kang anumang tanong, siguraduhing magtanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan.

Online Medical Reviewer: Dan Brennan MD
Online Medical Reviewer: Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer: Stacey Wojcik MBA BSN RN
Date Last Reviewed: 7/1/2023
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer