A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagpapaligo ng Chlorhexidine Gluconate (CHG) para Maiwasan ang mga Bagong Impeksiyon

Ang chlorhexidine gluconate (CHG) ay isang produktong panlinis na pumapatay sa mga mikrobyo. Araw-araw na pagligo gamit ang CHG ay nakatutulong para sa mga taong nasa mga intensive care unit (mga ICU). Tumutulong ang mga ito na maiwasan ang pagkalat ng mga impeksiyon.

Tumaas na panganib ng impeksiyon sa ICU

Sa ICU, may mas mataas kang panganib ng pagkakaroon ng bagong impeksiyon. Sa ICU, mas malamang na mangailangan ka ng mga paggamot, gaya ng mga central line, catheter para sa ihi, at ventilator. Pinatataas ng mga bagay na ito ang panganib ng pagkakaroon ng bagong impeksiyon. At maraming ICU ang nagtataglay ng bakterya na maaaringhindi mapatay ng karaniwang mga antibayotiko. Maaaring magdulot ang mga ito ng mga impeksiyon na napakahirap gamutin.

Paano tumutulong ang paliligo ng CHG

Inirerekomenda ang araw-araw na paliligo ng CHG para sa sinumang nasa ICU. Mas mahusay ang paliligo ng CHG sa pag-iwas sa mga impeksiyon kaysa paliligo gamit ang karaniwang sabon at tubig. Pinababa ng araw-araw na paliligo ng CHG ang iyong panganib ng pagkakaroon ng impeksiyon sa ospital.  Makatutulong ang paliligo ng CHG para maiwasan ang mga impeksiyon mula sa mga mikrobyo, gaya ng:

  • Methicillin-resistant Staphylococcus aureus (MRSA)

  • Vancomycin-resistant Enterococcus (VRE)

  • Mga impeksiyon mula sa mga central venous catheter

  • Mga impeksiyon sa mga lugar ng operasyon

  • Mga impeksiyon dahil sa paggamit ng ventilator

Nasa panganib ang mga tao ng pagkakaroon ng bagong impeksiyon habang nasa ospital. Kung ikaw ay nasa mataas na panganib ng impeksiyon, maaaring magpayo para sa iyo ang iyong tagapangalaga ng kalusugan ng araw-araw na paliligo ng CHG, kahit na wala ka sa ICU.

Sa ilang kaso, maaari mong gawin ang paliligo ng CHG sa bahay. Halimbawa, maaaring sabihin sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan kung kailan gagamit ng CHG na panglinis ng balat bago ang iyong operasyon. Tumutulong ito na mabawasan ang tsansa ng impeksiyon. Maaari ding gamitin ang mga paligo ng CHG para sa mga impeksiyon ng MRSA sa balat. Ito ay para subukang alisin ang bakteryang MRSA mula sa iyong balat at maiwasan ang mga impeksiyon sa hinaharap.

Ang paliligo ng CHG ay hindi kapalit ng iba pang paraan ng pagkontrol ng impeksiyon sa ospital. Hindi rin nnito mapipigilan ang impeksiyon sa lahat ng oras. Pero ang regular na paliligo ng CHG ay maaaring makabawas sa panganib na magkaroon ka ng bagong impeksiyon. Maaaring paikliin niyon ang iyong pamamalagi sa ospital at gawing mas malamang para sa iyo na gumaling.

Mga panganib ng paliligo ng CHG

Pangkalahatang ligtas ang paliligo ng CHG. Kasama sa mga posibleng masasamang epekto ang:

  • Panta sa balat (karaniwang banayad)

  • Reaksiyon sa allergy

  • Panunuyo ng balat

  • Iritasyon ng mga mata, bibig, o ari

  • Reaksiyon na anaphylactic. Bihira ito ngunit malubha at kung minsan ay reaksiyon sa allergy na nagbabanta sa buhay.

Maaaring mag-iba-iba ang iyong mga panganib, dedepende sa iyong edad, sa iyong pangkalahatang kalusugan, at iba pang dahilan. Maaaring hindi tama para sa iyo ang paliligo ng CHG kung mayroon kang malulubhang problema o kondisyon sa balat, iritasyon ng balat, balat na hindi buo, o mga paso. Magpapasya ang iyong tagapangalaga ng kalusugan kung tama para sa iyo ang paliligo ng CHG. Laging makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lahat ng iyong alalahanin.

Habang naliligo ng CHG

Maaari kang maligo ng CHG araw-araw. Maaaring mag-iba-iba ang mga paraan ng paliligo ng CHG sa bawat ospital. Maaaring sabihin sa iyo ng iyong pangkat ng pangangalaga kung ano ang aasahan. Bilang halimbawa, maaari mong asahan ang sumusunod:

  • Tutulungan ka ng iyong nars na hubarin ang iyong mga damit at anumang medikal na kagamitan (gaya ng mga lead ng ECG), kung maaari.

  • Huhugasan ng iyong nars ang kanyang mga kamay at magsusuot ng bagong guwantes.

  • Kung ito ang iyong unang paliligo ng CHG, maaaring magkaroon ka muna ng pagpunas na hindi CHG. Kapag tuyo ka na, magsisimula na ang paliligo ng CHG.

  • Maaaring gumamit ang nars ng mga disposable wipes na nagtataglay na ng CHG. Gagamitin ng iyong nars ang mga wipe na ito para paliguan ang iyong katawan mula leeg pababa. 

  • Hindi nililinis ang iyong mukha ng solusyong CHG. Ginagamita ang solusyong hindi CHG para linisin ang bahaging itaas ng panga.

  • Batay sa mga tagubilin mula sa iyong tagapangalaga ng kalusugan at mga rekomendasyon mula sa tagagawa ng CHG, maaaring hindi paliguan ang ilang bahagi ng iyong katawan ng solusyon.

Pagkatapos maligo ng CHG

Pagkatapos maligo ng CHG, magpapatuyo ka sa hangin dahil mahalagang hindi punasan ang CHG pagkatapos mong maligo. Maaaring makaramdam ang iyong balat ng malagkit sa loob ng ilang minuto pero hindi dapat banlawan ng tubig. Kapag ganap nang tuyo ang iyong balat, karaniwang nawawala ang malagkit na pakiramdam.

Magpapasya ang iyong tagapangalaga ng kalusugan kung kailangan mo ng mga espesyal na losyon o ointment pagkatapos ng iyong paliligo ng CHG. Ibabalik ang anumang medikal na kagamitang inalis bago ang iyong paliligo ng CHG. Isusuot ang iyong gown na pang-ospital o damit. 

Ipaalam kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o tauhan ng ospital kung hindi komportable ang paliligo ng CHG. Maaaring magkaroon ng reaksiyon sa allergy ang ilang tao sa CHG. Kung mangyari iyon, magpapasya ang iyong tagapangalaga ng kalusugan kung kailangan mong ihinto ang paliligo ng CHG.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer